Part Twenty-two*Jade's POV*
It's been three days now.
I felt so dissapointed and sad nang tawagan ako ni Andrei upang sabihin na hindi ito matutuloy ng uwi kinabukasan.Kinailangan daw nitong mag extend ng stay sa Cebu dahil sa dumagdag na business meetings.Hindi pa raw kasi natatapos ang business deal nito sa mga client kaya ganun.
Siyempre,as expected,hindi ko nagustuhan ang balitang iyon.
Nagalit ako habang kausap ko ito sa phone.
"Sabi mo uuwi ka tom eh.umuwi ka na tom!"galit kong sabi.
"Jade it's not that easy.This is about my work."
"At kelan ka pa babalik huh!?"
"As soon as matapos ang business deal na 'to uuwi ako so stop acting like i'm never coming home."
"But i missed you so much!"
"Stop acting like a teen Jade.Intindihin mo naman ako.Hindi ka na bata para umarte ng ganyan eh.May asawa ka na't lahat-lahat pero immature ka pa din."
"Kung hindi ka pa talaga makakauwi then just please let me come over there!"
"My goodness Jade!Akala mo ba nagpapakasaya ako dito huh!?"
"Tell me,may kasama ka bang iba jan huh!?"
"May kasama ako pero staff sa office at secretary ko!"
Sa narinig ay lalong kumulo ang dugo ko.
Kasama pala nito si Mildred.
Bigla ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba.
Hindi ko gusto na magkasama si Mildred at ang asawa ko.Ayoko man pero nagseselos ako ng walang tamang basehan.
"So,kasama mo pala si Mildred kaya ayaw mo akong isama.Buti pa siya isinama mo samantalang ako na asawa mo iniwan mo dito sa bahay!"
"Grabe ka Jade!Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo.What were you thinking!?Natural isasama ko si Mildred dahil secretary ko siya and she knows everything about this work!Ikaw may idea ka ba sa trabaho ko huh!?Now tell me,meron ba!?"
"meron man o wala akong idea,ako pa rin ang mas may karapatan na sumama sa'yo sa mga out of town mo kahit work pa yan.Never naman kitang inistorbo kapag nasa work ka hindi ba!?"
"there's no sense in talking to you Jade.Marami pa akong gagawin.Nasisira ang araw ko dahil sa mga pang-aaway mo sa'kin.Napaka-immature mo!Saka na lang tayo mag-usap kapag matino na yang utak mo!"
Yun lang at nawala na sa linya si Andrei.
Naiwan naman akong hindi mapakali sa inis na nararamdaman.That time ay gustong- gusto ko kumuha ng airplane ticket at pumunta sa Cebu.Hindi ko kayang isipin na ilang araw pang magkakasama si Andrei at Mildred sa Cebu.
Knowing Mildred?
Sa tingin ko ay may itinatagong lihim na pagkagusto si Mildred sa asawa ko.Nababasa ko sa mga kilos nito ang pasimpleng flirtations kay Andrei kaya hindi ko maiwasan ang hindi mag-worry.
Men are too weak when it comes to women.
May tiwala ako sa asawa ko pero ayoko naman maging kampante.
And because of that thought ay agad akong nakapag-decide na susunod ako kay Andrei sa Cebu.
With or without his permission.
I have the right to be with him anytime i want to.
I'm his wife,anyway!
Kinabukasan...
Tinawagan ko ang isa sa mga friend kong tourist guide upang makisuyo na ibili ako ng plane ticket sa kilala nitong travel agency.
Nagkita kami sa isang coffee shop sa QC.
"Thank u sis huh"...sabi ko sabay abot ng pera pangbayad sa plane ticket na binili ng kaibigan.
"Sus,wala yun..ikaw pa ba?"sabi ni Elaine."Buti naman nagkaroon ka ng time na makipagkita sa akin ngayon.Kung hindi mo pa kinailangan ng plane ticket eh hindi ka magpapakita sa akin".
"Ikaw naman Elaine..nagtampo ka agad.Alam mo naman na iba na kapag wifey di ba?"
Matagal na kasi gusto makipagkita ni Elaine sa akin.Isa ito sa mga naging ka-close ko sa work noon.Pero simula nga nung mag-asawa ako ay talagang hindi na kami nagkita.Busy rin naman kasi ito sa work at nag-li-low na rin naman ako.Nag-focus kasi ako sa buhay may asawa.
"Oo na..i'm convinced.Pero sana naman noh, mag girls date naman tayo minsan.Like the old days.Na-miss kaya kita."may himig ng pagtatampo sa tinig ng kaibigan.
Na-miss ko rin naman ang kaibigan kong ito.
We are really close.
Ako lang talaga yung biglang nawala na parang bula.
Focusing on my duty as a wife makes me forget other things that's half of me.
Like my friends...
Like Elaine...
Like my family...
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...