Chapter 34.

3.1K 107 4
                                        

Cathleen's POV

Pag tapos namin mag rosary nila Mommy para sa kaligtasan nila Ate, SLY, Kurt kasama pa ng ibang Philadelphia ay napag-pasyahan kong tumungo sa labas ng bahay para mag-pahangin.

Agad akong nag-sindi ng yosi saka na-upo sa swing chair sa labas ng bahay nila Giselle ng may maramdaman akong naka-tingin sa''kin mula sa groto nila Giselle. Agad kong pinatay ang yosi ko saka kinuha ang baril sa likuran ng shorts ko at tumayo para tutukan ng baril ang hinihinala kong taong naka-tingin sa'kin.

"Sumama ka lang, para walang mangyaring gulo."

Agad kong binitawan ang baril ko saka hinarap ang taong nag salita mula sa likuran ko habang naka-tutok ang baril nito sa tagiliran ko.

Pinosasan ako nito saka luminga-linga para siguraduhin na walang maka-kita sa'min. Pormal akong nag-lakad palabas ng bahay saka sumakay sa sasakyan na nag hihintay sa labas ng bahay nila Giselle.

Pag-sakay ko sa sasakyan ay may limang armadong lalaki ang nag hihintay sa'kin.

[Hawak na namin siya Boss.] Salita ng lalaking may kausap sa cellphone.

Hindi na ako nag dalawang-isip kung sino ang nag-padukot sa'kin dahil sa alam ko naman na si Reynaldo ito.

Agad akong piniringan ng lalaking katabi ko saka agad pinaandar ng driver ang Van na sinasakyan namin.

****

Kurt's POV

"Sa wakas." Salita ko kay Patrick ng magkita kami sa labas ng Phoenix ng matapos ang pakikipag-barilan namin sa mga tauhan ni Reynaldo.

Taka kaming nagka-tinginan ng may pumaradang sasakyan sa harapan namin at sabay kaming napa-bunot ng baril nang si Melanie ang bumaba mula sa sasakyan. Natigilan kami ni Patrick ng lumabas rin si Paulo at Shaider na kasama nito saka kami inutusan na ibaba ang baril namin na agad naman namin ginawa.

Tinignan ako ni Patrick ng may pagtatanong sa itsura kaya nag kibit balikat na lang ako dahil wala naman akong alam sa nangyari.

Isa-isa kaming napa-lundag para umiwas mula sa pag-sabog sa entrance ng Phoenix saka nagka-tinginan dahil sa alam naming nasa loob pa sina SLY, Madam at Roman.

Nag madali kaming pumasok sa loob para puntahan ang mga ito pero natigilan kami ng may unti-unting may pigura ng tao na nakikita naming papalabas.

Halos mabunutan kami ng tinik ng makita ang tatlo na akay-akay ang isa't isa na naka-ngiti kaming sinalubong.

"Princess." Agad na pinuntahan ni Cara si Madam saka inalalayan sa paglalakad ng tuluyang maka-labas ang mga ito sa Phoenix.

"Asan si Caitlyn?" Tanong ni Madam kay Roman ng tuluyan itong maka-rating sa puwesto namin at naka-tingin sa nasusunog na building ng Phoenix.

Taka kaming nagka-tinginan saka tumingin kay SLY na akay-akay naman si Roman na may tama ng bala sa paanan nito.

"Boss." Tawag ni Shaider kay SLY habang hawak nito ang kamay ni Nathalie.

"Let's go." Aya ni SLY sa'min ng hindi pa hinahayaang maka-salita si Shaider.

****

Patrick's POV

Lahat kami ay napahinto mula sa pag-sakay namin sa mga kanya-kanya namin sasakyan ng biglang sumulpot si Reynaldo kasama si Jane Gutierrez at mga kasamahan nito sa Pulisya.

"Do you think that it was already done?" Tanong nito sa'min.

Agad nitong binaling ang tingin niya sa anak na si Melanie, agad namang inilagay ni Shaider si Melanie sa likuran nito, nginisian lamang ito ni Reynaldo saka umiling-iling at agad na itinuon ang pansin kay Kurt na katabi ni SLY at Madam.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon