~2 days after~
Kurt's POV
Inimbitahan ako ni Madam na pumunta ng Phoenix, dalawang araw pag tapos kong gawin ang kondisyon para makapasok ako ng Philadelphia.
"Come on in." Dinig kong salita ni Madam pag tapos kong kumatok ng tatlong beses sa malaking pintuan ng conference room ng Phoenix.
Pag bukas ko ng pinto ay laking gulat ko na siya lang ang naririto at wala ang dalawa pang mataas na miyembro ng Philadelphia kahit si SLY ay wala rin.
Ibang-iba si Catherine pag naririto siya sa Phoenix bilang isang Mafia Princess at iba rin siya pag kasama namin. Masyadong seryoso ang aura niya at hindi mo mababasa ang nasa isip niya.
"Have a seat." Agad akong na-upo sa pangatlong swivel chair na nasa kanan bahagi ng mahabang lamesa.
Halos malunok ko na lahat ng laway ko dahil sa hindi pag sasalita ni Madam, at sa seryosong mukha nito habang naka-tingin sa isang folder.
"Madam." Tawag ko rito. Inangat naman nito ang ulo niya kasabay ng pag taas ng kilay nito. Medyo nakakagawian na ito ni Madam na sa tuwing tatawagin siya ay tumutugon ito ng pag taas ng kilay.
"Nasaan sila?" Tanong ko rito na sigurado naman ako na alam niya ang tinutukoy ko. Tumingin naman ito sa relos niya bago ako sagutin.
"They are now taking their last breath." Ramdam ko naman ang pag tulo ng pawis ko dahil sa sinabi nito.
"Heheh madam talaga mapag biro." Natatawang salita ko rito pero sa halip na tumugon ito ay pinadulas nito sa lamesa papunta sa'kin ang binabasa niyang folder.
Agad ko naman binuklat ang folder ng saktong makuha ko ito.
Philadelphia Organization Group. Est. 1942
Ito na to, sigurado na ang pag proklama sa'kin ni Madam bilang isang miyembro ng Mafia.
"That is the history of Philadelphia, nakalagay din diyan kung paano ba dapat iproklama ang isang new member of Mafia."
Agad kong inilipat ang isang pahina ng folder na binigay sa'kin ni Catherine at binasa ang tinutukoy nito.
To become a man-of-honour an anspiring member has to pass a Mafia initiation ritual.
"Don't worry Kurt, hindi mo na gagawin yan mga ritwal na yan, dahil sa ginawa mo kay Smith." Halos makahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangan pang gawin ang mga naka-sulat dito.
Inilipat ko naman ang papel sa ikatlong pahina nito at binasa ang Rules ng Philadelphia.
Philadelphia Rules:
Be loyal to members organization. Do not inrerfere with each other's interest. Do not be informer.
You must never betray any of the secret of this Organization. You must never violate the wife or children of another member.
You do not mess around with siblings, wives or husbands, unless you have honorable intentions.
Be silents, not to look at other men's wives or women, not to steal.
The penalty of breaking this law, was death.
Kaya ba namin ginawa na paslangin si Smith dahil sa pag labag nito sa batas ng Philadelphia? Tanong ko sa sarili ko.
Tumayo si Catherine sa kinauupuan nito at naglakad papalapit sa'kin.
"Give me your index finger." Utos nito na agad kong ginawa.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AksiBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
