Chapter 22

1.8K 88 6
                                    



Sa sumunod na araw ay gumising si Maine sa samyo ng mababangong bulaklak. Bigla syang napabangon at tumambad sa kanya ang 3 boquet ng bulaklak sa side table, sa paanan at sa vanity dresser nya. Inabot niya ang nasa paanan niya at kinuha ang card na kasama noon.


My Dearest Maine,

Sorry. Bati na tayo.

Love,

Frankie


Sumungaw ang maliit na ngiti kay Maine. Alam naman niyang hindi sya matitiis ni Frankie. Narealize niya na bago para kay Frankie na may ibang lalakeng lumalapit sa kanya. Wala kahit isa na nagtangka simula nung maging magkasintahan sila ni Frankie. Sandaling nagselos noon ang nobyo kay Nats pero hindi kasing grabe ng reaksyon ni Frankie kay Alden. Tuluyan lamang tinigilan ni Frankie ang issue kay Nats nang magpakasal ito sa kanyang nobya.



Hinanap ni Maine ang kanyang cellphone para sana itext si Frankie at sabihin na OK na ang lahat. Nang makita niya ang kanyang cellphone ay hindi na sya nagulat sa napakaraming missed calls at texts noon. Dahil doon ay nagsimula na syang magtext bilang sagot sa mga pinadalang bulaklak ng nobyo.


Honeymylabs, rcvd the flowers. Thank you. Sana wag ka na magbeastmode ng ganun next time ah. Iskeri kaya. Kkgising ko lang. Will eat breakfast na. Ikaw din. Ingat lagi.


Nagkaron ng bagong pag-asa at reyalisasyon si Maine na si Frankie talaga ang para sa kanya. Tutal naman ay ang nobyo ang naroon sa mga oras na malungkot siya. Si Frankie ang naroon sa mga oras na si Alden ang hinahanap niya. Si Frankie ang nagpuno ng lahat na hindi nagawa ni Alden. Malaking pagtitiyaga ang ginawa ng kasintahan para lamang makuha ang pagmamahal niya at hindi kailanman ito nagpakita nang panghihina ng loob. Noong una ay hindi gusto ng mga magulang ni Frankie si Maine pero buong tapang na ipinaglaban siya ng binata.


Tama. Bakit ba kasi ako nagpapadala sa mga pagpapacute ni Alden! Simula ngayon hindi na ko madidistract. Sapat nang OK na kami. Tapos. Yun na lang yun. Baboo na talaga from now on, Alden. Kahit ano pang mangyari. Jusko Lord, tulungan nyo po ako na tahakin ko ang tuwid na daan!


Pagsapit ng alas nuwebe ng gabi ay nagpahatid na ulit si Maine kay Jun sa opisina. Inagahan na niya ang pasok sa trabaho dahil wala na rin siyang gagawin sa bahay kundi ang magpaikot-ikot at mag-aksaya ng oras. Ang kanyang nobyo ay bagaman nagpadala ng mga bulaklak ay hindi pa rin nakaluwas para dalawin siya. Pilit na lamang inintindi ni Maine ang sitwasyon nila ngayon. Pagdating sa opisina ay marami na rin siyang ka-team na naroon na. Pawang mga may hangover pa sa mga nagdaang company outing ang mga ito.


"Huy Maine! Kamusta ka? OK ka na?" Si Bash.



"Oo naman. Bakit?"


"Eh di ba, yung nangyari kahapon? Nakita din kasi namen na sinuntok ni Frankie si Alden."


"Ah yun. Nagselos lang ng konti ni Frankie."


"Konti ba yun?"



"Naku, ngayon ko nga lang din sya nakitang ganun. Pero ok na kami, nagsorry naman na sya saken. Kausapin ko na lang din si Alden para makahingi din ako ng dispensa sa ginawa ni Frankie."


"Naku anjan na nga sya, kawawa naman. Maga ang panga."


"Mamya ko na sya kakausapin. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob."

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon