The story begins

12.5K 135 0
                                    


Part Two

Ito na ang daily routine ko.Ang gampanan ang lahat ng household chores sa bahay.Mula sa paglilinis,pag go-grocery at pagluluto.Kung tutuusin ay pupuwede naman akong kumuha ng maid upang gumawa ng lahat ng iyon.Iyon din ang gusto sanang mangyari ni Andrei.Ako lang talaga ang may ayaw.Nang magsama kami ni Andrei bilang mag-asawa,ako na rin mismo ang nag-decide na maging full time housewife.Gusto ko kasi siyang pagsilbihan at iyon ang isa sa mga paraang alam ko.Bagay na hindi ko rin naman pinagsisihan at pagsisisihan.Kahit minsan ay nakakapagod din ang ginagawa ko,ok lang.Hindi ko na iyon alintana.Maliit na bagay lamang iyon kung ikukumpara sa ginagawang pagsisikap ni Andrei para sa akin.

Para sa aming mag-asawa.

Mabait si Andrei at responsable.
Halos lahat ng pangangailangan ko ay naibibigay nito kaya naman ganoon na lamang ang pagsisilbing ginagawa ko para sa kanya.Sanay na rin naman kasi ako sa mga gawaing bahay kaya hindi na ako nag adjust pa sa bagay na iyon.Kapag ginawa mo naman din kasi ang isang bagay na masaya ka,okay lang lahat.Iyon ang eksaktong nararamdaman ko.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga magazine na nakalagay sa ilalim ng center table sa sala nang makita ko ang isang photo album.

Napangiti ako nang buksan ang pahina niyon.Nakita ko ang mga mga pictures ko noong nagtatrabaho pa ako bilang isang tourist guide nung hindi pa kami mag asawa ni Andrei.

That was when i was still twenty
five years old.Six years ago.
Maganda ang trabaho ko noon.Kung saan-saang tourist destination ako nakakapunta.Napakaraming magagandang experience sa bawat pictures kong iyon.At sa isiping iyon ay bigla kong namiss ang dati kong ginagawa.Namiss ko pati ang mga kaibigang kapwa tourist guide na hanggang ngayon ay abala pa rin sa ganoong klase ng trabaho.

   Sa mga pictures na iyon,masasabi ko na ang laki ng ipinagbago ng itsura ko noon kung ikukumpara sa ngayon but in a good way naman.Kung noon ay sweet darling amg dating ko,ngayon ay mature lady na.Kunsabagay noon kasi ay worry-free naman ako though hindi ko naman sinasabi na punong-puno ng worries ang status ng buhay ko ngayon.It's just that a lot has changed in my life now.And i did learn how to value every single moments of my life now than i ever did before.

  Muli kong nilipat ang pahina ng photo album.Tumambad sa aking paningin ang mga pictures namin ni Andrei together.Lalo akong napangiti nang makita ko ang mga larawang iyon.

  Ang daming magagandang lugar na rin pala ang napuntahan naming dalawa na magkasama.Bohol,Cebu,Palawan.Those pictures were all memorable.Ang sarap tignan ng mga photos na iyon.Mababakas sa aming mga aura at gestures kung gaano kami kasaya.Ngunit isang picture doon ang talagang nagpangiti at nagpakilig sa akin.

  That photo was a stolen shot at Tagaytay.

  Nakasakay kami sa isang mahabang zipline.

That is how Andrew and i first met.

Way back six years ago..

The day that i never thought it would make me believe that True Love did exist!

*flashback*

  Kasama ko ang mga pamilya ko sa Tagaytay.Pare-parehas naming first time makapunta sa Tagaytay kaya naman para kaming mga ignorante na animo'y kabababa lamang ng bundok.
 
Napakasaya ng araw na iyon para sa aming pamilya.Treat ko iyon sa kanila nang makakuha ako ng malaking sahod at tip mula sa pagtu-tour guide.At isa pa,gusto ko rin talaga makabawi sa kanila sa mga panahon na lagi akong wala sa bahay at busy sa trabaho.Breadwinner ako ng pamilya kaya talagang kayod ako sa pagtatrabaho.Naiintindihan naman nila iyon kaya lang kung minsan talaga ay hindi maiwasan ng mga ito na magtampo sa akin.They demand for my time.Namimiss raw nila ako kaya naman,pinaghandaan ko talaga ang araw na ito para sa kanila.

  "Nak Jade"..tawag ng amang si tatay Erning sa akin habang naglalakad kami.

  "Ano yun pa?"tanong ko.

  "Yun o!yung maraming nakapila",sabi nito na itinuro ang isang parte sa Tagaytay na kung saan ay napakaraming pila.

"Tara tignan natin",aya ko sa kanila at sumunod naman sila sa akin."Ay pa,zipline yan."

  "Ate parang enjoy sumakay jan..sakay tayo",yaya ng kapatid kong si Jamie.
Matanda siya rito ng limang taon sa edad kong 25.

  Agad akong umiling sa sinabi ni Jamie.Kung ang kapatid ay sporty at fearless ako naman ay kabaligtaran nito.I have a fear of heights.Malulain ako kaya nga hindi ako mahilig pumunta sa mga amusement theme park dahil hindi naman ako sumasakay sa kahit na anong rides.
Kuntento na siya sa pagtanaw lang sa mga magagandang nature.

  "Hay nako,kayo na lang nila mama at papa Jamie."sabi ko na binalingan sila mama at papa."gusto nyo ba mag zipline ma?"

  Bakas naman sa mukha ng magulang ang kagustuhan i try iyon.Ako lang yata ang may ayaw.
 
  "Oo nak.try namin yan ng papa mo,"masayang sabi ni Jedah.Si mama.
 
"Okay sige.Pila na kayo diyan.Eto pangbili ng ticket",iniabot ko ang pera kay mama at pinabayaan ko silang pumila.Nanatili lamang akong nakatayo sa tabi at nakamasid sa paligid.Hindi rin naman nagtagal ay nakabili na ang mga ito ng ticket at ilang hilera na lamang ay next batch na ang mga ito.

  "Ayan na..oh my god.ingat kayo ha.baka malaglag kayo."biro ko sa kanila.

"Hoy te..kung malalaglag man kami dapat kasama ka na."si Jamie ang nagsalita."binili ka kaya namin ng ticket kaya kasama ka sa'min."

Tila gusto kong sapukin ang kapatid ko nang mga sandaling iyon lalo pa nung nakita ko ang nangaasar nitong ngiti.Alam naman nito na takot talaga ako sa matataas na lugar ngunit heto at umiiral ang kapilyahan ng kapatid ko.

"Ate...come over..next na tayo o,"tawag ni Jamie na mababakas ang excitement sa mukha."wag ka ng KJ ate..minsan lang naman 'to."

"Oo nga naman anak.Kasama mo rin naman kami eh",sabi ni papa.

Ilang minuto rin naman ang lumipas bago ko napag-isipang sumama sa kanila.Bonding moment namin iyon kaya hindi ako dapat na maging KJ.
Kaya no choice kundi sumama kahit pa nga para akong bata na nagmamaktol habang naglalakad papalapit sa kanila.Naisip ko din na minsan lang din naman kami mag- family date together kaya dapat lang na lubos-lubusin na...
 

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon