Pretentions

5.5K 93 8
                                    


Part thirty-five

*Andrei's POV*

7:00 in the evening nang makauwi ako ng bahay.

Sinadya kong umuwi ng maaga para maisagawa ang plano ko.Pagdating ko ng bahay akala ko ay madadatnan ko roon si Jade ngunit nang mga oras na iyon ay wala pa rin ito.Alam ko naman kung saan nagpunta si Jade eh.Nakipagkita ito kay Liam kanina.

Part of the plan again,of course.

Hindi ko lang inasahan na hindi pa pala ito nakakauwi.Wala naman nabanggit sa akin si Liam na may iba pa silang pupuntahan ni Jade.At kung meron man,alam kong ipapaalam ni Liam iyon sa akin lalo na si Jade.

Ilang minuto lang din naman akong naghintay.Maya-maya ay narinig ko ng bumukas ang gate.Pagkabukas ng pinto ay iniluwa noon si Jade.Nanatili lamang akong nakaupo sa sofa at mariin ang mga tingin sa asawa ko.

Nakita ko ang alangan na ngiti sa mukha ni Jade.

Napansin ko ang dala nitong plastic ng puregold.

Lumapit ito sa pwesto ko at akma na sana akong hahalikan sa pisngi nang sadya akong umiwas.

Jade frowned."Why love?Is there anything wrong?"

Hindi muna ako sumagot.

Kinailangan kong kumuha ng lakas ng loob sa mga susunod kong sasabihin rito.

"Galit ka ba?Nag-grocery lang ako kaya late ako ng uwe.Wala na kasi tayong ibang condiments dito sa bahay eh kaya nag-grocery muna ako."paliwanag nito.

"Saan ka talaga galing?"mahina ngunit madiin kong tanong.

"Sa grocery nga..Saan pa ba ako magpupunta love?"

"You are not good in lying Jade.San ka talaga nagpunta?"

Kumunot ang noo nito at nahalata ko agad ang biglaang tensyon sa aura nito nang mga sandaling iyon.

"Don't lie to me Jade."sabi ko at saka tumayo.

Hindi sumagot si Jade.

Nakatingin lamang ito sa akin.

Malamlam ang mga mata.

"Nakita kita na kasama mo si Mr.Esguerra Jade.Nakita ko na hawak niya kamay mo habang nasa isang restaurant kayo.Bakit kayo magkasama?!'kunwa'y galit kong tanong.

Nakita ko ang paglunok ni Jade.Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at kaba.Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Answer me Jade!"sigaw ko rito."Why are you with Mr.Esguerra!?Why is he holding your hand!?Are you having an affair with him huh!?"

"No Andrei.He just invited me to have lunch with him.He's just a friend.Believe me."sa wakas ay sagot ni Jade."Wala kaming affair ni Mr.Esguerra."

"Oh really huh!?May asawa ka ng tao Jade.Why are you dating some other guy when your'e already married huh!?Hindi ko inakala na magagawa mong pindehuhin ako!"

"No Andrei."mariin tanggi ni Jade."I'm not cheating on you Andrei.You know i love you."

"Hindi ko alam kung kaya ko paniwalaan mga sinasabi mo sa akin Jade.You just broke my heart.Minahal kita pero ginago mo ako."

Doon na tumulo ang luha ni Jade.

Nakaramdam ako ng guilt nang makita ko ang pag-iyak nito pero pinilit kong paglabanan ang damdaming iyon.Kailangan mangyari ito upang matapos na ang plano namin nila Mildred at Liam.Mahirap din sa part ko ang akusahan si Jade nang ganoong bagay lalo na't alam ko sa sarili ko na inosente ito.Na wala naman talaga itong ginagawang masama.Na biktima lamang ito ng kanilang plano.

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon