Cathleen's POV
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ng biglang mag shut down ang system ng computer at nawala ang signal ng GPS nila Kurt kaya minabuti kong kuhain ang cellphone ko para tawagan ang mga ito.
"Come on Kurt pick up the phone." Bulong ko sa sarili ko habang patuloy lang sa pag-ring ang cellphone ni Kurt. Nang medyo naka-ramdam ako ng uhaw ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at makakain na rin dahil sa alas kwatro na ng hapon ay hindi pa rin ako nananghalian.
Habang naghahanda ako ng pagkain ay patuloy lang ako sa pag dial ng number ni Kurt hanggang sa nakaramdam ako ng panglalamig ng katawan dahil sa lakas ng hangin. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng bahay nila Paulo hanggang sa napukaw ng mata ko ang bintana mula sa kusina at nagtaka ako na bukas ito. Naglakad ako patungo roon saka ito isinara.
"Sh*t!" Gulat ko ng biglang lumitaw si Nathalie galing sa likuran ko kaya nabitawan ko ang cellphone na hawak ko. "Sorry Princess, pag pasok ko kasi ng media room wala ka kaya dali-dali akong bumaba." Salita nito saka pinulot ang cellphone ko na bumagsak.
"Nagutom kasi ko nag handa ako ng sandwich. Gusto mo?" Wala kasi akong gana kumain kaya mas minabuti kong mag sandwich na lang ngayong araw.
"Naku Princess sorry nabasag ko yung screen."
"Okay lang, tempered glass naman to." Ngiting salita ko kay Nathalie saka kinuha ang cellphone ko rito.
"Sh*t!!" Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako dahil sa nakita ko. Pero yung pagkakabasag kasi ng tempered glass sa side ng picture ni Catherine na magkasama kaming apat nila Kurt at SLY na naka wallpaper sa cellphone ko. Ayoko man mag isip ng masama, pero kasi bakit ngayon pa na nasa panganib sila. Parang gusto ko na umiyak at sumugod sa kung saan man sila naroroon makasigurado lang ako na wala ni isa sa kanila ang napahamak.
"Princess are you okay?" Bumalik lang ako sa realidad ng hawakan ni Nathalie ang braso ko. Tumango-tango lang ako rito bilang pag-sagot kahit na ang totoo eh hindi talaga ko okay dahil sa pag-aalala.
****
Third Person's POV
Halos hindi magawang tumapak ni SLY ng isang hakbang habang nakikita ang sitwayon ng mga kaibigan nito na nakapalibot kay Catherine na wala pa ring malay.
"SLY, anong tinatayo mo d'yan?" Bumalik lang sa realidad si SLY ng sigawan ito ni Cara na nanginginig na ang boses.
Dali-daling lumapit si SLY at lumuhod sa nakahigang si Catherine.
"Wife." Tawag nito bakas sa mukha ni SLY ang takot na ano mang oras ay baka mawala ng ganoon na lamang ang minamahal.
"Call an ambulance G!" Utos ni SLY na dali-dali naman ginawa ni Roman. "Gel?" Tawag ni SLY sa asawa sa pangalawang pagkakataon saka inugoy ng bahagya. Inumpisahan pulsuhan ni SLY si Catherine at ng marinig nito ang biglang pag bilis ng pulso ng asawa ay agad nitong binigyan si Catherine ng CPR ng may sampung segundo ang nakalipas ay binigyan na ito ni SLY ng mouth to mouth resuscitation. Ilang beses inulit ni SLY ang proseso ng pag CPR sa asawa hanggang sa naramdaman nito ang pag ngiti ni Catherine kaya nakasimangot na tinignan ni SLY si Catherine pero agad niyakap ni Catherine ang leeg ni SLY saka hinalikan sa labi. "You scared me to death." Nangingiting ginantihan ni SLY ng halik ang asawa.
****
Catherine's POV
"Sleeping beauty, Mafia version." Natawa ako ng marinig ko ang sinabi ni Shaider na halos dinig ko na ang pag singhap kanina dahil sa nakita na ganoon ang sitwasyon ko. Inangat ako ni SLY mula sa pagkakahiga ko sa sahig at patuloy akong hinalikan hanggang sa nagpalakpakan na yung mga sira ulo namin kaibigan na akala ata may shooting.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AksiBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
