Caitlyn's POV
"Ngayong araw ako iproproklama bilang Leader ng Philadelphia. Magkakaroon ka na ng pagkakataon para patayin si Catherine." Salita ko kay Reynaldo sampu ng mga tauhan nito.
"Maganda yan, hindi kami mahihirapang isagawa ang plano." Sagot ni Gabriel.
Nginitian ko ito saka tumayo. Philadelphia lang ang gusto nila, at ako ang gusto ko lang ay mawala sa paningin ko ang babaeng umagaw sa'kin ng lahat.
Ikinabit ko ang tracking device sa coat ko para masundan ako ni Reynaldo at grupo nito sa Phoenix.
Isa-isa rin silang tumayo at kinuha ang mga baril saka inilagay sa likod ng mga pantalon nila.
Deretso akong naglakad patungo sa pinto ng Opisina ni Reynaldo.
Nilingon ko ang mga ito saka nag salita. "Itira niyo si SLY."
Sumaludo sa'kin si Reynaldo na nakangiti saka ako deretsong lumabas.
***
Catherine's POV
"Papunta na sila." Salita ni Roman. Isa-isa kaming tumayo saka nag-lagay ng reciever sa tenga.
Nginitian ako ni Cara pag abot sa'kin nito ng baril. "Thank you." Salita ko rito saka inilagay ang baril sa gun pocket ng pantalon ko.
"Let's get it on." Napailing ako ng mag salita si Shaider saka uminom ng beer.
Isa-isang nag lakad ang mga kaibigan ko patungo kung saan ang designated area nila dito sa Phoenix.
"Wife." Napalingon ako kay SLY ng tawagin ako nito habang kinakabit ko ang bullet proof vest ko.
Hinawakan ako ni SLY sa dalawang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo.
"I just want you to know that no matter what happen i'd be by your side, cause I'm a ride or die whether you fail or fly."
Napangiti ako sa sinabing yun ni SLY. Kinuha ko ang dalawang kamay nito saka ito hinalikan.
"Thank you. Hoping for the best." Ngiting salita ko rito. Pinagpatuloy ni SLY ang pagkakabit ng bullet proof vest sa'kin.
Tinitignan ko ang bawat galaw nito. Hindi ko lang ito basta ginagawa para sa titulo bilang isang mafia, pero para sa kanya. Para sa Pamilya ko.
Nang matapos ikabit ni SLY ang bullet proof vest sa'kin ay tinapik tapik nito ang ulo ko na para akong isang bata.
"Wait for my mark." Salita nito saka kumindat sa'kin.
***
Kurt's POV
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Cathleen kaya napahinto ako sa paglalakad. Bago ko ito sagutin ay nilingon ko muna sina Madam at SLY na nag-uusap kaya ako napangiti.
[How are you?] Tanong nito sa kabilang linya.
[If I didn't call within 24 hours--]
[No, please don't say that Kurt. Promise me you will come home for us.]
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Cathleen. For us? Takang tanong ko sa sarili ko.
[I called your Parents and they want to meet me. Ipangako mo sa'kin na uuwi ka,para makilala ko sila.]
Napangiti ako ng bahagya sa narinig kong sinabi ni Cathleen.
[Thank you. Thank you for everything.]
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AksiBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
