Chapter 27.

2.7K 104 3
                                        

Catherine's POV

Nag-madali akong sumakay ng kotse ko pag tapos kong mapamili lahat ng lulutuin ko para i-surprise mamaya si SLY.

Sinigurado kong nasa loob pa ng boutique si Reynaldo at mga tauhan nito bago ako umalis.

***

Inisa-isa kong ibaba lahat ng pinamili ko saka dumiretso sa kusina para makapag-simula ng mag luto.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkikita namin ni Reynaldo. Pakiramdam ko papalapit na ng papalapit ang pag tutuos ng Philadelphia laban sa Lopez's.

Bumalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang cellphone ko at si SLY ang tumatawag.

[What are you doing wifey?]

[Nag lalaptop lang.]

[You sure?] Hay ano ba naman to si SLY pakiramdam ko kahit na wala siya rito eh nakikita niya ang ginagawa ko kaya bawal ako mag sinungaling.

[Yeah. Why?]

[Nothing. We're here at Phoenix talking about some stuffs.] Napangiti ako ng bahagya sa narinig ko kay SLY, bigla kong na-miss ang Phoenix pero hindi naman ako pwedeng pumunta doon dahil panigurado akong naroon na si Caitlyn.

[Ah. So maaga kang uwi?] Tanong ko rito.

[Not sure doll, Paulo invited us to there pad.] Nalungkot naman ako bahagya sa narinig ko. Hindi ko pala makakasama si SLY ng saktong kaarawan namin. Siguro ay doon nila sasalubungin ang birthday ni SLY. Di bale na nga.

[Still there?] Tanong nito sa kabilang linya.

[Yeah, papa-order na lang pala ko ng food for my dinner.]

[Alright. Don't forget to locked all the windows and doors. I already asked Nathalie to go there and look after you.]

Tumango-tango ako kahit na alam ko naman na hindi ako nakikita ni SLY.

[Thanks. Ingat kayo. I love yo--]

Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko kay SLY ay in-end na agad nito ang tawag. Agad kong pinag-patuloy ang pag luluto ko. Hindi na lang pala ko magpapa-order dahil dadarating naman pala si Nathalie at kami na lang dalawa ang kakain nito. At sigurado naman ako na dadarating sina Gretch at Catherine para batiin ako. Sus sila paba magpapahuli?

***

Shaider's POV

"Is it that all? You call a meeting for that fvcking announcement?" Tanong ni SLY kay Caitlyn pagbalik nito galing sa labas ng conference room.

Oo nga naman, nagpatawag siya ng meeting para lang sabihin na siya ang bagong Mafia boss at pag tapos nun ay wala na siyang iba pang sinabi.

Ganito kasi yan, sa tuwing mayroon meeting sa Philadelphia, lahat kami ay nag u-undertime sa kanya-kanya namin trabaho para sa mas mahabang oras na pag-uusap tungkol sa Organization. Ewan ko ganoon kasi kami kay Madam eh, ewan ko lang ngayon.

Tinignan ni Caitlyn si SLY pero si bossing ay nakatuon pa rin ang tingin sa hawak nitong pen na hinahamapas sa folder na nasa lamesa.

"Nope meron pa." Salita ni Caitlyn saka muling itinuon ang tingin sa'min.

Lahat kami ay nag-hihintay sa sasabihin nito. Kung ikukumpara kay Madam si Caitlyn ay mas nakakatakot si Caitlyn tumingin pero hindi nakakasindak mag-salita katulad ni Madam na pag sinabi niya ay sinabi niya. May pagkama-awtoridad pa. Nahawa na kay Bossing.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon