How they first met

7.9K 103 0
                                    

Part Three

*flashback continuation*

"Naku ikaw Jamie paguwi natin sa Maynila makakatikim ka talaga ng matinding sapok mula sa'kin."bulong ko sa kapatid sabay irap pero hindi naman talaga ako galit.

"Just relax okay ate?hindi naman roller coaster ang sasakyan natin eh."nakangiti nitong sabi.

Hindi na ako nagsalita pa.Habang papalapit na kami sa susunod na zipline ride ay tila ba nag-uunahan na sa kaba ang dibdib ko.I feel so tensed and nervous that i couldn't even smile back at my family while their faces was overflowing for joy.GEEZ!I felt my hand is so freezing in cold.

"Ate i'm riding alone huh.."maya-maya ay sabi ni Jamie.

"What!?"bulalas kong tanong.

"I want a solo picture kasi eh.Gagawin ko lang profile pic sa fb."

Pinanlakihan ko ng mata ang kapatid.
Pakiramdam ko ay talagang pinagti-tripan ako nito.Sinasadya yata akong pakabahin."Jamie..kung wala lang tao kanina ka pa talaga may sapok sa'kin eh!Alam mo namang may fear of heights ako tapos you want me to go alone din?arte mo..di mo ba ako pwede isama sa profile pic mo huh?"

"Ate mas maganda kung solo picture sa profile pic noh!ikaw naman ate,ang laki-laki mo na eh.Kaya mo yan"..

"Ah basta ayoko"..mariin kong tanggi."you're going with me.Ayoko mag-isa.natatakot ako!"

"Please ate"...pagmamakaawa nito.

"Pagbigyan mo na kapatid mo..hindi naman nakakatakot sumakay ng zipline eh"....

Out of nowhere i heard this strange voice speaks.Sabay kaming napalingon ni Jamie sa pinanggalingan ng tinig na iyon.

A man.

He was behind me.

"if you want i can go with you para hindi ka matakot."nakangiting sabi ng lalaki.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong naiwang nakatulala at nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.All of sudden,there's this strange feeling that just happen inside of me.

His face just makes me feel freeze and stuck up in a moment.I kept praising and complimenting this man in my thoughts.

He was so handsome.

A man with an oozing sex appeal and...and...manly!I said it all inside my head as i turn to look at him from head to toe.I wonder how fit are his body inside his white t-shirt.Sa isiping iyon,hindi ko namamalayan na napapangiti na pala akong mag-isa.

"Hoy ate!.."tawag ni Jamie sa mahinang tinig sabay kalabit sa tagiliran ko."ate para mo ng pinagnanasaan si kuya sa mga tingin mo o!ano ka ba?"

Saka lamang ako nagising sa tila pagdi-day dreaming ko.At bigla ay nakaramdam ako ng hiya nang makita ko na abot-tenga ang pagkakangisi ng lalaki sa akin.Hindi siya nakangiti.Nakangisi huh!Obviously,kitang kita nito kung paano ako nagmukhang tanga katititig sa napaka-guwapo nitong mukha!

Oh my Gosh!usal ko sa sarili sabay kurap ng mata ng ilang beses at saka ako nagmamadaling tumalikod.Dumoble tuloy lalo ang kabang nararamdaman ko dahil sa lalaking iyon.Nahiya ako bigla sa sarili ko.Hindi naman ako ganoon eh.
What just happened to me a while ago in front of that man is unusual.I know myself so well kaya naman nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ganoon ang naging reaction ko.I know myself to be a little bit snobby with guys.Kaya nga maraming lalaki ang alangan lumapit at gustong manligaw sa akin kasi nga i'm not easy to approach with.Masyado akong aloof.

Anyway,ilang sandali pa ay nakasakay na sa zipline si mama at papa kasunod si Jamie na talagang pinanindigan sumakay ng mag-isa.
Ako na ang kasunod sa line up.Hindi ko na malaman ang gagawin ko sa sobrang kaba.Kung gaano ako kakaba nang mga sandaling iyon ay siya namang kabaligtaran ng magulang at kapatid.Rinig na rinig niya ang masayang tili ni Jamie nang nasa kalagitnaan na ito sa zipline.

Ramdam ko naman ang pamumutla ng mukha ko nang sinimulan ng ikabit sa akin ang zipline harness.Pero no choice na rin ako kundi gawin iyon.

"Okay,i'll go with you."ang lalaking nasa likuran niya ang muling nagsalita.Pumuwesto na ito agad sa tabi niya.

"I'm afraid"...i told him in a helpless voice.Totoong iyon ang nararamdaman ko.I felt that my strength suddenly flees away.At alam kong nakita rin ng lalaki kung gaano na ako katakot that moment.

"Don't be"...nakangiti nitong sabi."i'm with you".

"Ready?"ito ulit ang nagsalita matapos maikabit ang harness sa aming katawan.

Narinig ko na rin magsalita at sumenyas ang zipline guide na"Ready".It only means that we're on the go kaya inihanda ko na ang sarili ko.Nang maramdaman ko ang paggalaw ng zipline ay awtomatiko akong napapikit.Abot-abot ang kaba at lulang nararamdaman ko.I wanted to see everything around me and what's down under the zipline but i just could not.So,my eyes are remained close...


My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon