Part Twenty ThreeAng dami kong isinantabi simula nang maging mag-asawa kami ni Andrei.From going out to have some fun with my friends and up to visiting my family.
I did prioritize my husband so much in a way na nakalimutan ko ng asikasuhin ang ibang mahalagang bagay sa buhay ko but the hell i care?
He's my husband anyway.
At kahit nga noon na magkasintahan pa lang kami ay all out na ang ibinibigay kong love para sa rito so what more now?I had given him so much more that i can give.And i don't have any regrets.
Mahal ko ang asawa ko eh!
"Hey jade..nga pala,baka sa sobrang pagka-busy mo sa pag-aasikaso mo jan kay Andrei,pati fam mo hindi mo na dinadalaw",pukaw ni Elaine sa panandaliang pag-iisip ko.
Sa sinabing iyon ni Elaine ay bumahid ang lungkot sa mukha ko.
She's right.
Hindi ko na nga talaga nadadalaw ang pamilya ko.Dati ay linggo-linggo akong dumadalaw sa mga ito pero ngayon sa isang buwan isang beses na lang.kung minsan nga ay wala pa.
"oo nga eh..hindi na ako nakakadalaw pero paguwe ko galing cebu bibisitahin ko sila".nasabi ko na lang.
Naging malapit din naman kasi si Elaine noon sa pamilya ko.Pag bumibisita ako sa pamilya ko ay sumasama rin ito paminsan-minsan.
"Anyway,ingat ka sa byahe at nako Jade huh..kelangan may pasalubong ako okay?"anito.
Ngumiti ako."of course"...
Today is my flight.
Hindi ko ipinaalam kay Andrei ang biglaan kong pagsunod dito sa Cebu.Sinadya ko na rin talagang hindi ipaalam dahil alam ko namang magagalit lang ito.Hindi lang ito papayag.
Dumiretso ako sa waterfront hotel kung saan naka-stay si Andrei.Nasabi naman nito sa akin sa text kapag nagkakatext kami kung saang hotel at room ito naka check in kaya hindi na ako nahirapan pang tuntunin iyon.
*Andrei's POV*
Room 303.
Tok tok tok
Tok tok tok
Saktong katatapos ko lang mag shower nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng hotel room ko.Palibhasa'y wala akong narinig na salitang "room service"kaya alam kong hindi staff ng hotel ang kumakatok na iyon.
I wasn't expecting someone that time.
But someone else suddenly crosses my mind.
Maybe it was Mildred.
Last night we had a talk.
Mag-lunch kami sa labas pero nakakapagtaka lang na tila ang bilis naman yata nito mag-prepare ng sarili.12pm pa ang usapan namin.At dadaanan ko ito sa room nito at sabay kaming pupunta sa restaurant, where i already made a reservation.
Bakit kaya biglaan ang pagkatok ni Mildred sa room ko?
Hindi na ba ito makapaghintay sa oras ng lunch date namin?Ganun na ba ito ka excite na makita ako?
Hahaha...
Natawa ako sa naisip kong iyon.
I look stupid.
Para akong binatilyo na nagbibinata.
Bago ko buksan ang pinto ay sinuri ko muna ang sarili ko sa salamin.Kailangan kong tiyakin na isang gorgeous guy ang bubungad kay Mildred.
Binuksan ko ang pinto.
At nagulat ako sa nabungaran ko.
Si Jade!
Ito ang hindi ko inaasahan.
Ang kaninang excitement ko at ngiti sa mga labi ko ay napalitan ng pagkadismaya.
"hi love"..Jade is undeniably happy nang magsalita at kasunod niyon ay ang mahigpit na pagyakap niya sa akin.
"h-hi",sabi ko na hindi pa rin makabawi mula sa pagkagulat.
"I miss you Andrei"..malambing na sabi ng asawa ko na nanatiling nakayakap sa akin.
Gumanti naman ako ng yakap kay Jade.
Ramdam ko sa mga yakap nito ang pagka-miss sa akin.At sa isang parte ng puso ko ay ganundin naman ang nararamdaman.
Na-miss ko rin pala si Jade.
But not enough to say that i'm happy being with her right now..
Not this time...
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...