Chapter 38.

2.9K 115 8
                                        

Nagising na lang ako na ako na ang nasa hospital bed at si SLY ang nasa sofa kaya agad akong bumangon.

Paano ako napunta rito? Sa huling pagkakatanda ko pag tapos namin kumain, nag-uusap lang kaming dalawa habang nakahiga siya at ako naman naka-upo at naka-pangulumbaba sa side bed.

Minabuti ko ng tumayo at ayusin ang hospital bed at makapag-ayos ng sarili dahil dalawang araw na ata akong walang liguan.

Papunta na sana ako ng banyo pag tapos kong ipagpag ang bedsheet ng hospital bed ng may kumatok sa pintuan.

"Mad--" Napahinto naman si Patrick sa pagsasalita ng makita si SLY na mahimbing na natutulog sa sofa rito sa loob ng kwarto.

"Dinalan ko kayo ng pang palit na damit." Bulong nito saka inabot ang bag na dala niya.

"Hay, hulog ka ng langit." Minsan talaga maasahan din to si Patrick kahit na hindi muna iutos eh ginagawa na ng kusa.

"Ano nga pa lang balita sa kanila?" Tanong ko rito dahil hindi ko na alam ang nangyari dahil sa pag hihintay ko kay Caitlyn.

"Ah eh nasa bahay sila nagpapahinga. Okay naman, si Roman may konting galos sa mukha pero na gamot na kagabi. Si John at Lucas humihinga pa. Si Cara nasa kabilang kwarto kasama si Giselle at Paulo. Si Kurt at Cathleen nasa bahay din. Si Nathalie sinundo na si Queen at Kiefer. Si Shaider.." Napahinto ako sa paglalabas ko ng ilang gamit namin ni SLY ng mahinto sa pagke-kwento si Patrick kaya lumingon ako rito para istemahin ang reaksyon ng itsura nito dahil sa pagkakahinto nito sa pagsasalita ng banggitin ang pangalan ni Shaider.

"Don't tell me?--"

"Malungkot si Shaider at simula pa kagabi ng matapos yung gulo nag-umpisa na siya uminom hanggang kanina pag alis ko ng bahay niyo ni Boss." Taka ko itong tinignan saka na-upo sa dining chair. Si Patrick naman ay na-upo sa silyang nasa gilid ko.

Hinihintay ko lang itong mag-salita dahil sa mukhang nagdadalawang-isip pa 'tong mag kwento.

"Naaawa nga ko kay Shaider, hindi ako sanay na ganun yung gago na yun. Alam mo naman Madam na puros kalokohan si Shaider pero kagabi ni walang lumalabas sa bibig niya na kahit anong salita. Basta dumeretso siya ng mini bar sa bahay tapos nag umpisa na uminom. Ni hindi na nga kinain yung in-order ni Cathleen na pagkain para sa kanya."

"Ano bang nangyari? Si Melanie nasaan?"

Naghihintay lang ako sa sagot ni Patrick dahil sa paghinga nito ng malalim. Ayokong isipin ang nasa isip ko pero ng tumingin sa'kin si Patrick na malungkot at biglang umiling ay halos ni wala rin lumabas na letra sa bibig ko hanggang sa namalayan ko na lang na naka-hawak na ang kamay ko sa labi ko.

"Wala na si Melanie, Madam."

Wala na? Paano? Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos ng gulong nangyari.

Nakahawak lang ako sa bibig ko dahil hindi pa rin nag si-sink in sa'kin ang sinabi ni Patrick.

"Sinubukan iligtas ni Shaider si Melanie ng matulak ito ni Marc Sanson, pero sa kasamaang palad binuwis ni Melanie ang buhay niya para kay Shaider." Dugtong ni Patrick sa kwento nito.

"God." Tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam saan ako kukuha ng letra mula sa bibig ko dahil sa narinig ko.

"Then I guess, I need to discharge as soon as possible. Shaider needs us." Sabay kaming napalingon ni Patrick kay SLY ng mag-salita ito.

Agad akong lumapit rito para alalayan itong maka-upo pero huli na dahil naka-upo na siya sa halip ay tinap na lang nito ang sofa na hinigaan niya kaya na-upo ako.

Ride or Die? (Season II)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon