Catherine's POV
Ibinaba ako ng isang Pulis sa isang malawak na field, napaka-dilim ng lugar at halos liwanag lamang ng buwan ang nagiging liwanag.
"Baba!" Ma-awtoridad na utos sa'kin ng isang armadong lalaki na sa tingin ko ay Chief of Police nila.
"Where's my husband?" Tanong ko rito pero hindi ako magawang sagutin nito sa halip ay dinala ako nito sa gitna ng field.
Biglang bumukas ang headlight ng isa sa mga sasakyan nila at naka-tutok ito sa'kin. Pilit kong tinatakpan ang mata ko para hindi masilaw sa liwanag at makita kung ano ang nangyayari.
Nagulat ako ng biglang mayroon echo na nang gagaling sa speaker at hinanap ko kung saan yun.
"You got me, and I got you that's all that matters. I vow that the only one i need in this life full of sin is you my girl, Catherine Jamal Manalang. You are now my Life, my better half and we Ride till we Die."
"I vow to you that You will never be alone again Sean Liam Yvo. Where ever you go, I go. I'll ride for you, I'll cry for you and if you ever die for me, i'm gonna die with you. You're mine, i'm yours, no hoes, no niggas. Just me and you." Laking gulat ko ng marinig ko ang vow ko kay SLY nung araw na ikinasal kami.
"You're gonna kill me after this, and I'm sorry but this is for you Wifey!" Naguguluhan ako sa nangyayari ng biglang boses na ni SLY ang nag salita sa audio at biglang may tumugtog.
A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do
Hanggang sa biglang sumayaw na ang mga pulis na naririto kasabay ng tugtog. Mayroon din lumabas na mga tao sa Mobil, at iba pang lagusan ng field, bawat ilaw na nasa field ay nag bubukas kaya kitang kita ko na ang mga naririto ay nag flash mob.
And you know one of these days when I get my money right
Buy you everything and show you all the finer things in life
We'll forever be in love, so there ain't no need to rush
But one day I won't be able to ask you loud enough.
I'll say, "Will you marry me?"
Nanginginig ang katawan ko, habang naririto ang mga taong to na nag sasayaw sa harapan ko. Ano ba ang dapat kong maging reaksyon? Pero halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon para na akong nababaliw. Hanggang sa huminto ang mga ito ng lumabas si SLY at binigyan nila ng daan papunta sa'kin. Ang isang dancer ay inabutan ito ng mic ng saktong nasa harapan ko na ito.
"From the very first day that my eyes laid on you, I knew that we will come to this. 3 years ago, I didn't give you a marriage proposal that every girls dream, and guess what I didn't hear anything from you except your vows." Huminto si SLY sa pag sasalita dahil sa pag lunok nito at tumingin sa mga mata ko. Yung tingin na sinsero, yung tingin na nagpapalambot sa sarili ko, yung tingin na puno ng pagmamahal.
Huminga ito ng malalim saka muling nag salita. "Today, in front of these people. I wanna asked you Will You Marry me again?" Sa pagkakataon na yun mas lalong bumuhos ang luha sa mata ko. Naiiyak ako na natatawa, parang biglang gumalaw si baby Shaun sa tiyan ko kahit na fetus pa lang siya.
"Of course. I will marry you again." Nagpalakpakan naman ang tao sa field at halos lahat sila tuwang tuwa, samantalang ako iyak na ng iyak dahil sa kanina lang akala ko panibagong problema ang kakaharapin namin.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AçãoBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
