Part Forty-six*Andrei's POV*
Hindi muna agad ako dumiretso ng uwi sa bahay namin ni Mildred after ng trabaho.Pinauna ko ng umuwi ng bahay si Mildred although ayaw nitong pumayag na umuwi ng hindi ako kasama.Mabuti na lamang at sa huli ay nakumbinsi ko ito nang sabihin ko na magkikita kami ng mga barkada at iinom sa isang bar which is yun naman talaga ang totoo.
Nasa isang bar na ako sa Tomas Morato at nag-iinom kasama si Tony.Marami na rin akong naiinom nang mga sandaling iyon.At dala ng kalasingan ay hindi ko na napigilan pang ibuhos sa kaibigan ang lahat ng saloobin ko.
"I was so hurt when i saw her hurting that much.I was so stupid to cause her pain like that."sabi ko na muling uminom ng alak.
"It's not too late para bumawi ka sa mga kasalanan mo sa asawa mo Andrei.Kung mahal mo pa si Jade,then go back to her."sabi ni Tony."Ang tanong,mahal mo pa ba si Jade?"
"I do.I still do."walang pag-aalinlangan kong sagot.
"Si Mildred mahal mo din ba?"
Noon ko nasapo ang noo ko at muling uminom ng alak.Sa totoo lang,nararamdaman ko na parang ayoko ng makita at makasama si Mildred.Simula nung magkausap kami ni Jade ay malaki na ang naging pagbabago ng nararamdaman ko kay Mildred.Marahil ay hindi ko na nga ito mahal.Minahal ko nga ba talaga ito o nadala lang ako ng libog ng aking katawan at pag-aakalang pagmamahal?
"I think i don't love her anymore."sagot ko.
"Are you sure about that?Sa palagay ko,dapat mong siguraduhin sa sarili mo kung ano ba talaga nararamdaman mo.Mahirap yan Andrei.Dalawang babae ang nasasaktan mo.Ngayon pa lang ay kailangan mo ng mamili kung sino talaga ang mahal mo.Wag mo ng patagalin para hindi na sila lalong masaktan."
"Alam ko naman yun Tony and i'm going to make things right.Nahihirapan lang ako sa sitwasyon dahil alam kong kahit hindi ko gustuhin at sadyain,makakasakit pa rin ako ng babae.Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito.Kung hindi ako nagpatangay sa tukso at kung hindi naging ako mahina,hindi ko sana nasaktan nang husto ang asawa ko.And now,si Mildred naman ang masasaktan ko."
"Nangyari na yan pare.Gawin mo na lang kung anong dapat at tama.Wag mo ng patagalin pa.Kung gusto mo ng balikan si Jade then go..and leave Mildred."
"What's wrong with you Andrei?"ang tanong na iyon ni Mildred ang bumungad sa akin pagkauwi ko ng bahay."Bakit ka nagpakalasing?"
Imbes na sumagot ay dire-diretso akong nahiga sa sofa na tila hindi ito narinig.I was so drunk that night pero aware pa rin naman ako sa pangyayari sa paligid ko.
"May problema ba Andrei??tanong ulit ni Mildred.
Hindi pa rin ako sumasagot.
"Come on..talk to me."
"I'm drunk Mildred..a-ayokong makipag-argumento sa-yo".sagot ko.
"Hindi ka ganito Andrei.I know you very well.Alam kong may problema."si Mildred.Ayaw pa rin tumigil.
"If you think may problema,sige meron nga.Malaki problema ko."sagot ko na sinabayan ng pagak na pagtawa.
Hangga't maari ay ayaw kong magsalita ng ganitong lasing ako dahil sigurado akong masakit na salita lamang ang mabibitawan ko.Kailangan kong kausapin si Mildred ng hindi ako lasing para matantya ko ang salitang bibitawan ko.Ayoko naman masaktan ito nang husto.Kahit papaano ay may pinagsamahan kami.
"Tell me anong problema Andrei.Tell me."pangungulit nito.
Kahit na gising pa ang diwa ko ay nagpanggap na akong tulog.Mabuti na iyon.
Kahit na niyuyugyog ni Mildred ang balikat ko ay hindi ako natinag.*Jade's POV*
Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga orchids sa garden ng bahay nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
Tumatawag si Liam.
Sinagot ko iyon.
Hello..sagot ko.Yes Liam?
How are you?I was worried kaya tumawag ako sayo.Are you okay?
Y-yeah i'm fine.Thank you sa concern mo Liam.
May gusto ka bang ikwento sa akin?I'm free tonight.Kung gusto mo maglabas ng emotions mo,tawagan mo lang ako.Ilibre kita dinner.
Sige.Inform na lang kita if gusto kong lumabas tonight.Anyway,thank you sa alok mo Liam huh.Napakabait mong kaibigan.
Anything for you Jade.
Matapos ang usapan naming iyon ay napabuntong-hininga ako ng malalim.Sa totoo lang ay gusto ko ng mahalin si Liam.He was such a good friend.He's been a good friend at gusto ko na iyon suklian.Kaso lang simula ng may mangyari sa amin ni Andrei at narinig ko mga sinabi nito ay nagdalawang isip na ako.A big part of my heart is hoping na babalikan pa ako ng asawa ko kahit wala naman kasiguraduhan.Pakiramdam ko kasi ay mayroon pang natitirang pag-asa na magkabalikan kaming dalawa.Ayoko naman mangyari na kung kailan bigyan ko na ng puwang sa buhay ko si Liam ay saka naman bumalik si Andrei.Ayoko makasakit ng damdamin ng isang tao.Kaya kailangan ko muna siguraduhin ang desisyon na gagawin ko.If i needed to wait 1 to 2 months to know if my husband will come back to me,then i will...
Wag lang sana umabot ng 3 months dahil pag ganun,alam kong wala na talagang pag-asa.
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...