Mr.and Mrs.Andrews forever

13K 188 37
                                    


Part Fifty-three

*Liam's POV*

It's been a while since huli kaming nagkita at nagkausap ni Jade.Sinadya ko na rin na hindi muna magpakita o magparamdam dito.Personal reasons,of course.Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkabalikan na ito at si Andrei.Nalaman ko ang lahat kay Mildred.Last time kasi ay tinawagan ako nito informing na tuluyan na nga itong iniwan ni Andrei at nakipagbalikan sa asawa nito.

Nung malaman ko yun,honestly,magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ko.Happy dahil sa wakas ay magiging masaya na ulit si Jade.Malungkot dahil alam kong hindi ko na ito makakasama at makikita pang muli.I'd be honest with my feelings.

Minahal ko na si Jade.Kaya hindi rin naman madali sa akin ang lahat pero kailangan ko iyong tanggapin.Dumaan lang si Jade sa buhay ko para may matutunan ako.How to love and how love hurts but i'm thankful to her anyway.

Napabuntong-hininga ako ng malalim kasabay ang paghithit ng sigarilyo.Nasa labas ako ng building ng condo na tinutuluyan ko nang mga oras na iyon.Nakasandal ako sa kotse ko habang nakatingin sa kawalan.Nagpapalipas lamang ako ng oras sa labas bago tuluyang pumasok sa unit ko.Nasa ganoon akong sitwasyon nang may humintong sasakyan sa harap.Ikinagulat ko nang makita ko si Jade ang bumaba mula sa loob.Kasunod niyon ay si Andrei..

Naglakad papalapit sa pwesto ko si Jade.She was smiling.I can see through her eyes how happy she were right now.Hindi pa man ito nagsasalita ay alam ko na iyon.

"Hi"...bati nito na alangan pa ang pagkakangiti.Alam kong naiilang din naman ito.

"Oh..hi..kamusta ka?you look wonderful."bati at puri ko rito.Pinilit kong maging emotionless habang nakatingin rito.

"Thank you.Dumaan lang ako to say thank you and goodbye.As you see,obviously,nagkabalikan na kami ni Andrei.Kung hindi dahil sa tulong mo,hindi magiging posible ang lahat ng ito.Sobrang thankful ako na naging kaibigan kita."

Whoaaaa....that hurts!hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng sakit sa sinabi ni Jade.Minahal ko ito.Alam kong alam nito iyon pero hindi na iyon ang mahalaga.Wala naman na akong magagawa kundi tanggapin ng maluwag sa dibdib ko ang lahat ng sinabi nito.Masaya na rin ako na masaya ito.

"Actually,ako nga ang dapat na mag-thank you sayo kasi tinuruan mo ako kung paano magmahal.Gusto ko rin pala humingi ng sorry for ruining everything between you and Andrei before.Masaya ako para sayo,para sa inyong dalawa."sabi ko na pilit itinago ang bitterness sa puso ko.

"Gusto ko rin pala magpasalamat sayo for being there to my wife when i failed to be around her.Pasensya na rin kung nasaktan ko man ang pinsan mo.Sana mapatawad nyo akong dalawa."singit naman ni Andrei na hindi ko namalayang nakalapit na pala.

"Pangako mo na lang din pre na hindi mo na sasaktan si Jade.She's perfect."

Ngumiti ito."I promise that i will."

"Sige..alis na kami."paalam ni Jade."Thank you Liam."

Bago umalis ay niyakap ako nang buong higpit ni Jade.And right then i felt like there's a knife being stabbed in my heart.Ganito pala ang masaktan.Mabuti na lamang at magaling akong mag-pretend na tila balewala lang ang ganitong sitwasyon kaya naman nagawa ko pa rin maging casual.Gumanti ako ng yakap rito.Pero saglit lang iyon.Ako na rin ang unang humilay sa pagkakayakap.Pagkatapos niyon ay sumakay na ang mag-asawa sa kotse at umalis.Nang hindi na matanaw ng aking mga mata ang sasakyan ng mga ito ay napangiti ako ng may pait sa aking labi.Ngunit agad ko rin naman sinaway ang aking sarili.Masakit,oo pero masaya na rin ako na masaya na ang babaeng mahal ko.Yun ang mahalaga.As for me,i'll be moving on...

Meanwhile...

*Andrei's POV*

Habang lulan kami ng sasakyan ay sinulyapan ko ng tingin ang asawang si Jade sa tabi ng driver's seat.Ngumiti ako rito nang buong tamis kasabay ang paghawak sa palad nito.

"I love you."i said to her.

"I love you too".she responded back na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Hindi na kailangan pa ng maraming salita para iparating namin sa isa't-isa ang saloobin naming dalawa.Hindi man namin ipahayag ang lahat pero alam ko at sigurado ako na parehas kami ng nararamdaman at nasa isipan.

Madaming hindi magandang nangyari sa relasyon naming dalawa.I hurt my wife a lot and forgot all my said vows to her.It's all my mistakes for failing as a good husband but what's important is that i've learned a lot from those experience.I wish i never did hurt her but i can't turn back the time anymore to make everything right again.I only have now.Mabuti na lamang at pinatawad pa rin ako ng asawa ko.I'm thankful that she still accepted me.Ngayon ko lang totally na-realize kung gaano ako ka-swerte sa asawa ko.She's an extraordinary woman.I'll be really damned if i lost her.
Ngayon,hindi ko na sasayangin ang pagmamahal ng asawa ko para sa akin.

"Let's start anew my beautiful wife."sabi ko na ginawaran ng halik ang kamay nito.

Tango at buong tamis na ngiti lamang ang isinagot ni Jade sa akin.

A few days later...

*Jade's POV*

Everything is going well sa pagsasama namin ni Andrei.Kasalukuyan na rin akong nagtatrabaho bilang personal secretary nito sa opisina.Ang asawa ko na rin ang kumuha sa akin bilang sekretarya nito.It's better that way dahil palagi na kami magkakasama at matutulungan ko pa ito sa trabaho.

I just could not ask for more than our love together.I'm secured now.Lalo pa nga nadagdagan ang kasiyahan namin ni Andrei nang may isang magandang pangyayari ang dumating sa buhay namin dalawa.Kanina lang bago kami pumasok sa trabaho ay nagpasya akong mag-take ng pregnancy test.Delayed kasi ang monthly period ko and there's been a lot of changes in my appetite all of a sudden.Nagduda na agad kami ni Andrei.

At ayun nga.The pregnancy test shows it's positive.

I'm pregnant!

That was a blessing for both of us.I saw how happy Andrei was.He just can't stop kissing me and hugging me after seeing the result.Now,we're totally a family...

Whatever happens before is part of the past now.At hindi na ako nabubuhay pa doon.I chose to forgive and forget not because i was stupid.I did it for love.Ang alam ko lang ay mahal ko ang asawa ko.Sapat ng dahilan iyon upang magpatawad.

                              -- FINALE --

  

To love is to forgive coz love also means forgiveness....

All Right's Reserved.

Written by:

JhoCelum

                    



My Run Away HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon