Chapter 5.

3.9K 120 3
                                        

Catherine's POV

"Paano mo nalaman na andoon ako?" Tanong ko kay SLY. Pabalik-balik lang itong naglalakad sa harapan ko while pinching the bridges of his nose.

Isang matalas na tingin ang ibinato nito sakin saka umupo sa harapan ko. "What do you think you're doing?" Tanong nito.

Napatingin naman kami parehas sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa si Kurt.

Laking gulat ni Kurt ng makita si SLY, isang pag sugod ang ginawa ni SLY kay Kurt sabay binigyan ng malakas na suntok dahilan para tumumba ito.

"You kidnapped my Wife for your own business!" Salita ni SLY, bibigyan pa sana niya ito ng isa pang suntok pero natadyakan siya agad ni Kurt.

"Kurt!" Sigaw ko saka nilapitan si SLY. Mabilis naman naka-tayo si Kurt at mas nagulat ako sa sumunod na nangyari. Parehas silang bumunot ng baril sa likuran ng kanilang pantalon at tinutok sa isa't-isa.

"SLY, ginawa yun ni Kurt to clear your name." Paliwanag ko kay SLY, kunot noo akong tinignan nito saka tumingin kay Kurt. Si Kurt naman ay ibinaba ang baril niya saka pinunasan ang dugo sa bibig nito.

Si SLY naman ay kumawala sa pagkaka-hawak ko rito saka lumabas ng bahay.

"Aalis ka na naman tapos iiwan mo na naman kaming nag-iisip kung saan lupalop ng mundo ka hahanapin?" Sigaw ni Kurt kay SLY. Si SLY naman ay humarap dito saka muling nag-lakad pabalik kay Kurt.

"You don't have an idea what i've been thru just to protect this Family." Salita ni SLY na ikinabigla namin ni Kurt.

Isang pag-hatak ang ginawa ni SLY sakin at sabay kaming lumabas ng bahay nina Paulo at Giselle. Nang makita kami nila Paulo ay agad itong nagsitayuan at akmang pipigilan kami pero isang pag harang ng kamay ni SLY ang ginawa niya at deretsong sumakay ng kotse.

***

"Ipaliwanag mo kasi hindi ko maintindihan eh. Ginagawa namin to para linisin ang pangalan mo, pero minamasama mo." Sigaw ko sa loob ng kotse. Buong biyahe kaming nag tatalo ni SLY masyadong baluktot ang pananaw niya at sinasabing hindi namin alam ang pinasok namin.

Inihinto ni SLY ang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumabas ng kotse nito, agad naman akong lumabas ng kotse at sinundan ito. Nag sindi muna ito ng sigarilyo saka huminga ng malalim at tinignan ako.

"Your making it worse Wife kayo ni Kurt." Salita ni SLY. Hindi ko alam kung bakit naging worse ang ginawa namin. Dalawang taon siyang nawala at ang gusto ko lang ay makita siya at maging malaya.

Hindi pa nangangalahati ang yosi ni SLY ay tinapon niya na ito saka tinapakan. Binuksan naman nito ang pinto ng kotse at tumingin sa'kin, agad naman akong sumakay at ganoon din si SLY.

****

Pag dating namin ni SLY sa bahay niyang tinutuluyan kung saan malapit sa bahay na binili ko ay inilapag nito ang sampung folder sa'kin.

Isa-isa ko itong pinag bubuksan at binasa pero hindi ko alam kung para saan ito.

"My case is closed 1 year ago. They didn't messed up because they don't have any evidence that I killed Salazar. Alam kong darating ang araw na ako ang paghihinalaan nilang pumatay kay Salazar, pero bago pa yun ay nalinis ko na ang Pangalan ko. It's not about Salazar. It's now about the Philadelphia." Tinignan ko si SLY ng may pagtataka. Paanong sa Philadelphia?

"That Stupid Mayor is a member of a Mafia. At ngayon na nakilala ka na nila bilang pinaka-batang leader magkakaroon na sila ng daan para pabagsakin ang Philadelphia Group." Napa-upo na lang ako sa narinig kong sinabi ni SLY. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang pinasok ko. Isang mahigpit na yakap ang binigay sakin ni SLY, sa pagkakataong to ay bumuhos na ang luha sa mga mata ko.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon