Part Thirty-twoWalang kamalay-malay si Jade na lihim na nakasubaybay sa kanya si Andrei.Mula sa di-kalayuan ay nakatanaw ito sa kanila ni Liam sa Coffee shop na kung saan kasalukuyan silang naroon.
*Andrei's POV*
Heto ako at nakasubaybay kay Jade at Liam.Habang tinitignan ko ang scenario ay pilit kong kinakapa sa dibdib ko kung makakaramdam ba ako ng sakit sa nakikita ko.And unfortunately,there's no pain in my heart.
But guilt?Of course,meron.
Jade seems to be comfortable talking with Liam.I saw her smiling already which is not usual from my wife.I knew my wife very well.Mailap ito sa mga lalaki.Hindi madaling kunin ang loob nito.Akala ko noong una ay talagang mahihirapan akong ipasakatuparan ang plano pero sa palagay ko ngayon ay mukhang hindi na magtatagal at magtatagumpay kami ni Mildred.Magaling din talaga magpahulog ng loob ng isang babae si Liam.Dapat lang naman!Malaki ang ibabayad ko rito kaya dapat nitong galingan ang trabaho.Anyway,malapit ko na rin naman gawin ang part ko.Konting panahon na lang...
*Jade's POV*
"Actually,namimiss ko na rin talaga mag-work kaso mas nangingibabaw yung kagustuhan kong mag-full time wife.Gusto ko kasi na maasikaso ng husto si Andrei."sabi ko na kasunod ay humigop ng kape.
Sa ilang minuto pa lang na magkasama kami ni Liam sa coffee shop ay marami na kaming napag-usapan.Medyo nawala na rin ang pagkailang ko rito.Hindi naman ito mahirap makagaanan ng loob.Mabait naman kasi ito.Sa palagay ko.
"I really think that you have done a very great job on being a good wife to your husband.He's really lucky to have you.You must really love him huh."si Liam.
"Oo naman.Kaya nga ako pumayag na magpakasal sa kanya dahil sa mahal ko siya eh."
"Sayang hindi kita nakilala ng maaga.kung nakilala lang kita ng maaga baka ako na naging asawa mo ngayon."pabiro nitong sabi.
Napangiti na lang din ako."Hay nako,ayan ka na naman.Sumesegway ka eh."
"Totoo un.Papakasalan din kita agad kung nagkataon na tayo ang unang nagkakilala."
"Pero kahit magkakilala tayo,si Andrei pa rin siguro ang magiging asawa ko.There will be no chance for us to be together."
"Paano ka naman nakakasigurado?"
"Alam ko lang.Kami ni Andrei ang destiny."
"Malay mo biglang magbago takbo ng tadhana.Bigla,maging tayo ang destiny."
"It won't happen.Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko sayo noh!"prangka kong sabi.
"Ouch huh,"sabi nito na humawak sa dibdib na kunwari ay talagang nasasaktan."Masyado ka namang prangka Jade."
"Mas ok ng sabihin ko sayo ang totoo kesa umasa ka sa wala."sabi ko na sinabayan ng pagtawa.
"Kaya ako lalong nahuhulog sayo eh.Sobrang loyal mo kasi sa asawa mo."
"I should be.Couples should be."
"Your'e right pero tandaan mo Jade,andito lang ako handang sumalo sayo if ever man na magloko ang asawa mo.I'm serious."bagaman hindi sabihin ni Liam ay nababatid ko naman na seryoso talaga ito sa sinabi.
Imbes na sumagot ay muli akong humigop ng kape.Pinili ko na lang na huwag magbigay komento sa sinabi nito.
Meanwhile...
Sa isang motel...
Magkasama na naman sila Andrei at Mildred.katatapos lamang ng kanilang mainit na pagniniig ng mga sandaling iyon.
"See i told you.Magaling magpaibig ng babae ang pinsan kong 'yan.Wala pang babae na hindi nagkagusto kay Liam."sabi ni Mildred na noo'y nakahilig ang ulo sa braso ni Andrei.Nababalutan lamang ng kumot ang hubad nitong katawan."Sooner or later ay mapapaibig na ng pinsan ko si Jade."
"Oo nga.Malapit ko na rin gawin ang part ko sa plano natin."sagot ko na hinimas-himas ang braso nito.
"I'm excited Andrei.I really wanted to be with you without having your wife being the wall against us."
"Don"t worry.This won't take long."
Nararamdaman ko na rin naman na darating ang time na tuluyan ng mahuhulog ang loob ni Jade kay Liam.Nung magkausap kami ni Liam last time ay binanggit ko na lahat rito ang mga turn on's and dislike ni Jade sa mga bagay-bagay.Sinabi ko na rin kay Liam kung paano simulang diskartehan si Jade.Itinuro ko rito ang paraan ng panliligaw na naging dahilan para mapasagot ko ang asawa ko.Hindi naman mahihirapan ng husto si Liam sa pagpapahulog ng loob ni Jade dahil itinuro ko na lahat ng diskarte ko rito.Walang labis at walang kulang.
BINABASA MO ANG
My Run Away Husband
RomanceAndrei and Jade was a picture of a happy couple.A perfect couple.They love each other so much but it was all ONCE... Just like every relationships that goes through thick and thin,theirs is tested too. Can they keep their love alive or just let it d...