Chapter 16.

3.4K 133 2
                                    

Shaider's POV

"Tara na G! Okay na yung mga--" Hindi pa ako tapos mag salita ay isang matalas na tingin na ang binato sa'kin ni SLY, pansin ko naman na parang may namumuong tensyon sa pagitan nina Madam at Cathleen kaya agad akong sumaludo saka umatras papunta sa harap ng bahay kung nasaan si Patrick.

Taka ko pa rin pinag mamasdan sina Madam at Cathleen, namamaga kasi ang mata ni Cathleen at si Madam naman ay parang galing sa iyak.

"G, okay na yung mga gamit nila Madam." Balita ko kay Patrick.

"Magka-away ba yung magkapatid?" Dugtong na tanong ko rito. Taka naman akong tinignan nito.

"Parang narinig ko nag so-sorry si Cathleen kay Madam eh. Baka nagka-tampuhan." Sagot naman ni Patrick.

Sabay kaming napapasok sa loob ng bahay ng marinig namin ang sigaw ni Madam at Cathleen.

***

Catherine's POV

"Mga bwisit kayo!!" Sigaw ko kina Kurt at Cathleen saka ito pinaghahampas ng throw pillow.

"Ate!" Sigaw ni Cathleen.

Napahinto ako sa paghampas ko rito ng unan ng biglang pumasok si Shaider at Patrick ng pinto.

"Anong nangyari?"

"Ilayo niyo tong kaibigan niyo sa'kin mapapatay ko to." Salita ko sa dalawa kaya taka itong lumapit.

Napalingon naman kaming lahat ng bigla rin nagbabaan sina Giselle,Paulo at Roman na galing sa guest room.

"Bakit?" Tanong nga mga ito hindi ko ito pinagka-abalahan sagutin saka ulit pinag hahampas si Kurt ng unan.

"Madam teka lang." Salita nito habang natatawa pa.

Bwisit kasi, dahil gumanti si Cathleen sa'kin dahil sa ginawa ko kay Kurt.

"Hubby your friend is totally jerk!" Sigaw ko kay SLY habang natatawa rin.

"Ano bang nangyayari?" Usisa ni Shaider.

"Bwisit tong dalawa na to. Pinag tripan ako buntis daw si Cathleen." Bigla naman nag tawanan ang lahat dahil sa narinig. Si SLY naman ay inawat ako sa paghampas ko sa kaibigan.

"Tama na yan Wifey." Bigla naman akong napa-tingin rito saka inihinto ang pag hampas ko kay Kurt.

Inilakad ako nito papalayo kay Kurt saka kami sabay na umakyat ng hagdan.

Kita ko ang pag-apiran nina Kurt at Cathleen habang nagtatawanan pa. Nang tumingin ito sa'kin ay agad kong itinaas ang middle finger ko sa mga 'to. Si SLY naman ay huminto saka kinuha ang kamay ko at binaba ang gitnang daliri ko saka ito hinalikan.

"Boss maaga pa!" Sigaw ni Shaider dito.

***

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay SLY nang pagkukuhain nito ang mga damit namin sa closet.

"We were moving in to our house." Our house?

"Saang bahay bumili ka ba ng bago?" Takang tanong ko rito habang pinag mamasdan ang mga galaw nito.

"Tss. Retard. Just pack-up all your things." Utos nito na agad kong ginawa. Kinuha ko lahat ng sapatos sa shoe rack ko saka inisa-isang ilagay sa bakanteng kahon na narito sa kwarto.

"Saan bang bahay? Paano tong bahay ko, yung bahay mo rito? Ang dami na natin bahay." Pag uusisa ko dito. Si SLY naman ay deretso lang ng pagkuha ng iba pang gamit.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon