The Face Off

9.1K 130 19
                                    


Part Fifty-two

Andrei and i were just having a very sweet time together that moment.Para kaming mga bata na naghahabulan sa apat na sulok ng aming bahay at kikilitiin ako nito kapag nahuli.Sinusulit talaga namin amg bawat sandali na magkasama kami na animo'y wala ng bukas.That's normal.After all,sa dami ng nangyari sa aming dalawa ay talagang mamimiss namin nang husto ang isa't-isa.

Nasa kalagitnaan kami ng paghaharutan nang biglang may mag doorbell sa gate.Kapwa kami napahinto ni Andrei nang marinig iyon.

"Ako na magbubukas ng gate.Babalikan kita diyan kaya magtago ka na."presinta ni Andrei na bahagya pang hinihingal sa pagsasalita.Kumindat pa ito sa akin bago lumabas ng bahay.

"Okay."sagot ko naman na abot-tenga ang ngiti.

Nang makatayo at makalabas ng bahay si Andrei upang tignan kung sino ang nag-doorbell ay nanatili pa rin akong nakaupo sa sahig habang inaayos ang sarili.Inayos ko ang magulo kong buhok.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang mag-isa.Paano'y hindi ko maipaliwanag ang sobrang sayang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.Everything just fell into right places now.I've never been this happy.Dininig kasi ni God lahat ng panalangin ko.Akala ko kasi ay tuluyan na kaming maghihiwalay ni Andrei pero hindi iyon ang nangyari.In most cases in which husbands prefer to choose their mistresses over their pathetic wives,mine happens to be different.At dahil doon ay masaya ako.

Tumayo ako upang magtago.I was looking all over the house searching where i could possibly hide nang mahagip ng aking mga mata ang bintana.Mula sa bintana ay tanaw ko ang tao sa labas ng gate.Unti-unti akong lumapit sa bintana at sumilip kung sino iyon.

And i just felt the sudden fire that runs into my veins after identifying who that person was.

Mildred!

And i saw her trying to embrace Andrei while he was trying to push her away!

That's when i stepped out of the door,walking fiercely fast towards them.As soon as i approaches in front of them,Andrei uses his masculine body to block me.Naramdaman marahil nito ang galit sa aking dibdib dahil hindi naman iyon maitatago sa aura ko kaya nito iyon ginawa.

Awtokatiko naman na napahinto si Mildred sa ginagawa nitong pagyakap sa asawa ko at   inayos ang sarili.

"You really have the guts to show your face in front of me huh?!"panunuya ko na nakataas ang kilay.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito.Si Andrei so wag kang makealam!."mataray na sagot ni Mildred.

"What?pakiulit nga yang sinabi mo Mildred.Wag akong makealam?Wow!ang kapal din naman talaga ng mukha mo noh!"galit kong sabi.

"Jade..please.wag mo na siyang patulan.ako ng bahala sa kanya."awat ni Andrei na niyakap ako sabay baling kay Mildred."Malinaw na sa atin ang lahat Mildred.Si Jade pa rin ang mahal ko so please umalis ka na.Wag kang mag-eskandalo rito."

"No Andrei!Not until you come home with me.Sumama ka na sa akin."pagmamatigas ni Mildred."alam kong nagsisinungaling ka lang.alam kong ako pa rin ang mahal mo.Hindi ba plinano pa natin saktan yang ex wife mo huh?!I know your'e just being guilty but come on Andrei,you and i both know na tayo ang bagay."

"Shut up Mildred!Mahal ko pa rin ang asawa ko!Malaki ang nagawa kong kasalanan sa asawa ko,alam ko,at pinagsisisihan ko na iyon.Hindi kita dapat na pinatulan!Umalis ka na!"ipinagtabuyan na ito ni Andrei.

Ngunit nagmatigas pa rin si Mildred.Pilit nitong niyayakap si Andrei.

May mga kapitbahay ng nakikiusyoso sa eksenang iyon sa aming bahay kaya lalong tumitindi ang galit na nararamdaman ko.Hindi ako sanay sa kahihiyan pero dahil sa pag-eeskandalo ni Mildred ay parehas kaming nalagay sa kahihiyan na mag-asawa.

"Stop making a scene here Mildred."mahina ngunit madiin kong sabi."Ayaw na sayo ng asawa ko so umalis ka na.Bigyan mo ng kahihiyan ang sarili mo."

Pagak na tawa ang isinagot ni Mildred."Ang lakas ng loob mong sawayin ako noh?Ni hindi mo nga ako nagawang komprontahin nung sumama sa akin ang asawa mo eh.Kung talagang mahal ka ni Andrei hindi ka niya ipagpapalit sa akin.Nahihiya ka ba na marinig ng mga tao na niloko ka ng asawa mo?!Isinuka ka ng asawa mo because you are so damn useless and boring!Your'e no fun Jade.Pinili ako ni Andrei dahil mas magaling ako sayo!He craved for me when he tasted me in bed!You failed to gave your husband the satisfaction i succeedingly gave him!"

"Mildred!"saway ni Andrei na hinawakan ito sa braso at itinulak palabas."Umalis ka na.Wag ka ng manggulo dito.Hinding-hindi na ako babalik sayo kahit ano pang gawin mo!Wag mo na kami guluhin na mag-asawa!"

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama.Iwanan mo na yang malanding babae na yan!"sigaw ni Mildred.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Mildred.

"Aba!--"akma sanang gaganti nang sampal si Mildred pero naunahan ko ito.Nahawakan ko ito sa kamay.

"Wag mong hintayin na pati isang palad ko ay dumapo sa napaka-kapal na pisngi mo Mildred.Dahil sa oras na dumapo pati isang kamay ko,sisiguraduhin kong ninipis yang pagmumukha mo."madiin at gigil kong sabi.

"Gusto mo ba talaga ng kahihiyan huh Mildred?!Ako pa sinasabihan mong malandi?!Mas malandi ka dahil pumatol ka sa asawa ng may asawa.Para kang mauubusan ng lalaki.Maganda ka nga pero umaalingasaw naman yang baho mo sa sobrang kakatihan mo!And for your information,oo!iniwan ako ni Andrei noon para sumama sayo pero sa huli nasaan ba siya?!Nasayo pa rin ba?!You said he craved for you when he tasted you in bed but why the hell did he still dumped you huh?!May idea ka ba kung bakit?!Ako meron!"

I laugh at her teasingly."Kasi kumbaga sa ulam,isa kang lechon na sa una masarap pero pag nasobrahan sa kain,nakakaumay na.In short,your'e just a past time appetizer serving!Ako ang main course!"

"You bitch!"galit na sigaw ni Mildred na akmang susugod pero mabilis na humarang si Andrei upang hindi ako masaktan.

"Ikaw ang bitch!Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?!Isinusuka ka na nga ng asawa ko pero pinagpipilitan mo pa rin yang sarili mo!Magkaroon ka naman ng delikadesa Mildred!Wag mo ibaba sarili mo sa ganitong paraan.Kung ako sayo,aalis na ako habang matino mo pa akong nakakausap dahil pag naubos ang pasensya ko sayo sinisigurado ko sayo na aalis ka dito na hindi mo makikilala sarili mo!Paninipisin ko yang kakapalan ng mukha mo!"

Tila nasindak naman si Mildred sa sinabi ko.Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.Bakas marahil ang tindi ng galit sa mukha ko kaya natinag ito.

"Yung kakatihan mo doon mo ibandera sa makati!Ano?!Aalis ka ba o hihintayin mo na ako pa maghatid sayo sa makati?sa makati med ka babagsak talaga!"sigaw ko.

Napaatras naman si Mildred.Humakbang papalayo patungo sa sasakyan nito.

"Wag na wag ka ng manggugulo sa amin ng asawa ko dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!Naiintindihan mo?!"yun ang huli kong sinabi na nakapamaywang pa.

Nagmamadali namang pinaandar ni Mildred ang sasakyan.Nang mawala ito sa aking paningin ay saka lamang ako nahimasmasan.Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Bigla naman nagpalakpakan ang mga kapitbahay ko na nakasaksi sa nangyaring eksena.Mala-pelikula.

Ngiti lamang ang naging tugon ko.Patay-malisya lamang ako.

"Ang tapang ng asawa ko huh"...noon lang nagsalita si Andrei na umakbay sa akin.

Inakay ako nito papasok uli ng bahay.


My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon