Chapter 33.

2.7K 101 8
                                    

A/N: H'wag po kayong maguluhan Chapter 33 po talaga to. May binago po talaga ko sa mga Chapters. :)

Anyways, pahinging votes ah kung ayaw niyo apir apir na lang tayo. Hahaha!

*********------------**********

Shaider's POV

"Ano bang naisipan mo?" Tanong ko kay Melanie habang isa-isa namin pinapaputukan ng baril ang tauhan ng Ama niya.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng babaeng to at hindi niya ko kayang patayin.

"Tanga ka ba o manhid?" Napahinto ako sa pagpapaputok ng baril ko saka ito tinignan. Huminto rin ito saka humarap sa'kin.

"Maha--" Agad kong pinaputukan ng baril ang lalaking nasa likuran ni Melanie ng tutukan siya nito ng baril.

"Mamaya na tayo mag-usap." Salita ko rito saka ko siya hinawakan sa kamay at tumakbo papunta kung saan.

Laking gulat ko ng mayroong tanke ng militar ang sumusunod sa sasakyan ni Paulo.

"FVCK!" Mura ko saka sumakay sa isang sasakyan na naka-parada dito.

Inabot ko kay Melanie ang baril ko saka ito pinapasok sa sasakyan.

"Put on your seatbelts." Utos ko kay Melanie na agad naman nitong ginawa.

"There's a fvcking tank in my ass." Salita ni Paulo sa reciever na alam kong dinig din ng iba pa namin kaibigan.

Para na akong nakikipag-karera sa mga sasakyan para lang maabutan si Paulo para patalunin ito sa sasakyan ko.

Inatras ko ang sasakyan ko para madikit sa kotse ni Paulo na kaunti na lang ay mangangalahati na.

"Ako na." Salita ni Melanie dahil siguro sa napansin nitong nahihirapan akong i-sakto ang sasakyan ko sa direksyon ni Paulo para agad itong makatalon.

Nag dadalawang isip man ako ay nakipag palit ako rito ng upuan para siya ang mag drive at para masabihan ko si Paulo na tumalon. Agad nitong binuksan ang bubungan ng kotse na dina-drive niya saktong pag upo nito sa driver seats.

"G." Tawag ko kay Paulo. Halos isang dipa lang ang layo nito sa kotse. Nilingon muna nito ang tangkeng nasa likuran niya saka kumuha ng bwelo para makatalon.

May ilang segundo pa itong natitira kaya sinenyasan ko na itong bilisan niya ang pag talon.

Halos maihinga ko na ang baga ko ng tumalon si Paulo pero sa halip na sa passenger seat ito mapunta ay sa compartment ito napahawak.

Agad kong hinawakan ang kamay ni Paulo para alalayan siya pero ng malapit na itong makatuntong sa kotse ay agad ikinaliwa ni Melanie ang sasakyan kaya napabitaw ang kamay nito sa pagkakahawak sa'kin.

"G, kayo ng bahala kay Kiefer." Halos walang pag asang salita ni Paulo.

Kita ko ang unti-unti nitong pag bitaw sa compartment kaya agad akong kumuha ng buwelo para makapunta rito saka ko hinawakan ang kamay nito gamit ang kaliwang kamay ko habang ang kanang kamay ko ay naka-kapit sa head rest ng upuan.

"G, walang mamamatay sa'tin." Salita ko rito saka pwersado itong inangat.

Saktong binagalan naman ni Melanie ang pagtakbo ng sasakyan kaya nakakuha si Paulo ng buwelo para makatuntong at sabay kaming napa-upo sa passenger seat ng i-preno ni Melanie ang sasakyan.

Nilingon kami ni Melanie saka kumindat sa'min. May pagtataka man sa itsura ni Paulo ay napa-yakap na lang ito sa'kin.

Petengene lakas maka-bading.

Ride or Die? (Season II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon