Cathleen's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko ng alisin ng isang tauhan ni Reynaldo ang piring sa mata ko.
Isang cargo ship ang bumungad sa'kin at ilang armadong kalalakihan na malamang ay tauhan ni Jane dahil sa mga suot nitong uniform.
"Mayor." Tawag ng isang kapitan kay Reynaldo ng makalapit ito sa'min.
"Siya ba?" Tanong nito kay Reynaldo saka ako sinipat ng tingin mula sa ulo hanggang paa.
"As I promised." Sagot ni Reynaldo.
Inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng lugar ng mapansin ko ang ilang tao na may dala-dalang mga kahon na ipinapasok sa loob ng barko.
"Makakaasa kang maipapasok ko ng ligtas sa China ang mga yan."
Isang pakikipag-kamay ang ginawa ni Reynaldo sa kapitan ng barko at agad na sinenyasan ang lalaking naka-hawak sa kamay ko at tinulak ako papunta kay Reynaldo.
Pumiglas ako mula sa pagkakahawak sa'kin ni Reynaldo pero mas hinigpitan pa nito ang hawak niya sa'kin.
"Wala ka ng magagawa." Salita ni Reynaldo saka ako ibinigay sa kapitan ng barko.
Hinaplos nito ang mukha ko papunta sa leeg ko hanggang sa malapit na sa dibdib iniwas ko ang sarili ko dito and i spit on his face pero isang sampal ang ginawa nito sa'kin.
"Hayop ka! Mga hayop kayo!" Sigaw ko sa mga ito ng hablutin ni Reynaldo ang buhok ko.
"Pakipot ka pa eh." Salita ni Reynaldo.
Halos bumuhos na ang luha ko dahil sa kawalan ko ng oag-asang maililigtas pa ako nila Kurt dahil sa mga oras na to malamang ay hindi pa rin nila alam na nawawala ako.
***
Catherine's POV
"Ride or Die?" Tanong ni SLY kay Kurt habang pinapaandar nito ang sasakyan niya.
"Ride or Die." Sagot ni Kurt kay SLY saka ikinabit ang seatbelt nito.
Inayos ni SLY ang rare view mirror at itinapat sa'kin. Mukhang alam ko na ang itatanong nito kaya bago pa man ito mag salita ay inunahan ko na ito.
"Ride or Die." Ang kaninang mabagal na pag takbo ng sasakyan ay bumilis na ngayon dahil sa mas papalapit na kami sa destinasyon kung nasaan si Cathleen.
Isang pagsagasa ang ginawa ni SLY kay Jane Gutierrez dahilan para magkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan namin at mga tauhan nito.
"Puntahan niyo na si Cathleen." Salita ko kina SLY at Kurt pag baba namin ng sasakyan saka ko sinundan si Jane Gutierrez.
***
Kurt's POV
Isa-isang pinatamaan ni SLY ng shotgun ang mga makakasalubong namin na tauhan ni Reynaldo habang ako ay nakikpag palitan ng putok ng baril sa mga ito. Hanggang sa makita ko si Cathleen na pinasok sa loob ng barko ng isang kapitan kaya agad akong sumenyas kay SLY na susundan ko ang mga ito.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ay mayroon ng tumalon sa'kin na isang lalaki dahilan para mabitawan ko ang baril ko at nakipag mano-mano ng suntukan dito.
Isang suntok pa sana ang ibibigay ko rito ng bigla itong bumulagta dahil sa suntok na ginawa ni Roman dito.
"Ako ng bahala dito." Salita nito sa'kin pero hindi pa man ako nakakaalis ay nasuntok na agad ito ng lalaki.
Tupang Usa dahil hindi man lang kami maka-tama ng suntok dito dahil sa pakikipag unahan namin maka-isang suntok ni Roman.
Hanggang sa makita ko si Cathleen na tumatakbo palayo sa lalaking kapitan kaya agad kong sinugod ng suntok ang lalaking ewan ko kung saan pinag-lihi.
BINABASA MO ANG
Ride or Die? (Season II)
AksiBasahin po muna ang season1 bago ito. Salamat! Apir! [Credit to the owner of the Pic.] PUBLISHED: SEPT. 5,2015 END: FEB. 2,2016
