Giselle's POV
Nang makakuha ng pagkakataon si John na makahinto sa flatporm ng barko ay agad kaming nag-ayos nila Cara at Paulo dahil sa report sa'min ni Roman na mas marami pa silang kalaban ngayon na tauhan ni Reynaldo.
"Hon, teka mauuna ko aalalayan kita." Salita ni Paulo. Napangiti na lang ako rito saka umiling ako pa ang alalayan niya eh sanay ako sa mga ganitong eksena.
Napa-iling sa'min si Cara saka tuluyan ng tumalon mula sa umaandar pang helicopter. Nang si Paulo na ang tatalon ay halos mapasubasob ito sa sahig kaya naman inalalayan ito ni Cara.
"Ako pa ang alalayan mo." Sigaw ko rito saka tuluyan ng tumalon. Agad akong inangat ni Cara mula sa pag-talon ko ng ma-out of balance ako.
"Sabi ko sa'yo aala-" Hindi pa man tapos mag salita si Paulo ay pinaputukan na kami ng tauhan ni Reynaldo na may malalaking kalibre ng baril kaya naman agad kaming nakipag palitan ng putok ng bala sa mga ito.
Agad kaming umiwas sa mga ito saka nag tago sa isang cabin ng barko saka nag lagay ng panibagong magazine sa mga baril namin.
"Tang*na warfreak!" Salita ni Paulo kaya napa-iling kami dito ni Cara.
Nakuhang mag-biro ng Asawa ko eh muntikan na kami run. Kung hindi pa nag hagis si Cara ng granda malamang patay kami.
[Mr. and Mrs. Montgomery needs back up. I repeat Mr. and Mrs. Montgomery needs back-up.]
Dinig namin salita ni Roman sa Receiver kaya nag lingunan kaming tatlo saka buwis buhay na lumabas ng cabin at nakipag barilan sa tauhan ni Reynaldo.
Hindi kami takot na sumugod dahil sa suot naming bullet proof vest. Sanay na ako sa ganito, ilang beses na rin akong muntikan mamatay pero ewan ko ba may sa pusa ata ako o tinalo ko na ata ang pusa sa haba ng buhay ko.
Nahatak ako ni Paulo mula sa pakikipag-barilan ko saka kami nag tago sa isang malaking container ng drum. Dinig ko ang balang tumatama sa container ng drum na pinapatamaan ng tauhan ni Reynaldo.
Nakita ko si Cara na may tama ng bala sa paanan nito, ng akma akong tatayo para puntahan ito ay umiling ito sa'kin saka kinuha ang speaker nito.
[I'm fine Giselle. Puntahan mo na si Princess.] Salita nito.
Alam kong ito ang sinumpaan namin tungkulin pero hindi ko hahayaan na iwan si Cara sa ganoon kalagayan niya kaya naman agad akong tumakbo papunta rito habang binabaril ang mga tauhan ni Reynaldo at iniwan si Paulo habang naka-tago sa drum.
Inangat ko si Cara sa pagkaka-upo nito saka inilagay ang braso nito sa balikat ko.
Nang makakuha ako ng tiyempo ay sabay kaming nakipag-barilan ni Cara sa pasugod na tauhan ni Reynaldo sa'min pero laking gulat namin ng makita si Caitlyn na nakikipag palitan rin ng putok ng baril sa mga tauhan ni Reynaldo. May kasama itong ilang tauhan niya na malamang ay hindi alam ni Reynaldo.
Tumakbo papunta sa'min si Paulo saka nito kinuha si Cara at siya ang umalalay rito.
Nang maka-sakay si Paulo sa lifeboat kung saan patuloy pa rin kami sa pakikipag barilan ay inalalayan ko na si Cara na maka-sakay dahil sa hirap ito dahil sa kalagayan niya.
"Hindi ako makaka-sampa kayo na ang bahala kay Princess." Salita ni Cara sa'min.
"Cara mamamatay ka dito." Sigaw ko rito at pilit na pinapatuntong sa railings para makasakay.
"Giselle. H'wag mo ko intidihin."
"Giselle." Sigaw ni Paulo kaya sabay kaming napalingon ni Cara dito.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AksiBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016