Part Fifteen
Continuation....
"At nakuha mo pang ipagtanggol sa harap ko ang magaling mong sekretarya!What's wrong with you Andrei!?Hindi na ako natutuwa sa mga binibitawan mong salita sa akin.Kahapon ka pa eh!Nag-away na nga tayo kagabi at hindi mo man lang nagawang gumawa ng first move para makipagbati sa akin.Hinayaan mong matulog tayo ng hindi nagkakaayos.And take note huh,pumasok ka sa trabaho nang hindi ka man lang din talaga nagpaalam man lang sa akin na papasok ka na!"hindi ko na napigilan pang ilabas ang saloobin ko.
"Kelangan ba ako ang unang humingi ng sorry sayo huh!?bakit Jade!?Ako lang ba nagkamali?are you perfect Jade?Sige nga!"galit pa rin si Andrei.
Napaamang ako.
Hindi ko malaman kung ano bang dapat kong maramdaman sa nangyayari sa amin ngayon ni Andrei.
Kung umasta kasi si Andrei ay tila ba wala talaga itong nagawang pagkakamali sa akin.And what makes me keep wondering is his actions and his words.
Hindi naman ganito si Andrei sa akin eh.
He used to be so sweet amd submissive.
Now he seems to be different.
"I'm not perfect i know but stop acting like you don't owe me anything!"sagot ko.
"What do i owe you huh!?Yung hindi ko pagsama sayo sa party Jade?!Yun ba!?"
"Yes!And you lie to me!"
"My Goodness Jade,it's not a big lie!Kung makaarte ka kasi as if naman na napakalaki ng kasalanan na nagawa ko sayo!"
"That's exactly my point Andrei!If you lie to me for just a small thing then how can i possibly trust that you won't lie to me for some big issues next time?Tell me how!?We are husband and wife Andrei.We are not supposed to lie with each other!"
Hindi nagsalita si Andrei.
Kunwari ay nagbusy-busyhan ito sa paghahanap ng kung anong files na nasa table nito.
Halatang umiiwas.
Halatang ayaw ng makipag-usap.
"Wala ka man lang bang sasabihin sa akin Andrei?"i ask in a calm voice.
"Go home Jade"...
"Really?Is that it Andrei?"
"I'm busy now.As you see i'm working.Now is not the right time for us to talk about our personal issues.Our home is the right place for that.Not in my office."sagot nito na hindi naman na galit bagaman nasa tinig ang ma-awtoridad na pananalita.
Now,i'm speechless.
Gusto kong maiyak sa inaasal ni Andrei ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Katulad nga ng sinabi ni Andrei,now is not the right place to argue about their issue neither not the right place for me to cry.
Ayoko naman na lumabas ng office ng asawa ko na pinagtitinginan ng mga empleyado nito dahil sa pamumugto ng mata sa pag-iyak.
Nakakahiya lamang.
Kahihiyan ko yun at pati ni Andrei.
"okay then...hihintayin kita sa bahay."nasabi ko na lang bago tuluyang lumabas ng office.
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Andrei.Sa totoo lang,gustong gusto ko na magalit ng husto kay Andrei pero ayokong gumawa ng anumang eskandalo.
Hihintayin ko na lamang ito sa bahay at dun kami mag-uusap ng masinsinan.
Bago ako makalabas ng office ay nakasalubong ko pa si Mildred.May bitbit itong mga files.
Nagtama ang mga mata namin ni Mildred.
Ngumiti ito.
Instead of smiling back at her ay tinarayan ko ito.
I can't explain why do i exactly hate her but i really feel that there is something going wrong behind her back.Sigurado akong pinaplastik lang ako ng babaeng ito.Alam kong may gusto ito kay Andrei.
Ramdam ko iyon.
At malalaman ko kung totoo man ang hinala ko sa tamang panahon...
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...