Make her mine

5.9K 73 1
                                    


Part Thirty-one

*Liam's POV*

Here i am outside the hotel room of Mr.and Mrs.Andrews.May dala akong isang fresh white rose.Sinadya kong isang piraso lamang ng bulaklak ang ibigay dahil sa iyon daw ang gusto ni Jade,ayon kay Andrei. Ibibigay ko iyon kay Jade.Ngayon na ang araw na officially kong sisimulan ang plano namin nila Andrei at Mildred na panliligaw kay Jade.

Siyempre,as part of the plan ay wala nang mga oras na iyon sa room si Andrei.

Nag-doorbell muna ako at saka ko iyon sinundan ng katok sa pintuan.

Ilang sandali pa ay iniluwa noon si Jade.

Si Jade na napaka-simpleng babae pero napakalakas ng dating sa akin.Naka maigsing short lamang ito at green na t-shirt.Naka-ponytail lang din ang buhok na tila hindi pa yata sinuklayan dahil medjo magulo ang ayos.

Nakita ko ang malaking pagtataka sa mukha nito nang buksan ang pinto at makita ako.

"Liam?"

I smiled at her pero ang ngiting iyon ay taos sa puso ko.Walang kaplastikan.Hindi kasama sa plano.Masaya lang talaga ako na muli itong makita.

"Wala si Andrei ngayon eh.Nasa work siya."anito.

"I know."

"Then..what brought you"...hindi na natapos ng babae ang sasabihin dahil inunahan ko na ito.

"Ikaw talaga ang sadya ko."

She frowned."Why me?"

Imbes na sumagot ay iniabot ko na lamang ang white rose na dala ko.

Lalo naman nangunot ang noo ni Jade bagaman kinuha naman nito iyon."What is this all about?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.I like you Jade."

"No!"mariin ang naging sagot ni Jade."This is not right.I'm a married woman,Liam.Alam mo yan.Mahal ko ang asawa ko."

"I'm not saying na hindi mo siya mahal and i'm not going to break your relationship with your husband either."

"Then why are you doing this?"

"Because i admire you.Because i like you and i don't see anything wrong with liking you."

"Don't give me that kind of affection Mr.Esguerra.All i can give you is friendship."

Sa salita pa lamang ni Jade ay nababatid ko na kung gaano talaga nito kamahal ang asawa nito.Hindi sa pagmamalaki pero nobody ever resisted my charm like the way she resisted on me.Nakakabilib ang mga kagaya ni Jade na klase ng babae.Karamihan kasi ngayon ay kahit nasa isang relasyon na ay nakikipag-flirt pa rin ang babae sa lalaki lalo na kung gwapo.

"I know and i'm not asking for more than friendship.Hindi ko lang talaga kaya itago yung nararamdaman ko para sayo.Hindi ako sanay ng nagtatago ng feelings eh.I'm very vocal pagdating sa mga ganitong bagay."

Nakita ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Jade.

"You don't need to worry about anything Jade so relax.Were friends right?"

"We better be Liam.Tinatapat na kita ngayon.Friendship lang ang kaya kong ibigay sayo."

I nodded as i smiled.

Sa friendship ko uumpisahan ang lahat.Gayunpaman,gusto ko rin naman talagang mapalapit at makilala pa ng husto si Jade.Seryoso ako nang sabihin ko rito na isa akong kaibigan.

My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon