She's still the one

8.5K 119 11
                                    


Part Forty-five

*Andrei's POV*

Here i am looking solemnly at Jade's face.She was already asleep.Habang pinagmamasdan ko ito ay marahan kong hinahaplos ang pisngi nito.

There's just so many things going through inside my head.Bumalik lahat sa aking alaala ang nakaraan namin ni Jade.Kung paano kami nagmahalan.Kung paano kami naging napakasayang mag-asawa.Kung paano niya ako pagsilbihan at alagaan.Kahit demanding ito at selosa ay naging napakabait naman nitong asawa sa akin.

Hindi ko lubos maisip kung paano at bakit ko nga ba nagawang saktan ang asawa ko.Naiinis ako at nagagalit ako sa aking sarili dahil naging napakahina kong lalaki.Hinayaan kong matangay ako sa tukso.Hinayaan kong masira ang relasyon namin ng asawa ko dahil sa kahinaan ko bilang lalaki.Sobra akong nagsisisi sa nagawa kong kasalanan kay Jade.

Dahil sa isiping iyon ay hindi ko na mapigilan ang hindi pagluha.I was so stupid!

I'm sorry love...i'm really sorry

Sabi ko sa natutulog kong asawa.Hindi man nito iyon naririnig pero taos iyon sa puso ko.Buong akala ko ay hindi ko na mahal si Jade pero nagkamali ako.I still love her.I still love my wife.Para lamang natulog ang pagmamahal ko para rito dahil naagaw ni Mildred ang atensyon ko pero ang totoo,mahal na mahal ko pa rin ang asawa ko.

Ngayon ay aayusin ko ang lahat.Babalik ako sa asawa ko.At hinding-hindi ko na ito iiwan pang muli.Ngunit bago iyon ay kelangan ko munang ayusin ang sitwasyon namin ni Mildred.

Pag-uwe ko sa bahay ni Mildred ay ang galit nitong mukha ang sumalubong sa akin.

"Bakit ang tagal mo umuwe huh!?"nakapamaywang na galit nitong tanong."Anong oras na huh!?"

"Ayoko makipag-away Mildred.I'm tired."sagot ko na akma sanang tatalikod nang hablutin ako ni Mildred sa braso.

"Huwag mo akong tatalikuran hangga't hindi pa ako tapos magsalita.Bakit ang tagal mo umuwe?!"

"Mildred i have no time for some petty arguments okay?Pagod ako."

"At saan ka naman napagod huh?!di ba papipirmahin mo lang si Jade para sa annulment papers nyo pero bakit late ka na umuwe?!anong klaseng pagpapapirma ba ginawa mo sa kanya huh?!"

"Your'e talking nonsense Mildred.Please lang..ayoko makipagtalo dahil pagod ako at gusto ko na matulog.At para matahimik ka hindi pa pinipirmahan ni Jade yung annulment papers namin."nasabi ko na lang.

Ayoko muna makipag-usap kay Mildred nang mga sandaling iyon.Hindi naman ako nagsisinungaling na talagang pagod ako pero at some point,hindi ko pa rin naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin rito.Plano ko ng tapusin ang pakikipag-relasyon ko dito pero alam kong hindi naman iyon magiging ganoon kadali kaya kailangan kong mag-isip ng mabuti but i don't want to end up in a conclusion of doing stupid plans again.No,not ever!This time gagawin ko ang tama.Regardless of how hurtful those words will be,there's no way that i'm not going to be true to myself anymore.

Haharapin ko ang sitwasyong ito pero kailangan kong mag-isip ng mabuti at kailangan ko rin ihanda ang sarili ko.Alam kong makakasakit na naman ako ng damdamin ng isang babae kaya hindi madali para sa akin na gawin iyon.

Next morning...

*Jade's POV*

Gising na ako pero hindi ko pa rin magawang bumangon sa pagkakahiga sa kama.Laman ng utak ko si Andrei.My mind was occupied by this random thoughts.Hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Andrei kagabi.Hindi ko ikakaila sa sarili ko na naging napakasaya ko nang gabing iyon.Aside from the fact na nakagaan sa pakiramdam ko ang paglalahad ng mga nalalaman ko sa plano ng mga ito sa akin ay ang kasiyahan na maramdam kong muli na mag-asawa kaming dalawa.I missed him so much.I missed being in his arms.I missed being his wife.

Ramdam ko that the feeling is mutual.Ramdam ko na na-miss din ako ng asawa ko.I could see through his eyes his longing for me.I know he missed me too.Napangiti ako sa isiping iyon pero agad ko ring sinaway ang sarili ko.

Huwag kang assuming na babalik pa sayo yun Jade.May mahal na siyang iba.Si Mildred na ang mahal niya.Sinex ka niya dahil dala lang ng lust.Hindi purket nag-sorry siya sayo eh ok na kayo.

Yan ang mga bagay na nasabi ko sa aking sarili which is sa palagay ko ay tama.Binibigyan ko na naman ng panibagong pain ang puso ko sa pag-aasam na may second chance pa kami ni Andrei.Dahil doon ay muling tumulo ang luha ko.

Pina-experience lang ba sa akin ni God na muling makasama ang asawa ko only to be left alone again???

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon