Caitlyn's POV
Agad kong pinigilan si SLY ng balak nitong sundan ang kotseng kumuha kay Catherine. "Baka makilala ka nila." Salita ko rito saka inalis ang bonet na suot ko.
"Asawa ko ang nasa loob ng sasakyan na yun, anong gusto mong gawin ko?" Tanong nito saka sumakay ng kotse niya at pinaandar ito paalis.
Wala akong nagawa kung hindi tignan na lang papalayo ang kotse ni SLY para sundan si Catherine. Pumasok ako sa loob ng bahay para makita kung saan dadaan palabas ang mga pulis na kumuha kay Catherine saka tinawagan si SLY.
Nabato ko ang cellphone ko ng malaman kong naiwan ito ni SLY sa lamesa. Fvcked!! I cussed saka tinuon ang sarili ko sa monitor. Pero sasakyan na lang ni SLY ang nakita ko at wala na ang sasakyan ng mga Pulis na dumukot kay Catherine.
I took my Phone para tawagan si Jay at sabihin na dinukot si Catherine ng biglang napansin ko na nagkakagulo na ang buong tao sa subdivision dahil sa nangyaring ingay pero ni wala man lang kaalam-alam sina Kurt at Cathleen.
Nag-lagay si SLY ng mga CCTV sa bawat dadaanan ng mga sasakyan o tao papunta sa bahay ni Catherine.
Pati sa kwarto nito, kusina, sala hanggang sa veranda ng bahay na binili ni Catherine 1 year ago. Pati sasakyan nito ay may GPS device na ma-track ni SLY para alam niya kung nasaan ito. Opisina na nilagyan din niya ng CCTV. Bahay ng mga kaibigan niya ng hindi man lang nila nalalaman. Ibang klase ang pagmamahal ni SLY kay Catherine.
I met him when I was in Japan and I owe my life to him he saved me from death that's why I am returning the favour even if it brokes me.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at si SLY ang inluwa nito.
"Nakita mo ba kung saan dumaan?" Galit na tanong ni SLY.
"Sorry SLY pero mabilis silang nawala." Paliwanag ko rito.
*****
Catherine's POV
"How are you Mrs. Montgomery?" Salita ng isang babaeng naka-pang Pulis na kasuotan. "I'm good." Sagot ko rito,isang matalas na tingin ang binato sakin nito.
Lumapit ito sakin na nanglilisik ang mata saka ako hinawakan sa baba. "I heard you want to clear your husband's name?" Salita nito saka sumenyas sa mga lalaking pulis na bitiwan ako na agad naman nilang ginawa.
May inabot ito sa'kin isang brown envelope saka lumayo sa'kin. "I searched about your team, at sa tingin ko na kayo ang makakatulong sa'kin." Salita nito.
Taka ko naman binuksan ang envelope saka binasa ang nilalaman nito. PNP Chief Salazar is protecting his Sisters business as a number one drug syndicate in the Philippines.
"What do you want me to do?" Tanong ko rito saka ipinasok sa loob ng envelope ang dalawang pirasong papel na naglalaman ng report tungkol sa kapatid ni Salazar.
"I need you and your team para mahuli si Vivian Salazar, pag tapos nun ay makakalaya na ang asawa mo." Salita nito.
"Hindi ko magagawa ang kondisyon mo." Sagot ko rito saka nag-lakad palayo.
Tatlong armadong pulis ang humarang sa dadaanan ko at tinutukan ako ng baril. "Siguraduhin niyong ipuputok niyo yan." Salita ko sa mga ito saka tinignan ng masama.
Yung lalaking nasa gitna naman ay halatang baguhan pa sa pagiging pulis dahil nanginginig pa ang kamay nito.
Isa-isa nilang ibinaba ang baril nila habang nakatingin sa likuran ko kung saan naka-pwesto ang Amo nila.
"Catherine." Salita ng lalaking pamilyar ang boses laking gulat ko ng nilingon ko kung sino ang nasa likuran ko ay si Kurt ito.
"Wala na akong maisip na paraan para tulungan ka." Salita nito sa'kin habang papalapit. Isang malakas na sampal ang binigay ko rito pag lapit nito sa'kin.
"How dare you to do this to me?" Hindi ko alam kung ano ang naisipan ni Kurt para gawin ito.
"Ito lang ang alam kong paraan para malinis ang pangalan ni SLY." Paliwanag nito saka may inabot sa'kin litrato.
"Alam mo?" Tanong ko rito. Picture ito ng magka-yakap kami ni SLY ng lumabas ako sa bahay nito. Kurt nodded to me saka may inabot na cellphone.
"Paano ka nakaka-siguradong tutulungan nila tayo? Nahihibang ka na ba?" Halos umakyat ang dugo ko sa galit ko kay Kurt. Paano niya nagawa to?
"Trust me." Salita nito saka humarap sa Babaeng Pulis. Sa sinabing yun ni Kurt ay alam ko na mangyayari ang gusto niyang mangyari basta sumangayon lamang ako.
"Papayag ako." Salita ko dito. Isang malapad na ngiti naman ang binigay sakin ng babaeng pulis saka lumapit.
"I am Police Chief Officer Jane Guttierez NBI Anti-illegal Drugs task force." Pagpapakilala nito.
"Catherine Jamal Montgomery." Pakilala ko rin dito. Agad ako nitong pina-upo sa lamesa niya at saka binuksan ang isang TV. Bumungad samin ni Kurt ang bulto-bultong droga na nakakamkam ng Pulisya. Pero hindi alam kung bakit hindi mahuli ang nag mamay-ari nito.
"Hindi totoong pinangakuan si Salazar ng Presidente na tataas ang ranggo nito sa oras na mahuli niya si Mr.Montgomery. Si Vivian Salazar ay asawa ng Mayor ng Maynila. Nakipag-tulungan si Cody Zee sa Mayor para makapag higanti sa kondisyon na papalawakin nito ang Droga sa ka-maynilaan. Protektado ni Salazar ang transaksyon ng Droga sa Maynila." Paliwanag nito sa'min.
"Ano ang gusto mong gawin namin?" Deretsong tanong ko rito. Mayroon itong inabot na papel sa'min ni Kurt.
"Yan ang listahan ng malaking transaksyon ng droga nagkaka-halaga ang mga yan ng Isang daan milyon piso. Sa oras na maka-pasok yan sa Pilipinas ay ilang milyon tao rin ang makaka-gamit niyan na ayaw natin mangyari. Ako at ang grupo ko ang naatasan na sugpuin ito, malaki ang tiwala ko sa mga tao ko pero hindi ko ito magagawa kung wala ang Philadelphia."
Tumingin ako kay Kurt kung tama ba ang ginagawa namin, pero alam ko para kay SLY magiging tama ang mali para sa'min.
Agad kaming binigyan ng tauhan ni Jane ng tig-isang reciever saka pina-pasok sa isang kwarto kung saan mayroon iba't ibang klase ng baril, sa kaliwang bahagi ng kwarto ay mayroon 45" monitor ng computer na mayroon din iba't ibang klase ng sasakyan.
"Ang unang transakyon nila ay ang isang illegal car racing sa Macapagal High-way." Paliwanag ni Jane sa'min.
-End of POV-

BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AçãoBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016