Chapter 25.

2.8K 120 4
                                    

Giselle's POV

"Princess." Sabay-sabay kaming napatayo nina Paulo at Cara ng bumaba si Princess sa kwarto nito na kagigising lang.

Deretso itong naupo sa couch na malayo ang pagitan sa'min.

"Si SLY?" Tanong nito habang iniisa-isang buksan ang pahina ng magazine na nasa table.

"Pumunta sa wake ni Jay." Paiwas na sagot ni Cara.

Tumawag si SLY kay Paulo para sabihin na 'wag muna kaming umalis hanggang hindi pa siya nakakarating at kung maari ay hintayin namin magising si Catherine.

"Ah. Sorry naka-tulog ako."

"Ayos lang Madam, baka nagugutom ka? Anong gusto mong kainin magpapa-order ako?"

Dere-deretsong tanong ni Paulo saka kinuha ang cellphone nito.

"Kahit ano Paulo, salamat."

Kahit nagsasalita si Catherine ay pansin ko na hindi ito tumitingin sa'min ni Cara. Inaasahan ko na ang pagka-dismaya nito sa'min.

Lumayo ng bahagya si Paulo kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit kay Princess pero bigla nitong sinara ang magazine na hawak niya at ipinatong sa lamesa saka deretsong  naglakad papunta sa kusina.

"Cara."

Hindi ako sanay na ganito ang pag trato sa'min ni Princess.

"I know she's upset with us." Sagot ni Cara saka ako hinawakan sa balikat.

Si Cara ang hiningan ng tulong ni Princess para magsagawa ng plano laban kay Caitlyn. Isa ako sa pinagkakatiwalaan niya bilang miyembro ng Philadelphia pero hindi ko nagawang sabihin sa kanya ang relasyon niya kay Caitlyn.

***

Tahimik lang kami ni Cara habang kumakain at pinagmamasdan si Princess na tahimik ring kumakain. Simula pa kanina ay wala itong kibo at kung hindi pa tanungin ni Paulo ay hindi pa mag sasalita.

"Madam, pauwe na si SLY." Tumingin lang ito kay Paulo saka ngumiti. Magkatabi kami ni Paulo pero ni haging ng tingin ay hindi nito nagawa.

"I'm home." Sabay-sabay kaming napatayo nina Cara at Paulo ng dumating si SLY para batiin ito pero si Catherine ay deretso lang sa pagkain. Hinalikan ito ni SLY sa ulo saka na-upo.

Alam kong ramdam din ni Cara ang paninibago, hindi kami sanay na tahimik sa hapagkainan.

"Wife."

Tumingin dito si Princess na blanko ang ekspresyon ng mukha. Napabalik ako ng tingin sa kinakain ko ng mabaling ang tingin sa'kin ni SLY.

"Are you sure you want me to hire Nathalie to be your personal security?"

Nanglaki ang mata ko sa narinig kong salita ni SLY, tumingin ako kay Cara at halata rin sa itsura nito ang pagkabigla.

"Yeah."

Napahawak si Paulo sa kamay ko ng marinig namin pare-parehas ang sagot ni Princess. Kung papalitan kami nito bilang isa sa taga-pagbantay niya ibig sabihin ay hindi na ganito kalaki ang tiwala nito sa'min.

Gusto kong maging emosyonal pero hindi pwede dahil ayaw kong isipin ni Princess na tama ang naging desisyon niya dahil sa iaasal ko.

"Gusto kong subukan ang katapatan sa'tin ni Nathalie. Hindi lang para ibuwis ang buhay nito para sa'kin o para sa'yo kung hindi para mag sabi sa'tin ng nalalaman niya o nadiskubre niya."

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon