Chapter 1.

5.5K 162 2
                                        

Catherine's POV

"Jamal, gising!!"

Napabalikwas ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang boses ni Jay.

"Nanaginip ka na naman." Salita nito sabay abot sa'kin ng basong may tubig. Agad akong umayos ng upo mula sa pagkakahiga ko saka ininom ang tubig na inabot nito.

"Siya pa rin?" Tanong nito. Isang pag-tango lang ginawa ko bilang pag sagot saka inilapag ang baso sa lamesang katabi ng kama ko.

"Sorry." Bugtong hiningang salita ko rito. Isang pag dampi ng palad ni Jay ang ginawa nito sa buhok ko at ngumiti saka lumabas ng kwarto pagka-kuha nito ng basong ininuman ko.

Agad akong tumayo mula sa kama at sumilip sa isang napakalaking bintana dito sa kwarto ko. Malalim na ang gabi pero buhay na ang diwa ko dahil sa pag gawa ng imahinasyon ng panaginip ko.

"I can't go home and be with you now." That's the last word i heard from him. Pag tapos noon ay kung ano-anong imahinasyon na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung andito siya? Kamusta na ba siya?

Dalawang taon na pero ni anino niya simula nung araw ng Graduation ko ay hindi ko na siya ulit nakita.

Napahawak na lang ako sa kwintas na ibinigay niya sa'kin saka itinuon ang sarili ko sa kama para bumalik sa pagkakatulog ko.

~Morning~

"Good morning Jamal!" Bati sa'kin ni Jay habang pababa ako ng sala.

Si Jay ang kinuha kong mag bantay sa'kin simula ng nawala si SLY. Madali ko siyang nakapa-lagayan ng loob dahil ka-edad lang ito ni Cathleen, sa loob ng isang taon ay si Jay ang kasama ko sa lahat ng bagay, driver, cook, P.A, secretary at kaibigan.

"Kain ka na." Salita nito saka inilapag ang pinggan sa harap ko.

"Wala pa bang balita sa kanya?" Tanong ko rito. Simula nang naging tauhan ko si Jay ay sinimulan na rin nitong hanapin si SLY.

"Wala pa." Sagot nito.

Agad tumayo si Jay sa kinauupuan niya ng marinig nito ang pagtunog ng doorbell.

"Madam!" Isang pamilyar na boses ang bumungad sa'kin kaya agad ako tumayo sa kinauupuan ko para salubungin si Paulo.

"SKY!" Tawag ko sa anak ni Paulo habang karga ni Giselle. Sinunod ni Paulo ang pangalan ni SKY kay SLY. Sean Kiefer Yvo. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang nasubaybayan ni SLY ang paglaki nito.

"Madam, pwede ba namin ulit iwan si Keifer?" Tanong ni Paulo. "Sus, makakatanggi ba ko sa batang to?" Sagot ko rito saka kinarga si SKY.

"Upo muna kayo. Saan ba ang lakad niyo?" Tanong ko sa mga ito habang nilalaro ang daliri ni SKY. Sa tuwing aalis ang dalawa ay sa'kin nila iniiwan ang bata, may kasama naman itong Nanny pero mas tiwala sila kung may makakakita pa rin sa pag-aalaga nito.

"Sa Pampangga, gusto ko nga isama si SKY kaso baka mahirapan lang sa biyahe at baka magloko pa." Paliwanag ni Giselle.

"Ay oo nga. Kawawa naman tong cute na baby na to." Salita ko rito habang nilalapirot ang pisngi ni SKY, sobrang fluppy kasi.

"Dalin mo muna siya sa nursery room." Utos ko sa Nanny ni SKY, may sariling kwarto si SKY sa bahay namin ni SLY. Pinagawa ko to para talaga sa anak nila Paulo dahil si SKY ang unang pamangkin namin at unang baby sa Lyrical.

"Excuse me po." Paalam ni Jay saka lumabas ng dining area. Isang matalas na tingin naman ang binato ni Paulo rito habang naglalakad palayo. Hindi komportable si Paulo na kasama ko si Jay sa bahay. Pero dahil sa pagpupumilit ko ay pumayag na rin ito. Kay Paulo ako humihingi ng payo o kompirmasyon sa tuwing may mga ganoon pangyayari, um-oo lang ito pero pag dating kay Jay ay parang ang bigat na ng loob nito.

"May balita na ba kayo kay SLY?" Tanong ko kay Paulo. Hindi ko naman maipaliwanag ang tingin na ibinato ng mag-asawa sa isa't isa saka umiling.

"Kamusta nga pala ang Montgomery?" Tanong ni Paulo. Ako na kasi ang naatasan ni Mamita na maging COO simula ng mawala si SLY.

"Ayos naman, toxic lang minsan. Hindi pa rin ako kasing galing ni SLY pag dating sa decision making." Sagot ko rito.

"Ang tagal kasi umuwe ni SLY eh." Dugtong ko. Nagulat naman ako ng biglang mabitawan ni Giselle ang tinidor na hawak nito.

"Are you okay?" Tanong ni Paulo rito saka yumuko para kuhain ang tinidor na nahulog ni Giselle. Napakunot naman ang noo ko ng may lumawit na kapirasong papel sa bulsa ng pantalon ni Paulo sa likuran. Dahil sa iba ang kutob ko ay agad ko itong kinuha ng hindi namamalayan ng mag-asawa.

"Kukuha lang ako ng bago." Salita ni Paulo.

"Okay ka lang ba Giselle?" Tanong ko rito. "Oo naman Princess." Sagot nito, pero hindi pa rin ako satisfied sa sagot nito ng bigla itong mag wait sign para sundan si Paulo sa kusina. Nagkaroon naman akong ng pagkakataon na tignan ang papel na nasa bulsa ni Paulo.

Mr. Walter C. Brown
47 Featherstone Street
London

Agad kong inipit sa ilalim ng hita ko ang papel ng lumabas ang mag-asawa na galing sa kusina. "Madam, alis na kami ah. Baka kasi ma-late kami sa meeting sa Pampangga." Salita ni Paulo. Parang may kakaiba lang kay Giselle dahil sa ekspresyon ng mukha nito.

"Sige. Hindi na kayo kumain. Ako na bahala kay Kiefer." Salita ko sa mag-asawa. Paulo pecked my cheek at agad naman tumugon si Giselle. Pagka-hatid ko sa kanila sa main door ay isang kakaibang tingin na naman ang binato sakin ni Giselle na hindi ko mawari.

-End of POV-

Paulo's POV

"Hon, masyado kang nagpapahalata. Alam mo naman na malakas ang instict niyan ni Catherine." Salita ko kay Giselle. Namana na kasi ni Catherine ang lakas ng Radar ni SLY. Sigurado ako na mayroon na siyang hinala.

Agad kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko sa likuran para kuhain ang gate pass I.D para ibigay sa guwardya pero ng kapain ko maigi ay wala na ang papel na itinago ko. "Na sayo ba yung address?" Tanong ko kay Giselle. Taka naman itong tumingin. "Wala." Salita nito. "Hindi kaya nakuha ni Madam?" Tanong ko rito. Pero imposible dahil kung nakuha niya yon ay malalaglag ang gate pass I.D at mararamdaman ko.

"Hindi." Salita nito na wala pa rin imik simula ng tanungin kami ni Catherine kung may balita na ba kay SLY.

"Patay na!" I murmured. "Baka nandiyan lang yun!" Salita ni Giselle.

Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa mag stop light. Agad akong tumayo ng bahagya saka kinapa maigi ang bulsa ko. Kinuha ko pa ang wallet ko at ibinigay kay Giselle para siya ang maghanap rito.

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin kay Catherine na nasa London si SLY." Salita nito. Tinignan ko lang ito bakit nga ba hindi ko masabi? "Ayokong umasa siya." Salita ko rito saka pinaandar ang kotse ng mag green light na.

Dalawang taon ng umaasa si Catherine na baka isang araw kumatok na lang si SLY sa pinto nito. Alam ko na para sa amin ang ginawa ni SLY, alam ko na mas gugustuhin niyang solusyunan ang problema niya na hindi kami kasama.

Mapagkakamalan ko na ngang patay si SLY kung hindi lang sa isang litratong ipinadala sakin na nahagip si SLY.Hindi pa ko sigurado dahil sa tindig at side view ay parang siya yun talaga.

-End of POV-

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon