Chapter 29: The Confrontation

1.8K 94 20
                                    



Nagising si Maine na masakit ang ulo, para iyong binabayo ng kung ano. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata ay namahay siya sapagkat hindi pamilyar ang kwartong kanyang kinaroroonan.Hindi naman miserable katulad ng ibang nakikidnap, sa katunayan pang reyna ang kwartong kinaroroonan nya ngayon.


Teka?! So nakidnap nga ako? Ni Frankie? Only one way to find out.


Kahit mejo mabigat ang pakiramdam ay pinilit nyang bumangon at tinungo ang pintuan. Umaasa sya na mabubuksan iyon pero hindi bumigay ang door knob.


"It's locked! Pambihira!!! KINIDNAP AKO??!!"


Bumalik sa malambot na kama si Maine at umupo sa gilid nito. Pinipilit niya na hindi magpanic kundi isipin ang sitwasyon at pano nya itong makokontrol. 


Take one step at a time, Meng. Alamin mo muna kung nasan ka.


Dahil doon ay sumilip siya sa labas ng bintana at nalaman niyang nasa ikalawang palapag siya ng isang malaking bahay. Ngunit hindi sya pamilyar sa lugar na natanaw nya sa labas. Mabundok iyon at parang basa ang paligid ng ambon. Mababa ang fog na halos abot-kamay lamang nya. Bago pa nya masigurado kung tama ang hinala niya ay narinig niyang may nagbubukas ng pintuan ng kwarto. Dali-daling bumalik sa kama si Maine at naupo sa may bandang headboard nito.


"Oh Honeymylabs! Gising ka na pala! Pinag-alala mo ako kanina. Mabuti na lang ayos ka na ngayon. Dadalhin na sana kita sa ospital eh. Kain ka muna, alas-singko na ng hapon. Kanina ka pa tulog. Pinaluto ko yung favorite mong sinigang."



"Anong nilagay mo sa inumin ko kanina? Bakit mo ako dinala dito??? Hindi maganda tong ginagawa mo Frankie, labag sa batas ang kidnapping!"


"Hey honeymylabs, who said na kinidnap kita? Lagi ka namang sumasama saken pag naga-out of town tayo diba? Relax, nakatulog ka lang sa sasakyan. Dinala kita dito para makapagpahinga ka. Yun lang yun."


"Wag ka magsinungaling, Frankie! Palabasin mo ko dito! Kung hindi mo ako kinidnap, sige! Hayaan mo na akong umuwi!"


Nanginginig sa galit si Maine, basag ang boses nya dahil sa gigil.


"Ano ako?! Baliw?! Siguro nga! Baliw na baliw ako sayo, Maine! Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag nawala ka! Ako pa ba ang sinungaling? Huh? AKO PA BA, MAINE?!?!"


Tumaas na rin ang boses ni Frankie na dahilan ng pag-atras ni Maine. Biglang hindi na nya matantya ang kaharap kung hanggang saan ito pipitik.


Hindi nakapagsalita ang dalaga sa mga tinuran ni Frankie. Bagkus ay kusang dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang hinanakit ni Frankie, hindi naman sya bato para hindi makita na sobrang nasaktan ito.


"Ang sabi mo noon sa akin, mahal mo ako. Ang sabi mo salamat dahil hindi kita iniiwan. Dahil sabi mo alam mo ang pakiramdam ng iniwan. Anong nangyari, Maine? Bakit iniiwan mo ako ngayon?"

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon