Unchained

7.9K 121 10
                                    


Part Forty-seven

*Andrei's POV*

It was Sunday morning.

May schedule kami ngayon ni Mildred na mamasyal at kumain sa labas.It was already planned before all the changes in my heart happened.

Nakagayak na kami pareho ni Mildred.Kitang kita ko ang saya sa mukha nito.She was excited but it's contrary to mine.At hindi iyon nakaligtas sa paningin nito.

"Are you okay Andrei?Parang wala ka sa mood."puna ni Mildred.

Hindi ako tumugon.Nanatili lamang akong nakatingin dito na animo'y walang narinig.My mind is too occupied of so many things that moment.

I was planning to tell Mildred everything.

The truth.The changes.Hindi ko lang alam kung paano ko uumpisahan.

"Hey Andrei"...untag nito sa pananahimik ko."What's happening on you?"

"Mildred i think we need to talk."lakas-loob kong sabi.

This is it.It's now or never.Yun ang naisip ko.Hindi ko pwedeng patagalin pa.

Mildred frowned."Ano yun?"

"I'm sorry".I said.

Lalong kumunot ang noo nito."Bakit ka humihingi ng sorry?May ginawa ka bang hindi maganda Andrei?"

"I'm sorry because..coz..i wanted to end this."

"End what?"

"Our relationship."

Mildred was shocked.Nabasa ko sa mga mata nito ang samut-saring emosyon."Are you kidding me?This is not funny Andrei."

Umiling ako."I'm not."

Suddenly her tears began to fell."But why?May nagawa ba akong mali sayo?Bakit bigla kang nagkaganyan?Anong nangyari Andrei?"

"I'm sorry."muli kong sabi na nakayuko lamang.

Hindi ako manhid upang hindi makaramdam ng awa para rito.Hindi ko ito magawang tignan sa mga mata dahil ayokong makitang umiiyak ito.Dalawang babae na ang nasasaktan ko at hindi iyon madali.

"Don't just say sorry Andrei!I deserve an explanation!Why!?"she yelled."Tell me why!?Is this something to do with Jade huh!?"

"Yes."

"Why Andrei!?What's happening!?I don't understand this."

"I'm sorry.Hindi ko sinasadya pero na-realize ko na mahal ko pa rin pala si Jade.I'm really sorry."Pag-amin ko.

"Kailan mo pa na-realize yan?"

"Nung magkita kami na dapat ay papipirmahin ko siya sa annulment papers namin.There's also something that happened between us that time.We made love after we talked."

"Fuck you!!!"galit na galit na sigaw ni Mildred na pinagsusuntok ako sa dibdib."How dare you do this to me!?Sabi mo mahal mo ako!Hindi ba iniwan mo ang asawa mo para sa akin tapos ngayon ano!?Ako naman ang iiwan mo para sa kanya huh?!Fuck you!?Anong klaseng lalaki ka ba huh!?"

Hinayaan ko lang si Mildred sa ginagawa nitong pagsuntok sa dibdib ko.Sa paraang iyon ay maibubuhos nito ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman nito dahil sa akin.Gayunpaman,her pain is nothing in compare sa pain na naramdaman ng asawa ko.Mas nasaktan ko pa rin nang husto si Jade pero kahit ganun,hindi ito nagwala ng ganoon kagaya ng ginagawa ngayon ni Mildred.

"Why did you do this to me Andrei!?Hindi mo na ba ako mahal!?"

Hindi ako sumagot.

"Hindi mo na ba ako mahal!?I'm asking you!"ulit nito.

Nang hindi pa rin ako sumagot ay lalo itong humagulgol ng iyak.Alam na nito kung anong sagot ko sa tanong nito.

"Ganoon na lang ba iyon kadali huh!?We planned to get rid of your stupid wife remember!?Hindi ba pinili mong sumama sa akin dahil ayaw mo na kay Jade!?"

"And that was the biggest mistake i've ever done.Hurting my wife is my biggest mistake."sagot ko na nangilid ang luha nang maalala ko ang lahat ng ginawa kong kagaguhan sa asawa ko."And don't call my wife stupid."

