Chapter 23.

3.5K 110 5
                                    

~kinabukasan~

Nagising ako na wala na si SLY sa tabi ko. Hampas ng alon ng dagat ang naririnig ko kasabay ng malakas na hangin.

Inayos ko ang puting kumot na nakabalot sa katawan ko saka isinandal ang sarili sa headboard ng kama.

"Good Morning beautiful." Bati sa'kin ni SLY na puting-puti ang kasuotan pagpasok nito ng kwarto.

"Good Morning handsome."

Inilapag naman ni SLY ang dala nitong tray sa kama at inabot sa'kin ang isang tasa ng kape.

I saw a piece of orchid flower in the tray and draw a smile on my face. SLY is always like that.

He never forget to give me a flowers every morning. Iniisip ko tuloy ilang bulaklak na ba ang napipitas ni SLY sa garden ni Mamita o saan flowershop siya nag papa-deliver tuwing umaga.

"It taste good. Pwede natin pagka-kitaan tong kape mo."

Sobrang sarap kasing mag-timpla ni SLY ng kape sobrang daig niya ko lasang ewan kasi ko mag-timpla pero nauubos naman niya sa tuwing pinag titimpla ko siya.

Nginitian lang ako ni SLY saka inilagay ang piraso ng bulaklak sa tenga ko.

"Would you like to go island hopping wife? Or go somewhere else?"

"Hmm. Parang gusto kong pumunta ng bayan para ipamili yung mga caretaker ng kahit isang dish lang ng pagkain. After na lang tayo mag island hopping?"

Nakakahiya naman kasi kung pupunta kami mamaya sa handaan na wala man lang kaming dala ng kahit ano. Buti na lang at naisip ni SLY na mag-aya.

"Alright."

***

"Ma'am gusto niyo pong i-try?" Tanong sa'kin ni Manong ng nakatingin ako sa isang shooting range mayroon kasing maliit na peryahan dito sa bayan.

Nag abot naman si SLY ng 100 peso bill sa manong at lumapit sa booth ng shooting range,yung babarilin mo yung mga gumagalaw na rubber duck tapos pag nakuha mo yung kota nila eh may prize ka.

Inabutan ako ni SLY ng isang pellet gun, sa sobrang excited ko agad kong pinag-babaril ang mga rubber duck pero wala akong natamaan kahit isa. Sampung beses na sunod-sunod lang dapat kasi patamaan ang mga rubber duck para makakuha ng prize.

"Kainis ang bilis kasi eh, gusto ko pa naman yung malaking teddy bear." Reklamo ko kay SLY saka inabot dito ang baril.

Nginitian lang ako ni SLY saka umayos ng tayo at itinutok ang baril sa mga rubber duck. "I already teach you on how to shoot clear and smooth." Salita nito saka pinatamaan isa-isa ang mga rubber duck.

Inabutan kami ni Manong ng isang maliit na teddy bear ng maka-pitong tama si SLY sa ruuber ducky. Mayroon din palang consolation prize.

"Better luck next time." Bulong ni SLY habang nangingiti.

Minsan may pagka-hambog din tong asawa ko eh.

Agad kong kinuha ang isang pellet gun saka itinaas at tinutok ang mata ko sa muzzle ng baril saka nag focus.

"Better luck next time, hubby." Isang pag-iling at ngiti ang binigay sa'kin ni SLY ng matamaan ko ang sampung rubber ducky.

Pag-abot sa'min ni Manong ng teddybear ay umalis na rin kami saka pumunta sa public market dito sa bayan.

***

Pag tapos namin mamili ni SLY ng mga kakailanganin ko sa pag luluto ay umuwi na rin kami. Balak pa kasi namin mag island hopping, si SLY naman ang pagbibigyan ko dahil sa request kong pamimili para sa salo-salo mamaya.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon