Third Person's POV
Nang tuluyan ng maka-alis ang sasakyan ng ibang miyembro ng Philadelphia ay siya rin ang pag pasok ng dalawang tauhan ni Reynaldo sa loob ng bahay ng mga Montgomery.
"Who told you to enter my territory?" Nilingon ni SLY ang dalawa sa tauhan ni Reynaldo saka pinaputukan ng baril na may silencer. Alam ni SLY na walang naka-lagay na CCTV camera sa bahay niya dahil kabisado niya ang bawat CCTV'ng naririto na siya mismo ang nagkabit.
Isang text ang natanggap ni SLY mula kay Reynaldo at nakapa-loob roon ang address kung na saan sina Catherine at Caitlyn.
Nang makalabas ito mg bahay ay deretso itong sumakay ng sasakyan saka nag-maneho kung saan ang lugar na pinag dalhan kay Catherine.
***
Hindi pa man nakakalayo ang sasakyan ni Patrick papalabas ng village ng mga Montgomery ay nakita na nito ang sasakyan ni SLY sa side mirror na nag mamadaling umalis kaya minabuti nitong tawagan si Paulo para sabihin ang nakita.
[G, umalis si SLY. Kitang-kita ko.] Balita nito sa kaibigan saka nag u-turn upang sundan ang kaibigan. Pero hindi pa man ito nakaka-lapit ay mayroon ng humarang rito na isang itim na Van. Pilit binubusinahan ni Patrick ang humarang sa dadaanan niya ngunit ang hindi nito alam ay isa ito sa mga sasakyan ng tauhan ni Reynaldo.
[G, ipa-track mo si SLY. Kailangan pa natin mag-usap mukhang delikado si Bossing.] Agad nitong pinatay ang tawag kay Paulo saka umatras.
***
Catherine's POV
Dalawang oras na ang lumilipas at wala pa rin si Reynaldo mula nung umalis ito. Gusto ko man kumawala sa pagkaka-gapos pero kaunting galaw na lang ang natitira at maaring maubusan ako ng hangin sa katawan dahil sa pahigpit ng pahigpit ang lock ng bakal na naka-kabit sa'kin.
"Caitlyn?" Halos manglaki ang mata ko ng makitang gising na si Caitlyn at hawak ni Reynaldo sa braso.
"Alam mo bang dalawang araw ng gising ang kapatid mo?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Reynaldo pero sa tindig ni Caitlyn at ayos nito ay parang hindi ito galing sa hospital.
"Thank you for your help Reynaldo." Unti-unti itong lumapit sa'kin saka ako hinawakan sa baba.
"All this time niloko mo kami?"
Isang matalas na tingin ang ibinato nito sa'kin at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkaka-hawak sa baba ko.
"Hahaha! Ano bang akala mo my dearest sister? Katulad mo ako na madaling makalimot?"
"Reynaldo yung susi?" Dugtong nito saka humarap kay Reynaldo.
"Bakit?" Takhang tanong ni Reynaldo na ipinagtaka ko rin.
"Ilalagay ko lang siya kung saan siya nararapat."
Sumenyas si Reynaldo sa tauhan nito na alisin ang lock ng bakal isa-isa kaya mas nakakahinga na ako ng maayos.
Nang tuluyan ng maalis ang lock ay pinosasan ako ng isa sa mga tauhan ni Reynaldo saka pilit na pinalakad.
Habang naglalakad kami ay naka-tutok ang baril sa'kin ni Caitlyn, naramdaman ko na lang ang isang matulis na bagay na iniligay nito sa likod ng pantalon ko kaya napalingon ako rito.
"What?"
"Wala." Sagot ko rito saka deretsong naglakad. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Caitlyn pero isa lang ang alam ko. Magkakampi kami dahil magkapatid kami.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AçãoBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
