Part Twenty-eight*Jade's POV*
"May meeting ulet kami later so baka gabihin na ako ng uwe mamaya."sabi ni Andrei habang nagsi-shave ng balbas sa harap ng salamin sa banyo.
Ako naman ay nakatingin lamang sa ginagawa nito."Ok love pero dito ka ba magdinner later?"
"Hindi na siguro but i will try to go home early para sabay tayo makapag-dinner."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Andrei.Ngayon na nalaman ko kung gaano talaga kaabala sa trabaho ang asawa ko ay nawala ang lahat ng pagdududa ko rito.Kahit na nawawalan na ito ng oras para sa akin ay nauunawaan ko.Hindi ako nagtatampo o nagagalit dahil batid ko naman na sobrang busy lang ito sa pagtatrabaho.He's been working hard kaya dapat ay maging supportive akong asawa.After all,para din naman sa amin ang ginagawa nitong iyon.
"Text kita later kung makakauwe ako ng maaga but if not,kumaen ka na lang okay?Wag mo na ako hintayin."dagdag pa nito.
"Pero sana makauwe ka ng maaga love para sabay tayo mag dinner.Gusto ko sana kumaen ng japanese food eh."sabi ko na sinundan ito pabalik sa kwarto.
Hindi ito sumagot sa sinabi ko.Nagpatuloy lamang ito sa pagbibihis.
"Nga pala love,kelan pala tayo babalik ng manila?"tanong ko.
"Hindi ko pa sure kung kelan pero baka 3days pa tayo dito."
"Ganunba?Kapag hindi ka na masyadong busy punta naman tayo dun sa dried fish market.Gusto ko bumili ng mga danggit tsaka pusit eh."
"Sige."nakangiting sagot ni Andrei."I'll go na.Kapag nabobored ka dito sa hotel,lumabas labas ka.Just take care okay?"
"Yes love."
Bago ito umalis ay ginawaran ako nito ng halik sa noo.Kahit simpleng gestures lang ng asawa ko ay kinikilig na ako.Kahit mag-asawa na kami ay hindi pa rin nawawala ang kilig factor sa akin.
Plano ko sana talaga lumabas ngayon ng hotel at maglibot-libot sa malapit na paligid.Hindi ko first time sa Cebu dahil ilang beses na akong nakapunta roon noong nagtu-tourguide pa lang ako pero hindi ko na tanda ang ilang lugar doon.Nabobored na kasi ako sa loob ng hotel.Buti sana kung kasama ko si Andrei.Kahit walang labasan ng hotel ay hindi ako maiinip.Okay na okay na ako basta kasama ko asawa ko.Happy na ako nun.
*Liam's POV*
This is the first day.
First day of our gameplan.
Naglalakad na ako sa hallway ng hotel patungo sa room ng mag-asawang Andrei at Jade.
The plan is,i supposed to have an appointment with Andrei whom happens to be out for a meeting,which is already what we have planned.At dahil nga sa wala si Andrei kaya si Jade ang obligadong humarap sa akin.
And then that's it...Everything will start from there...
Pinindot ko ang doorbell ng room...
Maya-maya pa ay bumukas iyon.
Iniluwa noon ang isang magandang babae...
She's Jade.I know for sure.
Suddenly i was mesmerized by the beauty of the woman in front of me.I looked at her from head to toe.She was just wearing a skin tight black jeans and a white fitted t-shirt and flat shoes.Nakalugay lamang ang mahaba at brown nitong buhok.Napaka light lang din ng make up nito sa mukha.Hindi kagaya ng ibang babae na ubod ng dami kung makalagay ng kulerete sa mukha.
"Yes?Who are you?"tanong nito na kahit nakakunot ang noo ay maganda pa rin.
"I'm Liam Esguerra.I'm looking for Mr.Andrei Andrews."
"Oh..why are you looking for Andrei?"
"I have an appointment with Mr.Andrews.I am his client.Is he there?"
"Unfortunately,Andrei is not here.He has a meeting.Alam ba niya na pupunta ka?"
"Yes."
"Okay..wait..i'll call him right away.Excuse me."sabi ng babae na nagsimula ng mag-dial.Ilang segundo lamang ay may kausap na ito sa kabilang linya.
And while she was busy talking with Andrei,obviously,i keep staring at her admiringly.She was so pretty.Simply pretty.
"Ahm...Mr.?...what's your name again Sir?"Jade ask after making the call.
"Liam"...
"Mr.Liam..Andrei wants to apologize.Nawala raw kasi sa isip niya na may appointment pala kayo ngayong araw.Sobrang importante din kasi ng meeting niya ngayon so hindi siya agad makakaalis sa meeting na iyon."
"Does it mean that our meeting today is cancelled?Isn't it being impolite that Mr.Andrews didn't even try to call me personally to explain this matter?After all,i'm his client.You know,he could lose the big job i offered him right away."Kunwa'y sarkastiko at may himig na inis kong sabi.
Halata naman ang panic sa mukha ni Jade.Alam kong nag-worry ito sa sinabi ko.Siyempre mawawalan nga naman ng isang project ang asawa nito.No wife would ever want their husband to lose their job.Although it was clearly just a part of the plan.
"Oh..Mr Liam..my husband told me that your appointment with him is not cancelled.Kung maari po sana ay mahintay nyo lang siya kahit isang oras lang.Tapusin daw niya agad yung meeting niya with some other client and then babalik siya agad dito pagkatapos."she explained.
"Are you saying that i actually have to make the adjustments knowing i'm one of his important client?I'm not just a nobody Miss."suplado kong sagot.
Tila lalo yata nagpanic ang babae.
That is actually the plan.
Make her panic.In that way,ito na rin mismo ang magkukusang gumawa ng paraan para magkaroon kami ng time na magkakilala.
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...