Chapter 44.

2.9K 104 7
                                    

Cathleen's POV

Habang tumatakbo ang oras ay mas lalo akong nag-aalala para sa kapatid ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Babe." Agad kong pinatay ang yosing hawak ko saka ko nilingon si Kurt ng tawagin ako nito.

"Okay na ba lahat?" Tanong ko rito dahil sa nag hihintay lang kami na ma-track ni Roman si SLY o kahit si Catherine.

"Oo, pwede bang h'wag ka ng sumama?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kurt kaya tinignan ko ito kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Alam mong si Catherine yun 'di ba? Nung ako ang nasa sitwasyon niya, ni minsan hindi siya pinigilan ni SLY para iligtas ako."

"I know, pero hindi kasi ako makapag focus pag andiyan ka."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Hindi ako kasing tapang ni SLY, hindi ka rin kasing galing ni Madam. Hindi ko kayang makita ulit na ikaw ang gamitin nila laban sa'min."

Hindi ko alam kung maiinis ako o ano dahil sa mga pinagsasabi ni Kurt. Gusto ko sanang kiligin pero alam kong hindi to ang tamang oras.

"So anong gagawin ko?"

"You'll be the one who guide us on road." My eyes widened when Kurt told me what should I gonna do. Hindi ako si Roman wala akong alam sa computer at sa pag ta-track.

"Pero hindi ko alam ang gagawin ko."

"Tuturuan ka ni Roman." Kinuha nito ang kamay ko saka kami sabay na naglakad patungo sa media room kung nasaan naroroon ang mga iba pang Philadelphia.

***

"Alam mo na G kung paano?" Tanong ni Roman matapos nitong ituro ang  sign, lugar at ang kanya-kanya nilang GPS para i-guide sila kung nasaan sila Catherine na dinukot ni Reynaldo.

"Basta h'wag kayo masyadong mag hiwa-hiwalay baka kasi malito ako." Salita ko rito saka ikinabit ang headset sa tenga ko.

"Basta tandaan mo lang na ang red dot na yan ang lugar kung nasaan sina SLY, kami ang nasa green na may number. I-guide mo kami kung saan mas madaling daan para agad kaming maka-punta roon." Turo ni Roman sa mga signal ng tracking device na naka-kabit sa sasakyan nila.

"Ikaw na kaya dito?" Salita ko rito saka inabot ang headset sa kanya.

"Hay nako naman Kurt sumasakit ulo ko dito kay Cathleen." Reklamo ni Roman kaya napa-kamot na lang ako ng ulo. Hindi pala madali ang ginagawa ni Roman, akala ko ganoon lang kadali sa pag pindot-pindot nito sa keyboard pero ang hirap pala.

"Sige na, kaya ko na to." Salita ko rito. Agad naman silang nag-suot ng kani-kanilang bullet proof vest habang isa-isa silang inaabutan ng baril ni Cara.

"Princess are you sure na okay ka lang dito?" Tanong ni Giselle.

"Oo, kasama ko naman si Nathalie." Maiiwan si Nathalie para mag bantay sa'kin.

"Kurt." Nang makalabas na lahat ng Philadelphia sa media room ay tinawag ko si Kurt.

"Sorry." Taka akong tinignan ni Kurt ng humingi ako ng sorry dito.

"For what?" Takang tanong nito. Tinignan ko ito sa mata kaya mas lalong naguluhan ang ekpresyon ng itsura nito.

"Sorry if we put you in this situation." Pakiramdam ko kasi hindi naman sila malalagay sa ganitong sitwasyon kung hindi nila kami nakilala.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon