Gone Mad

5.6K 93 0
                                    

Part Eleven

Umalis na si Andrei.Pumunta na ito sa disco bar kung saan magse-celebrate ng birthday ang kabarkada nitong si Tony.

And here i am again...

Alone...

Bored...

Nilibang ko ang sarili ko.Nanood ako ng dvd.Nakatapos na ako ng dalawang new movies nang maisipan kong magbukas na lang ng facebook.Nakakasawa na rin kasi yung ibang pinapanood ko.Paulit-ulit na.

I started browsing facebook.I was scrolling down nang mahagip ng mata ko ang isang post doon ng isa sa mga fb friends ko.Asawa ito ng isa sa mga kaibigan ni Andrei.We are not totally friends.We never even met personally.Inadd lang ako nito sa facebook noon.And because we had a mutual friend through her husband kaya inaccept ko ito as fb friend.

She posted a picture of her together with his husband and some friends too.They took a picture as a group.They were in a disco bar.At kahit hindi ko pa man i-zoom ang photo ay kilala ko agad kung sino-sino ang iba sa mga iyon.Tony,the birthday boy,was there and but of course,my husband is present too.

All of sudden,bigla ako nakaramdam ng matinding inis sa nakita ko.Nagsinungaling sa akin si Andrei.Sabi nito puro lalaki lang daw ang kasama sa birthday celebration ni Tony and yet,sa post na picture sa facebook ay may apat na babaeng kasama.I know those girls too.Pare-parehas na asawa ng mga kaibigan ni Andrei.

Naiinis ako na hindi nagsabi ng totoo si Andrei na may mga babae palang kasama.
At ang lalong ikinaiinis ko ay yung hindi niya pagsama sa akin sa lakad nitong iyon.

Ikinahihiya ba ako ng asawa ko kaya hindi niya ako ginustong isama?

Yun ang tanong na sumagi sa isip ko.

At palibhasa hindi ako sanay na nagtatago at nagpipigil ng emosyon ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Andrei.

I don't care kung kasalukuyan man siyang nasa party or what.Ang alam ko lang ay sobra akong naiinis na kelangan ko siyang makausap agad para komprontahin ito.

*Andrei's POV*

This night was awesome.

Ang tagal ko na rin hindi nakaka-gimik after being married.Kaya iba talaga sa pakiramdam yung makalabas ulit sa comfort zone of marriage.Pakiramdam ko ay ang dami ko ng na missed out sa buhay ko ngayon.Mabuti na lamang talaga at hindi ko isinama si Jade sa gimik naming ito ng barkada.

Hindi naman dahil sa ikinahihiya ko ang asawa ko.Gusto ko lang kasi makakilos ng maayos.Yung tipong walang inaasikaso kundi sarili ko lang.At isa pa,minsan na lang kami magkasama-sama ng barkada at ayaw kong masayang ang pagkakataon na iyon.Tutal naman at araw-araw na kaming magkasama ni Jade sa bahay kaya ok lang kung kahit minsan man lang ay makaramdam ako ng freedom.

"Bro,bakit hindi mo sinama si Jade?"tanong ni Tony.

"Boy's night 'to Tony...tama lang na hindi ko na siya isinama."sagot ko kasabay ang pag-inom ng alak.

"Alam ko kung bakit hindi mo sinama si Jade",sabad ni Harold na nakangiti ng nakakaloko.

"Kasi ayaw mo ng istorbo noh?"halos sabay na sabi nina Harold at Gabby.Kasunod niyon ay nagtawanan pa ang mga ito.

Wala naman akong naisagot kundi ngiti lang.

Kilalang-kilala talaga ako ng barkada.

"Pero sana isinama mo na lang si Jade para maka-bonding namin siya ulet.After all,it's been a long years since we last saw the both of you."ang birthday boy na si Tony ang nagsalita.

"May balak yata mang chix 'to si Andrei tonight kaya hindi isinama si wifey,"tudyo naman ng asawa ni Harold.

"Yeah,that's right.Si Andrei pa ba?matinik sa babae yan eh."segunda naman ng isa pang kaibigan kong si Vince.

"Hindi naman...Busy rin kasi si misis eh kaya ko na isinama."pagdadahilan ko."Teka wag nga ako ang pag-usapan nyo.Pag-usapan na lang natin ang birthday boy".

"Oo nga pala..happy birthday tony",nauna ng bumati si Gabby sa kaibigan naming si Tony.

"happy birthday pareng Tony."halos magkakasabay na bati naming magkakaibigan.

"Let's cheers for your aging",sabi ko kasabay ang pagtaas ng kopita ng alak.

"Cheers!"sabi ng lahat.

Nasa ganoon kaming eksena nang may mahagip ang aking mga mata na isang magandang babae na naglalakad palapit sa aming table...




My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon