Cathleen's POV
"Nice meeting you again hija."
"Nice meeting you rin po." Sagot ko sa Daddy ni Kurt. Agad naman ako niyakap ng Step-Mother ni Kurt ng natuon ang pansin ko rito.
"Hope to see you again." Bulong ni Tita.
"Thank you po sa time na binigay ninyo para makilala ako." Isang ngiti ang binato sa'kin ng Daddy ni Kurt ng kumawala ako sa pagkakayakap ni Tita.
"Paano Kurt, Cathleen magpapaalam na rin ako?" Salita naman ng Mommy ni Kurt.
"Sure ka Ma hindi na kita ihahatid?" Tanong ni Kurt.
"I'm fine hijo."
"So paano Cathleen? Sa susunod na pagkikita ba natin sa simbahan na?"
"Joke lang." Dugtong nito ng mapansin na nagulat ako sa sinabi niya.
"Ingat po." Salita ko sa mga ito saka nag-wave ng makarating kami ni Kurt sa sasakyan nito.
Hindi pa man tuluyan naisasara ni Kurt ang pintuan ng kotse ay biglang may lumapit na pulis rito kaya agad akong lumabas para marinig ang sasabihin nito.
"Cathleen Manalang?" Nagka-tinginan kami ni Kurt saka tumugon sa Pulis.
"Iniimbitahan po namin kayo sa isang interview tungkol sa pagkaka-baril kay Caitlyn Hashimoto."
Agad kinuha ni Kurt ang isang papel saka na binigay ng Pulis saka ito binasa.
Nang lingunin ko ang sasakyan ng Magulang ni Kurt ay naka-hinga ako ng maluwag ng paalis na ito at hindi man lang napansin ang pakikipag-usap namin ni Kurt sa Pulis.
"Tara na po." Salita ko rito ng hindi pa nababasa ang inabot na papel nito kay Kurt.
Agad akong sumunod sa mga ito ng maglakad ito patungo sa isang Mobil.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Kurt dahil sa mas mukha pa itong kabado kesa sa'kin.
"Oo. Tatawagan ko si Catherine." Salita nito.
"Hindi po kayo pwedeng sumama." Salita ng Pulis na naka-alalay sa'kin ng akmang sasakay rin si Kurt.
"Anong hindi pwedeng sumama? Sira ulo ka yata eh."
"Kurt okay lang sundan mo na lang kami." Kalmadong salita ko rito kaya kumalma ito bahagya.
"Susundan ko kayo. H'wag lang kayong magkakamali." Pagbabanta ni Kurt saka tumakbo papunta sa kotse nito.
Laking pasasalamat ko dahil hindi nakita ng Magulang ni Kurt ang eksenang ito dahil baka mag panic sila o ano ang isipin nila sa'kin.
Nakaka-inis lang dahil sa teleserye ko lang napapanuod ang mga ganitong eksena na naka-formal attire ang bida saka lalapitan ng pulis.
***
Patrick's POV
[What?] Naka-limang lunok ako ng marinig ko ang boses ni SLY.
Potek na yan! Paano ko sasabihin na nawawala si Madam? Taragis naman buhay to.
[G. Hehe!]
[What do you need De Guzman?]
Halos tumagaktak ang pawis ko dahil hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang balita, taragis naman kasi sa dinami dami ng mawawawala bakit si Madam pa.
[G, andito kami sa Mall. Nag-a unwind lang,baka gusto mo pumunta?] Whoo! Pakingtape! Hindi ko kayang sabihin.
[Tss. I'll fetch my wife first.] Pusang gala! Paano mo susunduin bossing eh nawawala nga!
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
БоевикBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
