Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 39.

2.9K 166 16
                                        

Shaider's POV

Napabalik ako ng isang hakbang mula sa kwarto ko ng makita ko si SLY na naka-upo at mukhang inaantay akong magising.

"You're up." Matipid na salita nito ngunit hindi naka-tingin sa'kin.

Potek na yan alam kong gwapo ako pero hindi ko inaasahan na si SLY ang unang bubungad sa araw ko.

"G." Tawag ko rito saka tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Sinilip ko pa muna ang sarili ko sa salamin na dadaanan ko saka inayos ang buhok ko.

"Why you're calling me G? You're not a Lyrical Assault. Remember?" Napahinto ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang sinabi ni SLY.

"Sa Philadelphia lang ako umalis pero hindi sa Lyrical."

Isang matalas na tingin ang binato sakin ni SLY. Ang tingin na hinding-hindi niya ibinabato sa isang kaibigan.

"Do you remember the time that you said straight to my face that i always got your back? How about the time that you said that my Family is your Family? The time that you give your word to me and the rest of Lyrical Assault that we ride until we die?"

Hindi ko alam kung mag mumura ba ko o ano dahil sa sinabi ni SLY, biglang nagkaroon ng automatic na flashback sa utak ko ng ipaalala sa'kin ni SLY yung mga araw na nag-uusap kami ng seryosohan.

"Naranasan mo na ba mawalan ng minamahal SLY? Alam mo kung anong masaklap dun? Na hindi mo nasabi sa kanya yung nararamdaman mo."

Bading na kung bading, corny na kung corny pero ito yung nararamdaman ko eh. Ito yung gusto kong sabihin.

"I did. You know I was there when I was 10, when I lost my parents."

"Magkaiba tayo SLY."

"Yeah, we're not the same, I'm just answering your questions."

Potek kailan ba ko mananalo sa taong to? Kailan ba kami nanalo kay SLY?

"Hindi na magbabago yung isip ko SLY. Aalis na ko sa Philadelphia."

"No one was asking you to stay."

Gusto ko sanang sabihin na tengene pre wag mo naman ako barahin pero paano? Baka siya pa ang magbara ng bala sa nguso ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm here to kill you."

****

Catherine's POV

"Bruks hapon na. Kalahating araw ka ng tulog." Napa-dilat ako dahil sa sinag ng araw ng biglang hawiin ni Gretch ang kurtina sa kwarto namin ni SLY.

Hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam tong nararamdaman ko ngayon pero ang bigat ng katawan ko.

"Bruks, masama pakiramdam ko." Naramdaman ko ang palad ni Gretch na dumampi sa noo ko kaya napaayos ako ng higa.

"O.A mo ah. Wala kang sakit." Sino ba nagsabi sa gaga na to na may sakit ako? Sabi ko lang masama pakiramdam ko.

"Ewan ko ba sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko lang laging tulog. Laging nakahiga."

"Ilang araw ka na bang ganyan?" Tanong nito.

"Simula kahapon."

"Sh*t ah. Ang tagal na. Baka pagod ka lang kasi diba nag ala action star ka ng nakaraan."

May point nga naman si Gretch pero nung isang araw pa yun. Saka hindi naman ako ganito nung nakaharap namin ang Brown Republic.

"Alam mo bumangon ka na diyan, mag shopping na lang tayo."

Pilit akong inangat ni Gretch mula sa pagkakahiga ko mula sa kama. Pero kahit na alalay niya na ko hindi pa rin magawa ng katawan ko na bumangon.

"Bruks o.a ka ah. Daig mo pa buntis sa sobrang katamaran mo. Mamaya--"

"Oh my Gosh baka buntis ka?"

Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Gretch. Ako buntis?

"Ewan ko sa'yo." Pero posible kaya?

Agad kong kinuha ang cellphone ko para icheck ang calendar ng mens period ko.

2 weeks na kong delay. Salita ko sa isip ko.

"Andyan ba sila?" Tanong ko kay Gretch na ang tinutukoy ko ay ang mga kaibigan namin. Para na rin maiba ang usapan dahil ayoko mag expect na baka buntis ako.

"Wala."

"Sige mag-aayos lang ako." Salita ko rito saka ko pinilit na bumangon kahit na ayaw ko pa talaga.

Deretso naman lumabas si Gretch ng kwarto namin ni SLY kaya agad na rin akong nag-ayos ng sarili.

***

Third Person's POV

Halos hindi maka-lunok ng maayos si Shaider ng sabihin ni SLY na balak siya nitong patayin.

May ilang minutong katahimikan ang nabalot sa dalawang magkaibigan dahil hinihintay ni Shaider na dugtungan ni SLY ang sasabihin nito.

Samantalang hinihintay rin ni SLY ang magiging reaksyon ng kaibigan dahil sa matagal itong hindi nag salita at nakita nito ang pag lunok ni Shaider dahil na rin sa kaba kung totoo ba ang sinasabi niya.

Nang hindi kalaunan ay dahan-dahan kinakapa ni Shaider ang ilalim ng sofa na inuupuan niya dahil naroroon ang tinatago niyang baril.

Nang tuluyang niyang makapa ang ilalim ng sofa ay nang laki ang mata niya ng wala na rito ang tinago niyang baril kaya halos butil butil na pawis ang tumulo sa mukha nito.

Nagulat naman ito ng biglang nilabas ni SLY ang baril niya na tinago niya sa sofa saka ipinatong sa lamesa kasabay ng pag patong ni SLY ng baril ng kaibigan ay inilabas niya rin ang kalibre 45 niyang baril saka ibinigay sa kaibigan.

"I have a better idea. Our gun has only one bullet. Take my gun and i'm gonna use yours. If I die first, better. Pwede mong sabihin na binalak kitang patayin sa loob ng unit mo and it was a self defense. Pero kung mauunahan kita, much better I can make it look like an accident. You know me Toretto."

Hindi nag dalawang isip si Shaider at kinuha ang baril ni SLY saka itinutok rito.

May limang segundong nag tutukan ng baril ang magkaibigan hanggang sa kinalabit na ni Shaider ang gatilyo ng baril na hawak niya pero laking gulat nito ng hindi tumumba si SLY tulad ng inaasahan niya.

Agad na kinuha ni Shaider ang magazine ng baril ni SLY saka tinignan at laking gulat nito na walang bala ni isa sa magazine.

"G." Tanging lumabas sa bibig ng binata.

Nang laki ang mata ni Shaider ng ilahad ni SLY ang palad nito at naroroon ang mga bala ng baril nila kaya dahan-dahan itong tumingin sa kaibigan na dismayado ang itsura.

"I know that Melanie is special to you and It was saddest what was happen to her. You know her for a week and I am here for a decade. If I was really your brother.. Remember, that the most important thing in life, will always be a Family." Salita ni SLY saka inilapag ang baril ni Shaider sa lamesa at tuluyan ng lumabas ng unit ni Shaider.

Halos mag wala naman si Shaider ng tuluyan ng makaalis si SLY. Lahat ng gamit nito sa loob ng condo niya ay pinaghahagis niya kasabay ng walang humpay na murang lumalabas sa bibig nito.

Sisingsisi ang binata sa ginawa niyang pag tangka sa buhay ni SLY dahil sa kabila ng lahat ay nakalimutan niyang hindi lang sila magkaibigan ni SLY kung hindi isa na ring Pamilya.

***

A/N: Inuna ko pa mag-update kesa mag review, kaya sana magustuhan niyo. Pwede humiling? Pahinging 50 votes. Lol! Joke lang. Apir Riders!

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon