It's been a long time since i last wrote a romance novel so i'm kinda nervous but somehow,excited,of course.Well,
anyway i really hope that my story could simply touches your heart as i take delight on writing it all for you guys...Enjoy Reading!*This story is purely fictional*
Note: Please bare me with my
mistakesPart One
Kasalukuyan akong nasa mahimbing na pagkakatulog nang biglang tumunog ang alarm clock na siyang dahilan upang mapabalikwas ako ng bangon.Agad kong pinatay ang alarm clock na nasa ibabaw ng side table ng kama.Pupungas-pungas akong bumangon at tinignan ang oras.
It was 7:00 in the morning.
Sa bawat araw na magigising ako,ni minsan ay hindi ako na late ng gising.
Lagi akong gumigising sa tamang oras.Wala akong palya dun.Masasabi ko na very punctual ako pagdating sa oras lalo na kung sa usaping obligasyon at responsibilidad.
Pero sanay na rin naman kasi talaga akong magising sa ganoong oras ng hindi lumalagpas ng minuto o maski nga siguro segundo man lang.Daily routine ko na kasi yun.Iba na rin kasi talaga kapag nasanay na ang katawan sa palagi mo ng ginagawa.Bago ako bumangon ay tinignan ko muna ng sandali ang lalaking katabi ko sa kama.
Si Andrei.
My beloved hubby.
Himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog.Katunayan ay nakanganga pa nga ito na may bahagya pang laway sa gilid ng labi.Napangiti ako sa sarili ko bigla.I have always watched how my husband's handsome face turns funny and a little bit nasty when he's sleeping without him knowing but still,he looks damn good to me.Ano mang anggulo niya,para sa akin,wala yatang panget eh.Ang gwapo pa din niya.
Dinampian ko siya ng masuyong halik sa pisngi bago ako tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto.Agad akong dumiretso sa kusina at sinuot ang apron.Naghanap ako sa fridge ng lulutuing breakfast.Sa dami ng laman sa loob niyon ay hindi ko na tuloy malaman kung ano ihahanda ko.Ang tagal ko rin nag-isip before i end up deciding cooking bacon and sausage.Hindi mahilig kumain ng kanin sa umaga si Andrei kaya hindi ko na pinagaksayahan pang i-sangag ang kanin.Mabuti na lamang at may dumadaang naglalako ng pandesal sa subdivision namin araw-araw kaya iyon na lamang ang binili ko.Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa.
Eksaktong tapos na ako sa paghahanda ng almusal nang magising si Andrei.
"Good morning love"...nakangiti kong bati sa kanya pagpunta niya ng kusina.
"Good morning too love"...nakangiti rin nitong bati na umupo sa upuan na paharap sa akin.
"Oh no!no no no love!"sabi ko na hinila siya sa braso.
"O bakit?"nagtatakang tanong ni Andrei sa akin.
"You're going to sit beside me.Di ba i already told you na dito ka sa tabi ko lagi uupo?"paalala ko kasabay ang pag-akay ko sa kanya paupo sa upuan sa tabi ko.Sa upuan sana sa harap ko ito uupo.
Wala naman nagawa si Andrei kundi mapabuntong-hininga.
"So love,ano pala gusto mong lunch later?"tanong ko habang kumakain kami.
"Wag ka na muna kaya magluto ng lunch para sa akin mamaya love"suhestiyon nito.
"Why not?"nakakunot-noo kong tanong.
"Sa labas na muna ako kakain at tsaka para makapagpahinga ka rin muna sa pagluluto."
"No!"i insisted.
Alam kong napansin na ni Andrei na hindi ko nagustuhan ang gusto niyang mangyari kaya agad na nitong binawi ang unang sinabi.
"Okay okay...dalhan mo ako ng lunch later",sabi nito na wala ng nagawa.
Sukat sa sinabi nito ay ngumiti ako ng ubod tamis."Ipagluluto nalang kita ng mechado love..what do you think?
Ay,no!i changed my mind.nilutuan na kita nun last week di ba?what about paksiw na pata?huh?or kare kare?"Hindi sumagot si Andrei.Tila hindi nito narinig ang sinabi ko.Busy ito sa kinakain habang nagbabasa ng newspaper.
"Andrei...love...hey..."tawag ko sa kanya.
"Ow yes love?"
"Paksiw na pata or kare kare?"
"Ahm...kare kare na lang love",sagot nito na muling itunuon ang pansin sa pagkain at pagbabasa ng newspaper.
"So sabay na tayo lunch doon sa work mo?"
Nag-angat ito ng ulo."what?!hindi naman resto dun Jade.it's a workplace."
"Yeah,i know it's a workplace but it's your breaktime naman di ba?so,what's the problem?"
"It's not normal Jade."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya."what's not normal is you,not allowing me to eat lunch with you on your breaktime."
Umiling ito at matapos ay humigop ng kape bago muling nagsalita."You just don't get it."
"Oh i do get it.Ayaw mo ako makasabay kumain".nagtatampo kong sabi.Tinapos ko agad ang pagkain ko at nagsimulang maghugas ng hugasin sa lababo.
"Okay okay..let's have lunch together later",sabi ni Andrei.Alam kasi nitong nagtampo siya.
Nilingon ko agad ang asawa ko at tinapunan ng matamis na ngiti"Okay.
I'll be there on exact time para matagal-tagal time natin kumain ng lunch.Ano kaya kung magluto ako ng marami para bigyan ko mga ka empleyado mo love?""Ikaw bahala kung ano gusto mo".
Ngumiti ako sabay sabing,"wag na lang..."
"Why changed your mind"?
"Exclusive lang kasi para sayo ang luto ko eh.."nakangiti kong sagot.
Nakita ko rin na ngumiti si Andrei.
Matapos namin kumain ay naghugas na ako ng mga hugasin.Si Andrei naman ay naligo na at habang naliligo siya ay inihanda ko na ang mga gagamitin niya at susuotin sa pagpasok sa trabaho.Alas-nuwebe imedja ng umaga ang pasok nito sa trababo pero nine ito umaalis ng bahay.May sariling sasakyan naman ang asawa kaya madali naman itong nakakarating sa trabaho at isa pa,malapit lang naman ang pinapasukan nito mula sa aming bahay.At hindi rin naman problema kung sakaling ma-late si Andrei sa trabaho dahil ito naman ang boss.
Pag-alis ni Andrei ay sinimulan ko ng maglinis ng bahay.May kalakihan din ang bahay namin.Concrete modern house iyon.Palibhasa'y architect ang asawa ko kaya ito rin mismo ang nag design sa bahay namin mula sa interior and exterior.And i'm proud of my husband bright ideas pagdating sa architecture.
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...