Cara's POV
Huminga ako ng malalim bago buksan ang malaking pintuan ng Phoenix. Kumapit ako ng maigi sa doorknob nito at pumikit saka ito binuksan.
Ilang minuto ang nakalipas bago ako dumilat pero wala pa rin siya. Tatlong araw na ang nakakalipas pero ni anino niya ay hindi ko nakikita rito. Tatlong araw pa lang pero ang laki na ng pinagbago. Walang sasalubong sa'kin na naka-ngiti sabay mag babago ang ekspresyon ng mukha.
Inilibot ko ang sarili ko sa buong conference room, saka ulit humarap sa pinaka-dulong upuan kung saan siya naka-upo pero sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin siya.
"Princess." Bulong ko sa isip ko.
Sa loob ng apat na taon ay ang laki na ng impact na naibigay niya sa'min. Kung tutuusin mas matagal kong pinagsilbihan si King pero mas nangulila ako sa pag-alis ni Princess.
"Waiting for her?" Napalingon ako sa pintuan ng conference room ng mag salita si Giselle na mayroon din bakas ng kalungkutan sa mukha.
Napangiti na lang ako rito at naupo. Parehas siguro kami ni Giselle na umaasang hindi totoo ang binitawang salita ni Princess na si Caitlyn na ang magpapatakbo ng Philadelphia.
"How I wish that it was all just a dream." Salita nito saka na-upo sa kaharap kong swivel chair.
"A nightmare." Dugtong ko rito.
"I thought i am late." Parehas nabaling ang tingin namin ni Giselle sa babaeng kakarating lang.
"Ganito ba lagi ang board directors ng Philadelphia?" Tanong nito.
"Parating na sila." Sagot naman ni Giselle rito.
Nag lakad ito papalapit sa'min kaya inunahan na namin ito ni Giselle na makalapit sa kanya.
"Please take a seat." Salita ni Giselle dito saka ini-urong ang swivel chair na nasa unang kaliwang bahagi ng lamesa.
"It was Princess place." Sita ni Giselle kay Caitlyn ng hindi ito umupo sa swivel chair na inayos niya sa halip ay naupo ito sa gitnang upuan kung saan nauupo si Princess.
"Come on Giselle, i am the new Princess of Philadelphia. Right Cara?" Sarkastikong salita nito habang natatawa pa saka na-upo ng tuluyan.
Kita ko ang pag-higpit ng hawak ni Giselle sa swivelchair kaya hinawakan ko ang kamay nito saka sinenyasan na tumayo sa likuran ni Caitlyn.
"Ganito ba talaga sila katagal pag may meeting?" Reklamo ni Caitlyn sa'min saka tumingin sa wrist watch nito.
May kalahating oras na rin ng hindi pa dumadating sina SLY.
"Giselle call them."
Agad na kinuha ni Giselle ang cellphone nito saka tinawagan si Paulo.
"Madam, sorry la--"
Natahimik si Roman at Shaider ng makapasok ito sa conference room at nakita si Caitlyn.
"Ikaw na naman?" Takang tanong ni Shaider kay Caitlyn.
Wala pa siguro silang alam, hindi pa siguro nasasabi ni SLY sa kanila ang nangyayari kaya ganito sila kagulat ng makita si Caitlyn.
"Why? Is there something wrong that I am here?" Balik na tanong ni Caitlyn kay Shaider.
Tumingin ito sa'min kaya palihim namin itong sinenyasan na ma-upo na lamang na agad naman nitong ginawa.
***
Patrick's POV
Nagmamadali akong pumunta ng conference room ng Phoenix dahil sa meeting na pinatawag ni Madam.
Hingal na hingal pa kong binuksan ang pinto at kinagulat ko ng si Caitlyn ang bumungad sa'kin. Taka ko itong tinignan pero nginitian lamang ako nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko rito. Sa halip na sagutin ako nito ay inilahad nito ang kamay niya sa bakanteng upuan na pwesto ko rito.
"Take a seat." Utos nito. May halong pagtataka man ay naupo pa rin ako.
"Ganito ba lagi kayo pag may biglaan meeting na pinapatawag si Catherine o sa akin lang?" Tanong ni Caitlyn sa'min.
Napatingin ako kay Shaider at Roman na taka rin palang nakatingin sa'kin kaya umiling ako rito. Hindi ko kasi alam kung anong ginagawa ni Caitlyn rito.
Napalingon kaming lahat sa pintuan ng pormal na pumasok sina Paulo, Kurt at SLY. Parang hindi nito nakita si Caitlyn na naka-upo sa pwesto ni Madam dahil sa deretso itong na-upo sa kani-kanilang pwesto.
Tatayo sana si Caitlyn para halikan sa pisngi si SLY pero agad na naupo si Lover boy para makaiwas.
"Is this the way you welcoming your new boss?"
Putapets anong new boss pinagsasabi nitong babae na to?
"Hindi niyo pa siguro alam. I am the new Mafia Boss. The real successor of Philadelphia."
Wew! Anong drama to? Totoo ba to? Medyo hindi ma-absorb ng kapogian ko este ng immune system ko ang pinagsasabi ni Caitlyn kaya minabuti kong tumingin kay SLY pero prente lamang itong sumandal sa swivel chair saka in-unbotton ang coat nito.
WHAT THE FVCK? Bulong ko sa isip ko.
"I'll make it short dahil mukhang hindi niyo naiintindihan. Unfortunately, i am illegitimate child of King. I am month older than her. You know who's I'm talking about."
Tengenemes! Totoong drama nga to, ano bang dapat maging rekasyon ko? Mainis, magalit o matawa dahil sa mukhang nababaliw na ang isang to.
***
Catherine's POV
"Hello Princess." Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Reynaldo.
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at ng laki ang mata ko ng hindi nga ako nagkamali na si Reynaldo nga ang tumawag sa Pangalan ko.
Lumingon-lingon ako sa paligid saka huminga ng malalim dahil sa konti ng tao rito sa supermarket ay may posibilidad na patayin ako nito rito.
"Mayor." Pormal na tawag ko sa pangalan nito. Mas humigpit ang hawak ko sa pushcart na dala-dala ko ng unti-unti itong lumapit sa'kin kasama ng mga tauhan nito.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa saka nagsalita.
"Sexy young lady. What time do they open?" Salita nito habang naka-tingin sa legs ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko saka kinuha ang baril sa gun pocket na nakalagay sa binti ko at itinutok rito.
"They open at the same time I pull this trigger. Want me to open them?"
"Infront of these people?"
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng supermaket at kinagulat ko na nadagdagan na ang tao rito. Pasimple kong ibinalik ang baril sa gun pocket ko.
"I am one of the few people in the world who can kill you 50 times and still make it look like an accident." Salita ko kay Reynaldo.
Kita ko ang pag-lunok nito kasabay ng pag tingin deretso sa mata ko.
"Then I guess you are more fearless than Caitlyn huh?"
I smirked to him bakit ba kasi sa dinami-dami ng lugar ay dito pa kami sa supermarket nagtagpo. Ano ba kasing ginagawa niya rito?
"What happen to your code now Catherine? About Family?" Natatawang salita nito.
Ibig sabihin ay alam na nitong mag-kapatid kami ni Caitlyn. Natigilan ako panandalian dahil sa sinabi ni Reynaldo. Parang kinain ng dila ko ang mga letrang kailangan lumabas sa bibig ko.
"It's gonna be a good fight. Blood versus blood." Sigaw nito habang papalayo ng papalayo hanggang sa makalabas na ito tuluyan ng supermarket. Tanaw ko ito sa salamin kung saan ito huminto sa isang bagong bukas na boutique ng damit.
Napukaw ang tingin ng mga tao sa'kin dahil sa sinabi ni Reynaldo kaya minabuti kong dumeretso na ng cashier area.
![](https://img.wattpad.com/cover/48974878-288-k511981.jpg)
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
ActionBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016