Awaited moment

5.8K 83 0
                                    


Part Five

*flashback continuation*

Akma na sana kaming maglalakad papalayo ni Jamie nang bigla ako nitong tawagin.

"Jade wait"...

"Bakit?"tanong ko naman.

"Is it okay if i get your number?"

"Ahmmm"....sabi ko na kunway pinag-iisipan pa kung ibibigay ko ba ang number ko or hindi.Sa totoo lang,natuwa ako nang hingin niya ang number ko.Siyempre it only means na he's interested in me also.At least,i could think that the first impression of attraction is mutual.Well,maybe!But at least,he did kesa naman sa hindi.Kaso kailangan ko pa rin magpakipot kahit pa gustong-gusto ko agad ibigay rito ang number ko ora-mismo.

"Oh come on ate,,don't tell me na hindi mo ibibigay ang number mo kay kuya pogi?"sabad na naman ni Jamie na walang ano-ano'y binigkas ang number ko kay Andrei.Si Andrei naman ay agad kinuha ang cellphone upang i-type iyon.

Naiwan akong nakatanga kay Jamie nang mga sandaling iyon.Kung nasa bahay lamang talaga kami tiyak na napakarami na nitong natamong kurot sa singit at kaltok sa ulo mula sa kanya eh.Sobra akong nahihiya sa harap ni Andrei dahil sa inaasal ng kapatid ko.Baka mamaya kasi ay mali ang isipin ni Andrei tungkol sa akin dahil sa inaasal ng kapatid ko.

"Thanks.I'll call you as soon as i get back in manila",nakangiting sabi ni Andrei matapos makuha ang number ko.

Ako naman ay alangan ang pagkakangiti dahil sa hiyang nararamdaman."Okay".Yun lang ang nasabi ko at dali-dali kong hinila sa braso si Jamie papaalis.Ayaw ko na kasing makita pa ni Andrei ang pamumula ng mukha ko sa hiya.

At habang naglalakad kami ng pamilya ko patungo sa parking area kung saan naghihintay ang driver ng inarkila kong sasakyan ay wala naman tigil sa panunukso sa akin ang mga ito lalo na si Jamie na siyang numero uno.Na kesyo bagay raw kami ni Andrei.Na ang pogi raw nito at sagutin ko raw agad ito kapag nanligaw sa akin.Puro saway naman ang ginawa ko sa kanila pero siyempre,nandun pa rin yung tuwang nararamdaman ko na hindi ko lang hayagang ipinapakita sa kanila.But on the other thought,natutuwa ako sa pagiging open-minded at supportive ng family ko.

Hindi kami mayaman.Si papa ay nagtatrabaho bilang supervisor sa isang housing development pero hindi ganoon kalakihan ang sinasahod nito.Si mama naman ay housewife lang at si Jamie graduating pa lamang sa kolehiyo.Minsan kinakapos kami pero we're able to survive naman.The very fact na mayroon akong pamilyang katulad nila ay thankful na ako.

ONE DAY AFTER...

Habang kumakain ako kasama ang mga tourist guide friends ko,i received a text message from someone i really wanted to appeared in my message inbox...

It's Andrei...

He just said"hello how are u?Andrei here."It's a simple text but it felt like no ordinary message for me.Para akong teenager sa kilig na naramdaman ko.I never thought that he actually meant what he says when we are in tagaytay but i really did hope that he will.At heto na nga ang hinihintay ko...

I responded to his text immidiately.I said "hi"to him in return.He replies to me quickly and then that's how it all started...

We become textmate for two weeks.
Not a day passed by na hindi kami nagkaka-text.Kung minsan pa nga ay tinatawagan niya ako.Sa araw-araw na nagkakatext kami,tila hindi yata kami nauubusan ng pinag-uusapan at pinagkukuwentuhan.Masaya kausap si Andrei kaya nga kung minsan inaabot kami ng twenty minutes na magkausap sa phone kapag tumatawag siya.

Hanggang sa dumating na nga yung araw na nagyaya na itong magkita ulit kami in person.

My much awaited time.

Siyempre pumayag ako.Tatanggi pa ba ako eh iyon naman talaga ang matagal ko ng gustong mangyari?
Kaya naman sobra kong pinaghandaan ang pagkikita naming iyon.

I dressed up simply sexy and classy.Nagpaparlor pa ako para maganda ang set ng buhok ko at pati na pagmi-make-up ay ipinaubaya ko na sa parlorista kahit pa nga marunong naman ako mag-make up sa sarili ko.Nagpa-manicure at pedicure na rin ako.I'm confident naman with my physical appearance without doing all those girly thing.Marami ang nagsasabing maganda raw ako.I had a spanish blood running through my veins kaya hindi ordinaryong pilipina ang dating ng beauty ko but despite of that fact,i still wanted to look more prettier.Gusto ko magandahan si Andrei sa akin 'pag nagkita kami.

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon