Part Forty-Three*Andrei's POV*
Pagpasok ko ng bahay ay laking gulat ko sa eksenang tumambad sa akin.Nakita ko na nakahiga sa sofa si Jade at kahalikan nito si Liam.All of a sudden ay nag-init nang husto ang dugo ko.Hindi ko maipaliwanag ang tindi ng boltahe ng galit na nag-uunahang gumapang sa buong katawan ko.Walang babala'y sinugod ko si Liam at sinuntok.
Nagulat si Liam ngunit agad naman itong nakabawi at gumanti rin ng suntok sa akin.Nagpalitan kami ng suntok nito.Si Jade noon ay awtomatikong napatayo sa pagkakahiga sa sofa at humihiyaw na tumigil na kami.Para akong bingi na hindi narinig ang sigaw ni Jade.Wala akong pakealam.Ang mahalaga sa akin ay bugbugin si Liam.There's so much anger inside my heart that moment.
"Tama na ano ba!?Andrei!Liam!Please stop!"hiyaw ni Jade.
Naramdaman ko ang kamay ni Jade na pumulupot sa baywang ko.Inaawat ako.Hanggang sa iniyakap na nito ang katawan sa akin.Noon ay hindi na gumanti pa ng suntok si Liam dahil nakaharang na si Jade.
"Please stop it Andrei!"sabi ni Jade na noon ay umiiyak na.
Inilayo ko ang katawan ni Jade sa akin.Naitulak ko ito ng malakas."Lumayo ka sa akin.Layuan mo ako.Wag kang dumikit sa akin."
"Don't do that to her!"Galit na sabi ni Liam na agad sumaklolo kay Jade.
Lalo akong nakaramdam ng galit sa nakita ko."Wag kang makialam rito!Problema naming mag-asawa 'to!"
"Asawa?Hindi ba nakipaghiwalay ka na kay Jade?!Ipapa-annul mo na nga kasal nyo hindi ba?So wala ka ng karapatan kay Jade!Malaya na siya!"
Hindi ako nagsalita.Bagkus ay muli akong sumugod dito.Hindi pa man nakakadapo ang kamao ko sa mukha ni Liam ay muli na namang pumagitna sa amin si Jade.
"Please tama na ano ba!?Ano nga ba ikinagagalit mo Andrei huh!?Ano pa bang karapatan mong magalit huh!?"galit na sigaw ni Jade na buong pwersa akong itinulak tulak sa dibdib.
Hindi ko inaasahan ang ganoong reaksyon ni Jade.I saw the anger that i've never seen in her before.Nag-aaway kami noon pero hindi ko nakita sa mukha nito ang ganoon katinding galit na nakikita ko rito ngayon.It was different.
"Liam umuwi ka na muna please..hayaan mo muna kami mag-usap ni Andrei."baling nito kay Liam.
Sumunod naman agad si Liam sa kagustuhan ni Jade.Umalis ito.
Nang maiwan kami ni Jade ay ako na agad ang nagsimula ng usapan."Sabi ko na nga ba eh.May relasyon kayo ni Liam.Hindi ka na nahiya Jade!?Sa bahay pa natin mismo kayo naglalandian!Tama lang talaga na iwan kita!"
"Sige ibintang mo na sa akin lahat!Yan lang ba mga kaya mong sabihin at ihusga sa akin Andrei!?Sabihin mo na lahat!Go!Tell me more!Ano!?"
"Nagkamali ako ng babaeng minahal at pinakasalan.Kung alam ko lang na ganyan kang klase ng babae,hindi na sana ako nag-aksaya pa ng panahon sayo.Pinagsisisihan ko na minahal kita.Mabuti na lang at natauhan na ako.Mabuti na lang at hiniwalayan kita.Alam mo,sana hindi na lang tayo nagkakilala.Pinagsisisihan kong nakilala kita."
Walang naging tugon si Jade sa mga sinabi ko.Nakatingin lamang ito sa akin na animo'y walang narinig.
"Dala ko na annulment papers natin Jade.Pirmahan mo na para matapos na 'tong pesteng pagsasama natin.Ayoko ng makita ka pa eh.Ni hindi ko kayang titigan ka.Nakakadiri ka lang."
That was when i saw her cry again.But this time,her tears expresses differently.
"Tell me everything you want to say about me Andrei.It's okay.I understand you.Pinagsisisihan mo na nakilala mo ako?Na minahal mo ako?Nandidiri ka sa akin because you think i cheated on you?Sige lang.Husgahan mo ako.Okay lang yun lahat sa akin.Naiintindihan kita Andrei.Naiintindihan ko lahat."she explained .
"Alam ko na lahat Andrei.Alam ko lahat-lahat.Akala mo wala akong alam sa nangyayari?Sinabi na sa akin ni Liam lahat.Inamin nya sa akin ang totoo tungkol sa mga plano nyo para malaya na kayong magsama ni Mildred.Nagsawalang-kibo ako Andrei pero hindi ako tanga."
Napaamang ako sa mga sinabi ni Jade.I have no idea na all this time pala ay alam na ni Jade ang totoo.Napahiya ako sa aking sarili.Nagmukha akong tanga na hinuhusgahan itong nanlalalaki gayong alam naman pala nito ang planong iyon.Pero ipinagtataka ko kung bakit kaya hindi man lamang ito umalma?
"Kung alam mo na pala ang lahat,bakit hindi ka man lang umalma sa ginawa namin?Bakit hindi mo ako kinompronta ?Bakit mo itinago na alam mo na ang totoo?"
"Kahit naman sabihin ko sayo na alam ko na ang lahat,may magbabago ba?Magbabago ba ang isip mong iwan ako?Pipiliin mo ba ako?Hindi di ba?Iiwan mo pa rin naman ako hindi ba?"
"You are so stupid."hindi ako galit nang sabihin ko iyon pero magkahalong lungkot at awa ang emosyong naramdaman ko nang marinig ko ang side ni Jade.
Pagak itong ngumiti."Yeah,your'e right.I'm so stupid but what can i do?Wala naman akong choice Andrei eh.Napagplanuhan nyo ng paglaruan ako.The only thing i can do is play with your games too.Sumugal ako sa larong sa huli ay ako lang din ang talo.Hinayaan kitang iwan ako dahil alam kong kahit pigilan pa kita hindi ka naman papapigil hindi ba?Hinayaan kong husgahan mo akong may relasyon kami ni Liam dahil alam kong iyon ang tangi mong paraan para tuluyan mo na akong maiwan hindi ba?"
"Your'e my wife Jade.Why didn't you even tried to fight for your right?"
Yumuko ito at saka muling tumingin sa akin sa malamlam na mata.
"Pinaglaban naman kita Andrei eh.Only in a silent way.Nagplano rin kami ni Liam na pagselosin ka kaso wala eh.Eto nga di ba?Nag-file ka na ng annulment.Now.."
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomansaAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...