Chapter 42.

2.8K 113 8
                                        

Third Person's POV

Tinipon ni SLY ang mga kaibigan nito para gumawa ng hakbang dahil sa pagkawala nina Caitlyn at Catherine.

Hindi alam ng mga kaibigan nito kung bagong kalaban ba ang kanilang kakaharapin.

"Hindi ko pa rin ma-track ang cellphone ni Madam." Report ni Roman, alam nito ang kaniyang tungkulin kaya hindi pa man inuutos ni SLY na i-track ang telepono ng asawa ay ginawa na niya.

"It's okay Roman." Kalmadong sagot ni SLY sa kaibigan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na rin sina Giselle at Paulo na kasama si Cara na may kaunting galos dahil sa pagkaka-bangga ng sasakyan nito sa isang puno.

Minabuti ng mga ito na hindi na mag tagal sa hospital dahil inisip nila na mas kailangan ni SLY ang tulong nila sa paghahanap sa magkapatid na sina Caitlyn at Catherine.

"G, panoorin niyo 'to." Dali-daling binuksan ni Patrick ang T.V at nagulat ang lahat ng makitang buhay si Reynaldo.

Nagpapa-salamat ako at binigyan pa ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon para tapusin ang dapat kong tapusin.

Halos mabagsak ni Roman ang laptop na hawak nito ng makita si Reynaldo Lopez na buhay. Ang ilang miyembro ng Philadelphia naman ay nagkatinginan dahil sa pagka-bigla ng marinig ang isang pagbabanta galing kay Reynaldo. Samantalang si SLY naman ay halos maiyukom ang kamay sa galit at nasuntok ang lamesang nasa harapan nito.

"Now I know where is my Wife and Caitlyn." Salita ni SLY dahil sa malakas ang kutob nito na hawak ni Reynaldo Lopez ang asawa at si Caitlyn.

"G anong plano natin?" Tanong ni Paulo. Alam nitong hindi sila basta pwedeng magpa-dalos dalos dahil sa nararamdaman nilang galit.

Bawat isa sa kanila ay napag-isip na bakit nga ba buhay pa si Reynaldo at ni hindi man lang nila na tanong ang isa't-isa kung naubos ba nila ang Lopez's.

"May sa pusa talaga ang hayop na yan." Salita ni Patrick saka pinatay ang telebisyon.

Hahangos-hangos naman na pumasok sina Kurt at Cathleen ng dumating sa bahay ng mga Montgomery.

"SLY, may dapat kang malaman." Paunang salita ni Cathleen na hindi man lang napansin ang iba pang kaibigan.

"Buhay si Reynaldo Lopez." Balita ni Roman sa dalaga kaya napalingon ito sa kaibigan na gulat ang itsura.

"H-he's alive?" Takhang tanong ng dalaga.

"You heard it right Cath." Pag kumpirma ni SLY.

Napa-upo si Cathleen sa pagkabigla at tumingin muli kay SLY.

"Tama nga si Atty.Ramos SLY, hindi sa'kin galing ang balang tumama kay Caitlyn. Magka-harap kami ni Caitlyn at ang sabi sa medico legal ang tama ni Caitlyn ay sa likod malapit sa spinal cord."

Nabigla ang lahat ng nasa loob ng bahay ng marinig ang kwento ni Cathleen.

"G, imposible kayang si Reynaldo Lopez ang may gawa ng lahat ng ito?" Tanong ni Kurt.

Hindi pa rin lubos maisip ng mga kaibigan na naisahan sila ni Reynaldo Lopez. At ngayon na buhay ito alam nila na ito na ang umpisa ng ganti nito sa kanila.

"We should talked to Queen." Suwestiyon ni Cara.

"No Cara. It was my duty as a husband to save my wife. Queen shouldn't know about this." Kalmadong salita ni SLY saka deretsong umakyat ng kwarto nila Catherine.

Ni hindi na nagawa pang magsalita ng mga kaibigan nito at hinayaan na lang si SLY.

***

"If loving you is fighting against satan, then I will be a goddamn evil." Salita ni SLY habang hawak ang larawan ng Asawa.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon