"WOOOOHOOOOO! I'm so excited! Ready na ang 2-piece swimsuit ko!"
"Hoy Bojie! Subukan mong mag-2-piece at lulunurin kita!" Si Nats.
"Sige na nga! 1 piece na lang!"
"Kahit pa ano yan!"
"1 piece, boss! Trunks yun!"
"Gawin mo nang 2-piece ulit! Mag rashguard ka na rin!"
"Parang allergic ka sa katawan ko boss ha. Iba na yan.
"Eeewww. Oh ikaw Maine, may pang swimming kang dala?"
"Maria Clara."
"Suskopong bata ito! Pati sa beach magpapakamanang ka?!? The Maine I know goes crazy when we talk about the beach. What did you do to her?"
"Wala lang ako sa mood."
"Oh really now? O dahil first outing ito with the IT manager who happens to be your Ex?"
"Tse! Ewan ko sayo! Matutulog muna ako. Di ako nakatulog kanina after shift."
"OK. By the way, alam mo bang kasama naten ang IT staff sa bus na ito? I just thought you should know."
Nanlaki ang mata ni Maine.
Just when I thought my day couldn't get any worse, eto pa ang malalaman ko?!
Kahit nalaman na kasama ang IT staff sa bus ay hindi na lang nagkomento si Maine. Sinabi nya na lang sa sarili ang nasa isip nya. Umayos na lang sya ng upo na bahagyang nakahilig sa gilid ang ulo niya.
Matutulog na lang ako.
Maya-maya pa ay narinig na niyang bahagyang maingay at mejo gumalaw ang bus.
Malamang anjan na ang mga kolokoy.
Nagkunwari pa ring tulog si Maine. Antok na antok na sya kanina pero hindi na sya makatulog ngayon.
Bahagya niyang naramdaman na kumilos si Nats sa pagkakaupo sa tabi niya. Maya maya ay umayos na rin ito at naramdaman niyang sumandal ang bestfriend. Nagsimula ng umandar ang bus at nakaramdam si Maine na hindi na komportable ang pwesto nya. Kaya naman inilipat niya ang pagkakahilig ng kanyang ulo sa balikat ni Nats. Sanay na si Nats na ganun si Maine, ginagawa lang niya iyon pag silang magkakaibigan ang magkakasama.
Nakangiti pang sumiksik sa balikat ng katabi si Maine. Mga ilang segundo pa bago nya narealize na mejo toned pala ang muscles ni Nats sa balikat. Ang alam kasi niya ay never naman nag gym ang kanyang bff. Bumangon si Maine at tiningnan ang katabi.
"Hi!"
Nakangiting sabi ni Alden na nagpalalim sa kanyang dimple.
"Anong ginagawa mo dito?!"
Nahampas pa ni Maine ang balikat ni Alden, para bang inaalis ang saglit na alaala na sumiksik sya doon kani-kanina lang.
"Eh wala nang upuan eh, dito na ko pinaupo ni Sir Nats. Bawal ba dito?"
Ngumiting muli si Alden na parang sadyang nagpapacute kay Maine.
Si Maine naman ay mabilis na lumingon sa kabilang hanay ng upuan at nakitang humahagikhik si Nats at Bash. Pagkakita ng dalawa kay Maine ay bigla silang tumigil at nagpoker face.
"Hayaan mo na. Mag-usap kayo."
Mahinang sabi ni Bash kay Maine pero sapat na para marinig niya.
"Behave naman ako Maine, promise! Ano ba naman yung 3 oras na magkatabi tayo diba? Saglit lang yun."
Mapanuksong sabi ni Alden, hindi maitago na masaya sya sa mga nagyayari.
Umikot ang mata ni Maine at bumalik na lamang sya sa dating pwesto para makatulog.
Itutulog ko na lang to para bumilis ang oras. Sa lahat naman ng makakatabi. Jusko ko naman! Bakit ba laging andito tong lalakeng to sa buhay ko, Lord?!
Maya maya ay hindi na talaga kinaya ni Maine ang antok. Wala pang sampung minuto ay naririnig na ni Alden ang mahinang hilik nito.
Sobrang napagod ata ang mahal ko.
Tiningnan muna ni Alden si Maine para icheck kung tulog na nga ang dalaga. Napahinga ng malalim si Alden dahil ngayon nya lang ulit nakatabi, nakasama at nakita ng malapitan ang babaeng pinakamamahal niya. Maamo pa rin ang mukha ni Maine. Para kay Alden ay walang nagbago sa mukha ni Maine maliban siguro sa eyebags na gawa malamang ng gabi gabing graveyard shift. Para sa kanya ay si Maine noon ang nakikita pa rin nya ngayon. Lalo ngayon na hindi naglagay ng kahit ano ang dalaga sa mukha nya, kahit lipstick ay wala sya.
Halata ni Alden na mejo hindi komportable ang posisyon ni Maine kaya naman dahan dahan niyang ibinaling ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat. Nang maramdaman na hindi nagpoprotesta ang dalaga ay bahagyang napangiti ito. Dumadagundong ang kanyang dibdib sa sobrang pagmamahal para sa dalaga.
Mahal ko, baka marinig mo ang sabi ng puso ko, hayaan mo na lang. Wag ka muna gigising.
Dahil sa posisiyon ni Maine ay si Alden naman ang nakaramdam ng ngalay sa braso niya. Sinubukan niyang itaas ang kanyang kanang braso sa posisyong parang nakaakbay na sya kay Maine. Pero hindi niya inakbayan si Maine, bagkus ay isinuot niya ang kanyang kamay sa ilalim ng kilikili ni Maine papunta sa may bewang hanggang mailabas nyang muli ang kanyang kamay.
Oo. Niyapos ni Alden si Maine. Madali lamang nagawa iyon ni Alden dahil sa liit ng katawan ni Maine. Nakayapos ang kanyang kanang braso sa may bandang tyan ni Maine at ang kanyang kaliwa ay nakayapos at nakahawak sa kanang siko ng dalaga.
Walang kamalay malay ang dalaga. Wala nang pakialam si Alden sa mga oras na iyon. Basta ang sa kanya, kakaunti na lang ang oras na natitira para sa kanya kung talagang magpapakasal na nga si Maine sa iba. Susulitin niya ang mga oras na kasama niya si Maine, sa kahit anong paraan.
Sa mga oras na iyon, walang ibang tao sa mundo niya kundi si Maine lang. Si Meng lang. Ang kanyang si Meng.
_____________________
WEEEEEE! Kahit ako kinikilig! hahaha! Till next chapter po! Mas kilig! :D
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...