Chapter 11

1.9K 80 5
                                    

Nagkukumahog si Maine sa pagsuot ng kanyang sapatos.


"9:30 na! Bilisan mo Meng! Lagot ka kay Nats pag late ka na naman!"


Pinapapasok sila ng kanilang boss ng maaga dahil daw ipapakilala ang bagong batch ng mga agents, Team Leaders, IT staff at iba pa ngayong gabi. Monday ngayon kaya kelangan mag 'dress up' o magsuot ng business attire. Ayaw na ayaw talaga ni Maine ang Mondays. Ayaw nyang magsuot ng ganitong kapormal. MInsan naman gusto nyang magmaganda kaya nageeffort din naman sya pero hindi ganun ang araw na ito. 


Muling tumingin sa full-sized mirror si Maine para tingnan kung ano na ang itsura nya. Naka pencil skirt sya na hanggang kalahating-tuhod at naka white chiffon blouse na nakatupi ang manggas hanggang baba ng siko niya. Simpleng strapped sandals na may taas na 3 pulgada lamang ang suot niya na pang-paa. Tamang-tama lang ang make up niya. Naglagay lamang siya ng para sa kilay, face powder, mascara at red lipstick. 


Hhhmm...mukha namang ok na ito. 


Muling umikot si Maine sa salamin at pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng kwarto.


"Alis na po ako Ate Vi!"


"Uy di ka pa kumakain ah!"


"Sa opisina na lang po! Nagmeryenda naman po ako kanina. Nagmamadali po ako eh." 


"O sya sige, magingat ka! Sinabihan ko na si Jun sa kabila na magpapahatid ka sa taxi nya. Baka nag iintay na rin yan sa labas." 


"Thank you, Ate! Alis na ko!"


Pagkalabas ay andun na nga si Jun, ang kapitbahay nila na pumapasada ng taxi.


"Maganding gabi, Meng. Mukhang wala kang sundo ngayon ah." 


"Wala nga kuya Jun, busy yung boyfriend ko eh."


"Nako! Baka maagaw ka ng iba pag lagi syang ganyan!" 


"Susko! Wala namang ibang aagaw sa akin. Busy lang talaga yun. Tara na po, baka malate ako eh." 


Nagsimula ng imaniobra ni Jun ang sasakyan at ng tuluyang nakatakbo na ay binuhay naman nya ang radyo. Pumailanlang ang 'Thinking Out Loud' ni Ed Sheeran na nagpaganda naman ng mood ni Maine. Isa kasi iyon sa mga paborito nyang love songs. 


Malapit lang ang opisina ni Maine kaya naman nakarating na din sila makalipas ang wala pang sampung minuto. Nag-abot siya ng isang daan kay Jun at ibinalik nito ang 50. 


"Kuya Jun, lugi ata kayo ah." 


"Hayaan mo na, suki naman kita saka pasok pa rin naman yan sa 10-peso rollback. Sige na! Sabi mo malelate ka na di ba?" 


"Thank you Kuya Jun ah. Sige po! Ingat kayo pabalik!"


Halos takbuhin ni Maine ang Main Entrance ng building ng opisina niya. Hindi na sya nag-aksayang tumingin sa relo. Basta ang importante ay makarating na sya sa conference room ngayon din.


Humihingal na pumasok ng conference room si Maine. 


"Oh! Ayos ka lang?"


Pansin ni Bash.


"Yan talagang si Nats, sabi agahan daw. Eh hindi pa pala naguumpisa eh!"


"Hahaha! Wala pa nga sya eh! Tumakbo ka ba papunta dito?" 


"Ano pa! Akala ko late na ako!"


"Hahaha! Next time wag kang tumakbo ng ganyan ang suot mo, mawawala poise mo. Kaloka ka." 

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon