She's complicated again

5.3K 94 2
                                    

Part Ten

Kinabukasan..

"Jade love...may pupuntahan pala akong party bukas ok?birthday kasi ni Tony"...paalam ni Andrei habang sinusuot nito ang sapatos.He's getting ready for work.

Si Tony ay isa sa mga malapit na barkada ni Andrei.Kilala ko na ito dahil nung mga time na magkashintahan pa lang kami ni Andrei ay madalas kaming umalis na kasama ito.

"Ah talaga?saan ang celebration?"I ask while sweeping the floor in our room.

"Sa isang bar daw eh"sagot nito.

"Anong bar?And saang bar love?"

"Hindi ko alam kung saan eh.Hindi nya nasabi.Magkikita-kita lang kami tom and then sabay-sabay na kami pupunta dun sa bar na sinasabi ni Tony."

Huminto ako sa ginagawa kong pagwawalis at lumapit kay Andrei."Love can i come too?"

"Jade it's exclusive for boys.Hindi nga kasama mga asawa nila eh.Tsaka inuman yun."

"Please???"sabi ko na sadyang pinagmukha kong kaawa awa ang mukha ko para payagan niya akong sumama.Ilang taon na rin kasi akong hindi nakakapunta sa mga disco bar.Hindi pa kami mag-asawa ni Andrei nung huli kaming mag clubbing.And i remember being so happy that night with him.We got drunk and dance a lot.We party hard and that was one of our best bonding together.

"Jade please let me go out with my friends alone...I won't do anything foolish.I'll behave.I promise".he said.

"kung hindi ka gagawa ng anything foolish so why won't you let me come?"

"kasi nga it's a boy's night at isa pa,get together na namin yun ng barkada.Simula ng mag-asawa kaming magkakaibigan bibihira na lang kami kung magkita-kita."

Reasonable naman ang paliwanag ni Andrei at naiintindihan ko naman ang point niya kaya lang hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lungkot at pagkadismaya.
Lungkot dahil hindi ko siya makaka-bonding.Dismayado dahil ayaw niya akong isama.

Nakakatampo lang.

"O wag ka na magtampo...uuwi naman agad ako after ng party",paglalambing ni Andrei na sabay haplos sa mukha ko.

Hindi ako tumingin sa kanya.Instead ay pinagpatuloy ko na lang ang ginawa kong pagwawalis.

"Love"....sabi ni Andrei.

Niyakap ako nito bigla.

"Wag ka na magtampo ok?hindi naman ako mangbababae eh".

Saka naman ako lumingon.

"Hindi ko kayang mangbabae.Ganda-ganda na ng asawa ko eh",sabi nito na hinalikan ako sa labi.Alam kong binobola niya lang ako para hindi na ako magalit pero kahit ganon,nakakataba pa rin ng puso.

"Subukan mo talagang mangbabae Andrei at makikita mo talaga hinahanap mo.Kawawa kayo ng babae mo sa'kin",nakataas ang kilay na sabi ko.

Tumawa naman si Andrei sa sinabi ko.

"Totoo yung sinabi ko Andrei.Don't laugh at me.Makikita mo ulit ang reincarnation ni Gabriela Silang pag nambabae ka."

"Hindi nga ako mangbabae.Exagge mo naman love eh.Mag-iinuman lang kami ng barkada."

Sinasabi ko lang sa'yo."

"Kahit hindi mo naman sabihin eh.Behave naman ako."

"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo noh!"

"Oo na po."he said as he kisses me again in my lips.

Kahit na gustong gusto ko pilitin si Andrei na isama ako ay minabuti ko ng hindi na mangulit pa.Naisip ko na may next time pa naman para makapag-bonding kami ulit.

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon