Broken Heart

6.4K 96 1
                                    


Part Thirty-six

*Jade's POV*

Ang pagtunog ng cellphone ang nagpagising sa aking pagkakatulog.Hindi ko namalayan na sa sofa pala ako nakatulog.Nakatulugan ko na lamang ang pag-iyak kagabi.Mabigat ang pakiramdam na bumangon ako upang tignan kung sino ang tumatawag na iyon.

Si Liam ang tumatawag...

Hindi ko iyon sinagot.

Wala ako sa mood na makipag-usap sa kahit na kanino.

Nakailang ulit ng tawag si Liam pero hindi ko pa rin iyon sinagot.

Tinignan ko ang oras sa wallclock.

12 na pala ng tanghali.

Nagtungo ako sa kusina at binuksan ang ref.Kinuha ko ang red wine at saka uminom.

Gusto kong maglasing ngayon buong araw.Nakailang beses akong uminom ng red wine bago muling napaiyak nang maalala ko ang nangyari kagabi.Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang nagyari sa amin ni Andrei.Parang kailan lang ay ang saya-saya pa namin dalawa.Now,everything just fall apart.I thought we're strong enough to overcome every trials in our relationship.I thought he love me that much but i was so wrong.Ang dali naman mayanig ng pagmamahal para sa akin ng asawa ko.Ang dali naman para rito na ipagpalit ako sa iba.At ang dali naman para rito na kalimutan na lang ang lahat ng pinagsamahan namin.

Bakit ganoon na lang kadali para kay Andrei na kalimutan ako at iwan ako para kay Mildred?

Nang maisip ko si Mildred ay bumangon ang matinding galit ko para rito.Sabi ko na nga ba at tama talaga ang hinala ko sa mga ito noon pa.Sa mga sandaling ito ay gustong-gusto kong sugurin si Mildred at saktan pero ramdam ko sa sarili ko na wala akong lakas na gawin iyon ngayon.

I was just so hurt right now.Too weak to fight for Andrei.Too weak to fight for my place as his wife.

Kung meron man akong gustong puntahan sa mga sandaling ito,yun ay walang iba kundi ang pamilya ko...

Manila North Cemetery

Nasa harap ako ng puntod ng pamilya ko.Si papa,si mama at si Jamie.

I just lost them two years ago...

They died in an accident...

Magkikita-kita kami noon nila papa,mama at Jamie sa trinoma mall nang mabangga ang sinasakyang taxi ng mga ito ng isang bus na nawalan ng preno.Sa sobrang lakas ng impact ay malubhang nasugatan ang pamilya ko.Unfortunately,they died that day..

That was the saddest day of my life..

Halos mabaliw ako nang mawala ang pamilya ko sa akin.Walang gabing hindi ko inayakan ang pagkawala ng mga ito.Walang araw na hindi ko namimiss ang mga ito.Madalas akong bumibisita noon sa puntod ng mga ito upang mabawasan ang pangungulila ko.Mabuti na lamang na noong mga panahong iyon ay talagang dinamayan ako ni Andrei.Hindi niya ako pinabayaan at ipinaramdam nito na may pamilya pa akong natitira sa katayuan nito bilang asawa ko.Kaya kahit papaano ay naka-recover ako sa masaklap na pangyayaring iyon sa pamilya ko.

But that was before...

Dahil si Andrei na natitira ko na lamang pamilya ay wala na rin.

Iniwan na ako...

Pa,ma,jamie..he just left me..Ang hirap..Hindi ko po alam kung anong gagawin ko ngayon.I just wish na nandito kayo to tell me what to do,to help me get through this.Miss na miss ko na kayo.Gustong-gusto ko kayo ulit makasama.

Kung buhay pa ang pamilya ko,hindi magiging ganito kahirap para sa akin ang lahat dahil alam kong hindi nila hahayaan na malugmok ako ng husto.Alam kong gagawin nila ang lahat para mapasaya ako at tulungan akong makapag-move on pero wala na ang mga ito.The truth is that kailanman ay hindi na sila babalik pa.

I am left alone now.

I need to survive this battle of mine all by myself regardless of how hard evrything seems to be.

Gabi na nang makauwi ako ng bahay.Mula kaninang tanghali ay hindi pa ako kumakain pero hindi man lang ako nakakaramdam ng gutom.Pag-uwi ko ay uminom lang din ako ulit ng red wine.Sinadya kong uminom ng marami upang makatulog.Kailangan kong maglasing upang pansamantalang makalimot sa sakit na nararamdaman ko.Ayoko na muna mag-isip dahil para akong pinapatay kapag naiisip ko na magkasama sila Andrei at Mildred.Heto ako nagdurusa habang nagsasaya ang mga ito sa pagtatagumpay ng kanilang plano.

Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!

I shouted loud.

Sinabunutan ko ang sarili at muling umiyak.

Sunod-sunod akong lumagok ng red wine.I don't want to feel this pain anymore.Hindi ko na kaya pang mag-isip pa dahil lalo lamang akong nasasaktan.Mababaliw na ako sa kaiisip.

*Liam's POV*

Kanina ko pa tinatawagan si Jade pero hindi man lang ito sumasagot.Dahil doon ay hindi ko maiwasan na hindi mag-alala.Alam ko na iniwan na ito ni Andrei.Updated ako sa mga pangyayari.Hindi mawala sa isip ko si Jade.Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nito ngayon.

Gusto ko si Jade.I'm really serious about her.At hindi na ako sang-ayon sa nangyayari ngayon rito kahit pa pumayag ako sa deal namin nila Mildred at Andrei noon.

Marami ng nagbago simula nang makilala ko si Jade.Napakabuti nitong babae.Napakatanga ni Andrei para ipagpalit ang sarili nitong asawa para kay Mildred.Yeah,Mildred is my cousin but that don't mean na sang-ayon ako sa mga ginagawa nito.Isang malaking pagkakamali na pumayag akong magpagamit kila Andrei at Mildred para masaktan si Jade.

Muli kong tinawagan si Jade pero hindi pa rin ito sumasagot.Now,i feel so worried..

Pupuntahan ko ito..

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon