Bitter Home

4.7K 65 2
                                    


Part Thirty-three

*Jade's POV*

Ang saya ko dahil nakabalik na kami ng Manila ni Andrei.Iba pa rin kasi talaga kapag nasa sariling bahay ka.Sabi nga nila, there's no other place like home,which is very true.Para tuloy akong bata sa mga reaksiyon ko na abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan ang buong bahay.

"Haayyyyy...buti na lang at nakauwi na tayo love.Na-miss ko 'tong bahay natin eh."masaya kong sabi na umupo sa malambot naming sofa sa sala.

"Me too.Napagod ako sa byahe Jade.Magpapahinga muna ako."sagot ni Andrei.

"Gusto mo ba masahihin kita love?"

"Hindi na.Alam ko naman na napagod ka rin sa byahe eh."

"hindi ah.Mukha ba akong pagod love?"tanong ko na ngumiti ng pagkatamis-tamis."Sige na masahihin na kita."

"Sige ikaw bahala basta tumigil ka na sa pagmamasahe kapag pagod ka na."

"Yes love."

Pumanhik na kami ng hagdan at pumasok ng kwarto.Minasahe ko ang asawa ko hanggang sa makatulog ito.Ako naman ay nahiga rin pansamantala.Babangon din ako maya-maya para magluto ng pagkain namin.

Niyakap ko si Andrei habang natutulog ito.

Masaya ako na nakuwi na kami ng manila ni Andrei hindi lang din naman dahil sa na-miss ko ang bahay namin kundi dahil sa makakaiwas na rin ako sa wakas kay Liam.Hindi ko gusto ang ginagawa ni Liam na pagpapalipad hangin sa akin.Ayoko rin na palagi itong lumalapit sa akin.Ayoko ng dumating pa sa puntong malaman iyon ni Andrei at pag-isipan ako nito ng hindi maganda.Ayoko masira relasyon naming mag-asawa.Kaya mabuti na lang at nakabalik na kami ng bahay.At least,hindi na ako makukulit pa ni Liam.

Kinabukasan...

Sunday morning.

Andrei and i went to church.Niyaya ko itong magsimba dahil matagal na rin naman kaming hindi nagsisimba.After namin magsimba ay nag-mall kami.Napagpasyahan namin manood ng sine at kumain sa isang buffet restaurant.

I feel so happy that day.

Ang tagal na rin kasi simula ng huli kaming mag-date ni Andrei kaya ang sarap lang sa pakiramdam.Pakiramdam ko ay bumalik kami sa bf and gf stage namin noon.

Pinag-shopping din ako ng asawa ko.Binilhan ako nito ng mga damit at footwear.

Hapon na nang makauwi kami ng bahay.Pag-uwi namin ay napaka sweet pa rin namin sa isa-t-isa.Napaka-lambing nito sa akin.Todo bonding kami ng buong araw na iyon na tila ba bagong kasal lang kami.

Magkatabi kaming nakahiga sa sala nang mga sandaling iyon habang nanonood ng tv nang maramdaman ko ang pagkilos ng mga kamay nito mula sa aking braso pababa ng aking balakang hanggang sa dumako iyon sa ibabang parte ng aking katawan na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa aking pakiramdam.

Lalong nadagdagan ang init na aking nararamdaman nang halikan nito ang aking labi.It was torrid.Hanggang sa tuluyan na kaming tinangay ng sitwasyon.

*Andrei's POV*

I was making love with my wife pero iba ang nasa isip kong kasiping ko.

Si Mildred.

I was touching my wife's entire body but it feels like it's the body of Mildred.

Jade is moaning in deep pleasure but what i was hearing is Mildred's sexy voice.

It really felt so good having sex with my other woman.

Mabuti na lamang at kahit na si Mildred ang tumatakbo sa isip ko ay hindi ko pa rin nabanggit ang pangalan nito habang nagsi-sex kami ng asawa ko.Ayoko naman na bulgarang saktan si Jade.Sabihin ng nawala ang pagmamahal ko rito pero ayoko pa rin naman na saktan ito sa ganoong paraan na talagang bistado ako sa kalokohan ko.Kaya nga nabuo ang plano namin nila Mildred at Liam para hindi maging ganoon kaawa-awa si Jade kapag natapos na ang lahat.

Ayoko itong iwan ng nag-iisa.Kaya nga anjan si Liam para sumalo kay Jade kapag hiniwalayan ko na ito.

*Jade's POV*

Naalimpungatan ako sa mahimbing kong tulog nang biglang mag-ring ang cellphone ko.Kinapa ko iyon sa gilid na lamesa.

May tumatawag sa akin pero number lang ang nakalagay.

Napakunot-noo ako.Napaisip ako kung sino ang tumawag pero hindi ko iyon sinagot.Gabi na kasi at inaantok pa ako kaya ayoko sagutin ang tawag.Isa pa,baka magising si Andrei.Ang sarap pa naman ng tulog nito.

Kinansela ko ang call na iyon.Akma ko na sanang ibabalik iyon sa ibabaw ng lamesa nang muling mag-ring ang phone ko.Same number pa rin ng kanina ang tumatawag sa akin ngayon.Noon ay nagpasya na akong sagutin iyon.

Hello..sabi ko

Hello..hello Jade..

I frowned again.Boses lalaki ang nasa kabilang linya.

Hello Jade...how are you?I missed you.

Sino ka?i asked.

It's Liam Jade...

Pagkarinig na pagkarinig ko sa pangalang iyon ay agad kong pinatay ang cellphone ko.Tinignan ko si Andrei.Tulog pa rin ito.Mabuti na lang.Hindi ko maipaliwanag ang klase ng kaba na namamayani sa dibdib ko nang mga sandaling iyon.Bakit tumawag ng ganoong oras si Liam sa akin?Ano ba ang kailangan nito sa akin?Pakiramdam ko ay gusto na nitong manggulo sa relasyon namin ng asawa ko.Hindi na kasi normal ang ginagawa nito.Alam nitong may asawa na ako at heto tinatawagan ako dis-oras ng gabi na alam naman marahil nito na natutulog na kaming mag-asawa.Bigla ay na-stress ako.

Paano na lang kung nagising si Andrei?Ano na lang ang iisipin nito sa akin?Ano na lang ang mangyayari sa aming dalawa?Hindi ako papayag na masira ang relasyon naming mag-asawa.Tatawagan ko si Liam kinabukasan.Kakausapin ko ito para tigilan na ako.

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon