Chapter 48.

3.3K 102 3
                                        

Catherine's POv

"Mrs. Montgomery?"

"Yes po?"

"Hi, Ma'am delivery lang po." Taka kong tinignan ang lalaking may hawak na recieving paper habang inaabot ito sa'kin.

"Delivery po yan ng ano?" Sa pagkakatanda ko wala naman akong in-order sa online or kahit sa malls.

"Baby stuff po."

"Ha? Pero wala pang baby dito. 7 weeks palang akong pregnant. Baka nag kamali kayo?" Medyo kinakabahan na ko dito sa trip ni Kuya kaya minabuti kong maging alerto. Mahirap na dahil andito pa naman si Mamita, kung sakaling masasamang tao to. Kailangan kong maging handa.

"Pero dito po pina-send ni Mr. Sean Liam Yvo Montgomery." Napanganga ako sa narinig ko at mas napanganga ako ng makita ko na inilalabas isa-isa mula sa truck ang mga baby's stuff. May drawer, crib, walker at kung ano-ano pa at ang nakakaloka panay blue lahat.

"Wait lang kuya ah. Tatawagan ko lang yung Asawa ko." Agad kong tinawagan si SLY para malaman kung totoo bang binili niya lahat ng to dahil hindi ako makapaniwala.

[Hi Hubby there's a delivery of a baby stuff today. Sabi nila binili mo--]

[Ah. Yes Wifey, I'm on my way home.I'm alreay here at the guard house.]

[Yung tot..] Hay walang manners to si SLY binabaan ako. Lumapit ako mula sa mga gamit na pinag bibili ni SLY. Gusto ko na sana mainis pero nauuna sa'kin ang tuwa kasi hindi ko expected na ganito siya ka-excited. Apat na araw pa lang niya nalalaman na magiging Daddy na siya pero ito sobrang aga niya mamili ng mga gamit.

"Wife!" Natawa ako ng nagmamadali pa si SLY na bumaba ng kotse nito at hinalikan ako sa pisngi.

"Binili mo to?" Tanong ko rito.

"Yeah."

"Sir, ako po yung naka-assign na mag dedeliver ng mga binili niyo. Paki-received po dito." Hindi pa rin ako makapaniwala dahil sa salitang "lahat" na yun.

"Ma'am saan po lalagay?"

"Sa loob na lang kuya." Isa-isa naman pinasok ng dalawang delivery man yung mga gamit. Tumulong na rin yung iba pa namin kasambahay dahil ang dami talagang binili ni SLY. Hindi ko akalain na isang mini truck yun.

"Wife, go look all the stuffs i bought. You'll like it." Agad naman akong pumasok sa bahay para bisithhin yung mga pinag bibili ni SLY na gamit.

"Hija, what was that?" Tanong ni Mamita ng bumaba ito galing ng kwarto niya.

"Binili po ni SLY." Alam kong nagulat rin si Mamita ng makita lahat ng dinilever na gamit ng baby di ko din expect. Si Giselle at Paulo kasi nun 7months na ang tiyan ni Giselle bago sila namili lahat ng baby stuff.

"Unbelievable." Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Mamita. Parehas lang kami na hindi makapaniwala.

"SLY, did you bought all these stuff? You should first know the gender of the baby before you buy it."

"Don't worry Mamita, I already knew what's the gender of Shaun."

"Shaun?" Aba talaga naman tong si SLY pinapangunahan ang baby namin. Eh pano kung babae pala? Alangan naman maging lesbian yung anak namin para lang magamit niya lahat ng yun?

"Shaun Carlie. Nice name baby?" Baling naman ni SLY sa tiyan ko at hinimas ito. Hay naku!

"Na-stress ako sa'yo hubby. Pati anak mo na-stress!"

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon