Part 13
*Jade"s POV*
At home....
"Sinong matutuwa sa pagsisinungaling mo sa akin huh?!Sabi mo boy's night out pero may mga kasama naman pala kayong girls!?"galit kong sabi na nakapamaywang.
Pag-uwing pag-uwi namin ng bahay after the party ay agad ko ng binungaran ng galit si Andrei.
Kanina pa lang sa party ay timping timpi na akong wag awayin si Andrei dahil nakakahiya kung mag-eeskandalo ako sa harap ng mga kaibigan nito.Mabuti na lamang at magaling akong mag adjust kaya nakuha ko pang makisalamuha sa kanila na animo'y walang anumang tinatagong nararamdaman.Ni hindi ko nga pinapansin si Andrei kahit magkatabi kami dahil alam kong kapag kinausap ko siya ay confrontation na ang mangyayari at ayun na...Tuloy-tuloy na iyon..
"My goodness Jade!mga asawa ng mga tropa ko iyon.anong masama dun huh!?"galit din ang sagot ni Andrei sa akin na lalong ikinainit ng ulo ko.
May kasalanan na nga ito sa akin at ito pa ang may karapatan magalit?
"wala akong pakealam kung asawa sila!ang point ko is that you lie!"
"eh di sorry...wala ka naman pala pakealam na asawa sila eh so wag na natin pahabain pa itong argue na 'to".
"No!"madiin kong sabi.
"So what do you want now Jade!?ikaw nga eh,bigla ka na lang sumulpot dun sa party."
"eh ano naman kung sumulpot ako huh!?ikaw ang isue dito kaya wag mo nga ako baligtarin!Hindi mo nagi-gets yung point ko kung bakit ako nagagalit sayo eh.You lied to me!And what was your reason for hiding simple things to me huh!?Bakit sinabi mo na walang kasamang girls at boys night out pero andun mga asawa nila?!bakit ako hindi mo ako sinama!?"
"Jusko naman Jade.Para ka namang bata!Hindi ka lang isinama nagkakaganyan ka na!bawal na ba akong lumabas ng solo huh!?bawal na ba ako gumimik kasama mga tropa ko!?kelangan ba lagi na lang kita kasama Jade!?"
"what did you say?!ang lalim naman masyado ng hugot mo Andrei.Mukang sawa ka na sa pagmumukha ko eh noh!?"
Kahit pa galit ang tono ng boses ko ay may kirot akong naramdaman sa puso ko.Ngayon ko lang narinig ang mga ganung salita kay Andrei at hindi ako sanay.Pakiwari ko ay matagal na itong may kinikimkim na ganung pakiramdam sa akin.Ngayon lang lumabas ang emosyon nito dahil sa galit marahil.
"Lagi ka na lang kasi nakabuntot samantalang lagi na nga tayo magkasama eh!dito naman ako umuuwe sa bahay!masyado mo ako ina-under eh!"
"Ipapaalala ko lang sayo,just in case na nakalimutan mo na asawa mo'ko kaya wag mo'ko pagsasalitaan ng mga ganyang bagay!"
"hay nako!ayoko na muna makipag-usap sayo!di ka nakakatuwa kausap!"matapos sabihin iyon ay tumalikod na si Andrei at umakyat na papasok sa kwarto.
Naiwan naman akong hindi makapaniwala sa inasal ng asawa ko.Hindi ako sanay makarinig ng mga ganung salita galing kay Andrei at hindi ko rin naman inaasahan na maririnig ang mga salitang nasabi nito kanina lang.Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko na tila ba napakalalim ng pinaghuhugutan nitong emosyon.Gayunpaman ay ayokong mag assume ng kahit na ano.Binalewala ko na lang ang sinabi niya.Marahil ay galit lamang si Andrei kaya nito nasabi ang mga salitang iyon.
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...