Hindi ito sumagot.Bagkus ay nagpatuloy lamang sa pag-iyak.

"Aalis na rin pala ako ngayon dito sa bahay mo.There's no more reason for me to stay here.Babalik na ako sa bahay namin ni Jade.Gusto kong iayos lahat ng pagkakamali ko.Gusto kong muling ayusin ang pagsasama namin ni Jade.Sana maintindihan mo ako at sana mapatawad mo ako."ako ang muling nagsalita.

Hindi ko na ito hinintay pang magsalita.Agad kong tinungo ang kwarto upang mag-impake ng gamit.Ayoko ng magtagal pa sa bahay ni Mildred dahil lalo ko lamang itong pahihirapan at masasaktan kung mananatili pa ako roon.

Hindi pa man ako tapos mag-impake ay pumasok na rin sa loob ng kwarto si Mildred.

Niyakap ako nito mula sa likuran ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.

Tao lang ako at aminado akong apektado ako sa ginagawa nitong iyon.Nasasaktan din naman ako para rito.Naawa ako kay Mildred pero hanggang doon na lamang iyon.Hindi ko na ito mahal.Wala na akong katiting na nararamdaman rito maliban sa awa.

"Don't leave me Andrei.Please."she begged as she move towards in front of me."Mahal na mahal kita."

"Si Jade ang mahal ko.Patawarin mo ako Mildred pero buo na ang desisyon ko.Tapusin na natin 'to."

"No.I can't live without you.Wag mo naman akong iwan.Ako ang babaeng karapat-dapat sayo Andrei.Open your heart to me again and i promise i'll do everything to make you fall for me again.Please"....

"I'm really sorry.You deserve someone else Mildred.Maganda ka.Sexy.Matalino.I'm sure makakahanap ka pa ng mas higit kesa sa akin."

"You are the one for me Andrei.Ayoko ng iba.Nakikiusap ako.Please naman.Wag mo akong iwan."

"I'm a married man Mildred.Nakalimutan ko yun i-remind sa sarili ko which is mali.Hindi ako dapat nagpadala sa kahinaan ko bilang lalaki.Kung ano man ang nagyari sa atin ay isa lamang malaking pagkakamali.Alam kong alam mo yan.Kailangan natin ayusin ang pagkakamali natin dalawa.We need to let go of each other dahil iyon ang tama."

"Pero mahal kita...mahal na mahal kita eh"...

"Minahal din naman kita eh hindi mga lang kagaya ng pagmamahal na meron ako para sa asawa ko."sabi ko na tumayo pagkatapos.

I'm done packing up my things.Bago ako tuluyan lumabas ng silid ay hinaplos ko ang pisngi ni Mildred.Naging espesyal rin naman ito sa puso ko.Noon...Hindi na nga lang ngayon dahil nagising na ako sa matagal kong pagiging isang gago.

"I'm really sorry for everything."yun ang huli kong sabi saka walang lingon-likod na umalis.

Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ay magkakahalong emosyon at samut-saring bagay ang tumatakbo sa isipan ko.I.felt relieved dahil sa wakas ay nakawala na ako kay Mildred.Finally ay nasabi ko na rito ang lahat ng nilalaman ng puso ko.Kahit papaano ay natanggalan ako ng tinik sa aking dibdib.Hiling ko na lang na sana ay makarecover ito agad upang hindi ito mahirapan nang matagal sa sakit na idinulot ko rito.Sana ay matagpuan nito agad ang lalaking deserving para rito.Pero siyempre hindi pa rin naman nawawala sa akin ang guilt feeling dahil alam kong nasaktan ko ito.Pero mas mabuti na rin iyon kesa piliin kong patuloy na masaktan si Jade na higit kaninoman ay siyang pinaka-nasaktan sa lahat.

And speaking of my wife....

Babalikan ko ito.Gagawin ko ang lahat para bumawi sa asawa ko.Pupunan ko yung mga panahon na nawala ako sa tabi nito.Hindi ko nga lang alam kung tatanggapin pa ba ako nito but i'm hoping that she does...




My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon