Chapter 40.

3K 132 6
                                        

Cathleen's POV

"Okay ba yung itsura ko?" Tanong ko kay Kurt bago kami bumaba ng sasakyan nito.

Ngayong araw ako ipapakilala ni Kurt sa Parents niya kaya medyo kabado ako. It was my first time to introduce as someone's girlfriend since si Kurt ang first boyfriend ko.

"Bakit tabingi ba mukha mo?" I arc my brow to him ng tignan nitong mabuti ang mukha ko.

"Kurt hindi ako nag bibiro." Parang tanga kasi yung tingin nito.

"You are beautiful. As always. Let's go?" Huminga ako ng malalim bago tumango kay Kurt saka ito lumabas ng sasakyan. Umikot ito papunta sa pinto ng sasakyan para pag buksan ako.

"Don't worry hindi sila nangangain ng buhay. He added.

Deretso kaming pumasok sa isang five star hotel kung saan nakatakdang ipakilala ako ni Kurt sa Parents niya.

***

Nang makarating kami sa mismong restaurant ng hotel ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nahaluan na ako ng kaba.

Isang malapad na ngiti ang sinalubong sa'min ng isang babae habang papalapit kami ng papalapit sa table kung saan nagpa-reserved si Kurt. Marahil ito ang Mommy niya.

"Ma, I want you to meet my life, Cathleen Manalang." Isang matamis na ngiti ang binato sa'kin ng Mommy ni Kurt. She pecked my cheek and hugged me.

"Nice to finally meet you hija." Salita nito saka bumitaw sa pagkaka-yakap sa'kin.

Nawala ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa yakap ng Mommy ni Kurt. It was just a hugged pero para sa'kin malaking bagay na yun dahil isa yung pagpapakita na gusto niya ako para sa anak niya.

Maya-maya ay may lumapit na sa'min na isang waiter at inabutan kami ng menu list.

"I'm sorry we're late." Napalingon naman ako sa lalaking nag salita at may kasama rin itong babae na malamang ay step mother naman ni Kurt.

Lumaki kasi si Kurt na broken family at may kanya-kanya ng Pamilya ang Parents nito.

"Dad finally you made it." Nakangiting salita ni Kurt sa Ama nito.

"Good Evening po." Bati ko rito saka nakipag-shake hands.

"You must be Jacqueline?" Nagulat naman ako sa sinabi ng Daddy ni Kurt kaya takha kong tinignan si Kurt.

"Manuel ano ka ba, lumang joke na yan. He was kidding hija. Anyway, i'm Lucia Pitterman."

"Second wife." Dugtong ni Kurt kaya napatahimik kaming lahat. Why he's being so rude?

"Nice to meet--"

"Let's eat?" Tanong ni Kurt kaya naman napabitaw na ang Step Mother nito sa kamay ko.

Medyo awkward lang ang atmosphere pero hindi naman mahalaga yun dahil ito ang araw na pinakahihintay ni Kurt.

***

Catherine's POV

Halos malibot na namin ni Gretch ang buong mall pero ni wala pa rin itong nabibili.

"Bruks, tingin mo magugustuhan to ni Patrick?" Tanong nito sabay turo sa wrist watch sa isang glass stand.

"Bruks lahat na lang ng tinanong mo at um-oo ako eh hindi mo naman binibili." Tuxedo, black leather shoes, shades, bracelet, rubber shoes at kung ano-ano pa ay napag pilian niya na pero ni isa wala pa siyang nabibili. Mas nahihilo pa ko lalo dahil sa ginagawa nitong si Gretch eh.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon